Tuesday, October 16, 2012

ANO ANG DIONA


Isa sa mga halos nawawala nang anyo ng tulaang Filipino ay ang Diona. Ito ay nabibilang sa ating mga katutubong uri ng mga tula. Sabi nila ay hindi pa sinilang si Francisco Balagtas ay may ganito nang anyo ng panulaan. Ayaw naman nating mabaon sa limot ang anyo ng tulang ito kaya hayaan niyo akong balangkasin natin kung ano ba talaga ang Diona.

Ano ang Diona?
Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod (seven syllables every line), tatlong taludtod kada saknong (3 lines every stanza) at may isahang tugmaan (one rhyme).


Eto ang ilan sa aking mga ginawang halimbawa:



'Wag mo ako iwanan
Ikaw lamang ang laman
Ng inbox 2 ko at 1



Talagang nangangati
Ang balat ko parati
Dito lang sa Makati



Sino ba ang papalag
Sa hamon nitong banlag
Mamato at iilag?



Ako ay siraulo
pabaliktad ang takbo
Sa parating na toro



Alaga ko ay kalog
ayaw magpapakabog
Bisaya'y nagtagalog


Magkano day ang pipsi
Doon kasi ay kinsi
May libre pa na dulsi


Phantom of the opera
Siya ang nakamaskara
Hindi yung nakatiara


Kating kati sa katre
Malanding si kumare
Sa pinilit na kapre



Kayo? Subukan niyo ring gumawa. Napakadali at masaya pa. Buhayin natin ang katutubong panulaang Filipino! :)

4 comments

Anonymous Author
August 08, 2014 8:51 AM

thank u thank u nang marami po sa inyo, sobrang laking tulong (at tawa AHAHAHA) ang dulot nito sa kin XD grabe yung examples niyo po, raknaitoooo! :^D^:

Reply
Unknown Author
August 24, 2015 4:29 PM

O.O

Reply
Unknown Author
August 24, 2015 4:29 PM

**"

Reply
Unknown Author
August 24, 2015 4:29 PM

**"

Reply

Post a Comment

POST YOUR COMMENT BELOW

Bi Thumb rating