“Putang ina mo!”
Malutong ang mga salitang yaon sa loob ng kinakalawang kongkukute habang kayakap ang mga ispiritu ng mga tatlo o apat na bote ng red horse sa labas ng isang bar sa Katipunan. Palapit sila nang palapit sa akin dinidikit ang mga nakakangilong mga amoy mula sa mga natirang bula ng mga huli pang mga natoma na mga bote. Pati na rin ang paghalo ng mga tipak ng sisig na naging pulutan. Nakakatuwa sa una ang kwentuhan lalo na kung alam mo na game ang lahat na magbulaslas ng mga napakabulgar nilang buhay na nakakagimbal rin sa iyong nagmamalinis na kaluluwa. Sasabay sa gulo ang ng taba ng chicharon na ipapasok mo sa iyong bituka ang mga kabastusan; mga kwentuhang pagtatalik o ‘di kaya’y mga out of this world na mga karanasan ng ilan sa mga ngayon ko lang nakausap. Si Salve; ang pinakamaputi na babae sa grupo; sa kanya lang ako nakatunganga sa pangarap na sa kanya tumama ang maya’t mayang pag-ikot ng bote para ako naman ang makapagtanong. Tatanungin ko siya kung virgin pa siya. Malamang hindi. Sa ganda ba naman niya alam ko ‘yun. Kailangan lang na marinig at manggagaling ito sa kanyang mapupula at kissable na labi.
Oo. Gaya ng ibang kasama namin, ngayon ko lang siya nakita at hindi ako makapaniwala na may ganito kagandang kabarkada si Andrew. May pahapyaw hapyaw rin siyang kinukwento sa akin noon na isasama niya ang kaopisina niyang iyon sa play pero ‘damn’ hindi ko alam na ganito pala siya kaganda; may pagkatisay ang itsura, mahaba at tuwid ang buhok at mga kamay na sa tingin ko pa lang ay mala-prinsesa ang pagkakalilok. Hindi matatawaran pa ang tindi ng dating ng kanyang tindig lalo na noong una ko siya naka- ‘hi’ at ‘hello’noong magkita kami sa labas ng Ateneo sa taas ng Gonzaga Hall. Tulala na ako noon katabi siya sa upuan ng Fine Arts Hall. Kahit noong nagsisimula na ang mga naunang play ay sa kanya pa rin ako nakatitig. Wala akong pakialam kahit mahalata pa niya. Parang wala naman siyang pakialam eh. Tuliro lang siya na hindi ko alam baka antok lang sa biyahe o kung ano. Siguro nga. Nahahalata rin niya ako; pero dinadaan ko na lang sa pagkausap ng kung anong pabulong na masasabi ko sa palabas. Napakalamig siguro ng kanyang boses kahit hindi ko pa naririnig. Lagi na lang kasi siyang nakasimangot kahit sobra pang nakakatawa ang banat ng mga tauhan sa ‘Reunion sa Bangin.’ Nakisabay pa ako ng tawa. Pero siya. Tahimik lang. Parang bato na hindi mo alam kung nakikinig ba sa play o hindi. Siguro malalim lang talaga ang kanyang sense of humor. Siguro ako lang ang makakapagpatawa sa kanya at ibibigay sa akin ng mahal na hari siya bilang aking prinsesa. At pagkatapos noon ay mawawala ang sumpa sa kanya para malaya na siyang tumawa nang tumawa. Hanggang sa bibilhin na namin ang production ng Shaharazade para sa private restaging na kami lang ang manonood; para marinig ko lang siyang tumawa nang tumawa. Palagay ko sa mga oras na ‘yun magiging masaya kaming dalawa; magkaholding hands at siya naman ay nakasandal sa akin habang unti-unti niyang dinadama ang ‘the hangingtree.’ Meant to be kaya kami? O baka may isang acacia tree na naghihintay sa aming ‘long lost love’ sa nakaraan na kailangan kong ipaglaban. Kailangan ko lang talagang pagbutihin na alamin ang lahat tungkol sa kanya. Bakit pa kasi ngayon lang ni Andrew sa akin pinakilala si Salve; ngayon pa sa play na bawal talaga ang mag-usap; o kahit mag-inum ng alak para mabigyan pa ako ng lakas natanungin kong saan siya nakatira, ano ang trabaho niya, may nanliligaw ba sa kanya, kung mahal niya ako… Grabe napakaaga naman para sabihin ko pa ‘yun. Kung hindi ngayon, kailan? ‘Wag naman sana maabot ako sa punto na maghihintay ako sa kanyang oo hanggang tumanda ako sa katre. Ayoko naman maging kagaya ng lalaking version ng matandang Lea. Siguro ito na ang panahon para sabihin ko sa kanya ang aking nararamdaman. Eto na. Sasabihin ko na talaga pero hindi ko rin naman nagawa. Nakita ko kasi na humahagulgol na siya sa kakaiyak. Grabe kakaumpisa pa lang ng katre ah. Ang sakit sakit raw ng nararamdaman niya. Ano ba ang nagawa ko? Wala pa naman akong nasasabi. Marahil hindi talaga niya ako matanggap. Wala nga talaga akong pag-asa sa kanya.

