Saturday, January 26, 2013

Ang Tula Pala ay Parang Isang Bus

Ang Tula Pala ay Parang Isang Bus

Ang tula pala ay parang isang bus,
Na bumabagtas sa lahat ng klase ng panitikan
Patigil-tigil ang bawat saknong
Lulan ang mga letrang mga pasahero
Nakaupo o nakatayo silang nagigitgitan
Upang makabuo ng mga salitang
Nakakatakot, nakakainis, nakakalungkot o nakakasaya
Sila ang patuloy na bumabaybay
Sa likulikong daan ng mga linya
Na parang patigil tigil na mga trapik ng mga pantig
Na isa isa mo na ngayong binabasa
Sana ay mahusay ang aking pagkakamaneho

Bi Thumb rating