Friday, June 25, 2010

Si Ate Cherry


gusto ko 
na ang iyong pangalan
ay malagay sa tuktok
ng aking haluhalo
isang panghuling sangkap
upang makompleto
ang walang kabuhay buhay
na mga yelo, 
saba at kondensada
pero nasaan ka na ngayon
sa ibang baso
o nasa ibang haluhalo?
talagang hinahanap-hanap ko
ang espesyal na haluhalo
na may isang mumunting prutas
ang pangalan niya'y hindi maalis 
sa basong kanyang ininuman
na nakikita kong
nasa lababo na.

Bi Thumb rating