Umikot ang bote. ‘PAK SYET!’ Napakalutong na sigaw ko habang nasa kung saang dimension pa ako nakalutang. Bakit pa kasi sa akin tumama ang bote. Syet. Ano naman ang itatanong ng mga damuhong ito. Sana maging magandanaman. Sana hindi ‘yung iniisip ko. Lumagok ako ng halos kalahati ng laman ngkalapit na bote. Wala akong pakialam kung bote ko ‘yun o hindi. Humihit ng yosiat nakinig; nakiramdam kung sino ang magtatanong. Ang isip ko ngayon, mula saispiritu ng alak na natuma ko, silang lahat ay mga walang kakwenta-kwentangunggoy na nag-aagawan sa iisang napakasarap na saging. Sana lang hindi nila akobabalatan ng buhay o kung mamalasin ay kakainin ng walang kaaawa awa sakahihiyan.
“Gard! Eto ang tanong namin sayo,” bulalas ng isang ‘di kohalos makilalang kagulat gulat na kasama pala namin.
“Hindi mo pa nga sinasabi kung truth or dare tanong ka naagad!”
“O sige sige. Truth or dare?”
“Dare na Gago baka kung ano pa itanong mo sa akin!”
“Sige sige. Ano, halikan mo nga si Salve.”
“Yun lang pala eh. Go!”
“Sandali andali-dali naman ng pinapagawa mo. ‘Wag si Salve.Halikan mo na lang si Andrew.”
“Putang ina mo!”
“Pasali-sali ka dito ayaw mo naman.”
“Walang gaguham pare. Walang bastusan dito”
Tumayo na ako sabay pagtapon sa mga nakatayong bote ng alaksa kausap. Si Ernie ‘yun. Ang sabi eh kabarkada rin siya ni Andrew at hindi nanakaabot sa play kaya sumama na lang sa kanila sa bar malapit sa Katipunan. Nagkaawatan.Pero agad namang napawi nang mapansing nasisilapitan na ang mga bouncer. Ayawnaman nila na mapalabas pa sa kalagitnaan ng kasiyahan. Sa pag-upo ng lahat,hindi inaasahan na biglang lumapit si Salve sa akin at walang anuano ayhinablot ang ulo ko palapit sa kanyang pisngi sabay bigay sa akin ngnapakasarap na French kiss na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman.Tulala ang lahat lalo na si Ernie na nailuwa ang kakapasok lang na pulutan sabibig. Natigilan rin ako kahit may ilang parte ng halik na nilabanan ko angkanyang mga dila. Walang sinumang nagsalita kahit napakalakas ang pagkanta ngbanda sa background. Si Salve ay umupo pagkatapos at walang punas punas nahumithit ng yosi sabay takbo palabas ng bar. Hinabol ko siya. Ewan ko alambakit ko ‘yun ginawa. Kung hayop ako, instinct ang tawag sa paghabol ko sakanya o marahil gaya niya ay gusto ko rin makatakas at maiwasan ang anumangkomento na aking maririnig sa kanila. Hindi na ako lumingon. Ayoko na malamanpa na sa pag-alis namin ay pagtatawanan nila kami. Basta ang nasa isip ko,tangina napakasarap ng halik na iyon. Hindi ko na talaga siya papakawalan.
