Quickie
Naglalaro ang
Mga kamay sa
Madilim na kawalan
Na walang
Matang makakatanglaw
Tanging makintab na sahig
Mga paa ng mga silya
At mga nangagsisipaggapang
Na mga langgam
Na abalang
Nag-iimpok ng
Malansang likidong
Biyaya mula sa taas
Sa isang lamesang
Naabot ay langit
Post a Comment
POST YOUR COMMENT BELOW