Napakabilis niyang tumakbo. Sa isip ko para siyangnapakagandang paruparo na hinahabol ko sa pasikutsikot na dancefloor. Hindi kotinantanan ang makulay niyang mga pakpak kahit alam ko na nararamdaman niyangsinusundan ko siya. Kahit anong lipad pa niya hindi ko hinahayaang mawala saisip ko ang ganda ng kanyang mga kulay. Alam ko sa pagtagal nito ay mapapagod dinang napakagandang paruparo para humapon sa pinakamalapit na bulaklak. Saoras na iyon gusto kong maging bulaklak nalang para saluhin siya. Kahit ano pa yan. Handa akong harapin kung anuman angkanyang sasabihin.
At lumabas nga siya ng bar gaya ng aking inaasahan. Hinabolko siya hanggang sa makita ko siyang tumigil sa isang nakausling pader sa malayosa dilim kung saan patay-sindi ang ilaw sa kanyang malaporselanang kutis.Kumuha siya ng yosi at naghanap ng lighter sa bulsa. Wala siyang makita.Dalidali kung inilabas ang lighter ko sabay sindi nito sa kanya. Napangiti ako.Alam ko na habang ginagamit niya ang lighter ko, ito na ang chance ko namagsimula ng kahit anong topic tungkol dito.
“No smoking area ba dito. Ako nga mga si Gard.”
Hindi umimik si Salve. Tuloy tuloy pa rin ang kanyangpaghithit buga sa nakasindi ng yosi. Naisip ko marahil hindi ko maipagtatakakung ang paruparo ay hindi magsasalita. Hinayaan ko na lang na hanguin siya ngtadhana para magkaroon siya ng bibig para kausapin siya. Nagpatuloy pa rin ako.
“Weird. Okay ka lang? I think no body smokes even 10 metersfrom this place. Feeling ko hindi ako magtatagal sa lugar na ‘to.”
“Gard.”
“Oh my. The butterfly finally can talk!”
“Kung feeling mo na type kita, dahil hinalikan kita,nagkakamali ka.”
“So bakit mo ba ako hinalikan in the first place?”
“What would I get if I answer your question?”
“Perhaps you will get another kiss from me?”
“Tangina mo!”
“Ang sarap! Iba yata ang feeling kapag makarinig ka ngnapakagandang babaeng namumura.”
“Kung gusto mo lang ng kausap, ‘wag ako please. Hayaan mo nalang ako dito”
“Do you think I will just let you leave after you kissed me?”
“So? What if I kissed you?”
“Kayo talagang mga babae oo. You tend to say no when youmeant it is yes. You tend to say yes when you meant it is no.”
“I have no time for your analysis of gender differences.”
“Alam ko nagustuhan mo ang ganti ng halik ko sayo.”
“And why did you say that?”
“I just felt it.”
“You’re crazy . Brad right?”
“No. It is Gard. Gardo Valenzuela. Nice to meet you Salve….?”
“I am not a fool. I know inalam mo na kung sino ako simulapa noong makita mo ako sa Ateneo.”
“Alright. Tinanong ko na kay Andrew. You are Salve Sanchez.Nice to meet you.”
“It is NOT nice to meet you Gard!”
“Alam mo ang ganda mo kapag ang sungit mo.”
“Ayaw mo ba akong tantanan!”
“Not only if you tell me why you kissed me kanina.”
“Do you really want to know why?”
“Yes.”
“Well here it is. Nalilibugan kasi ako. Puta kasi ako.Pagkakita ko sayo kating kati ako at gusto ko matikman ang pinakagwapo nalalaki sa mundo. Hinding hindi komakakalimutan ang halik na iyon. Hahanap hanapin ko ‘yun dahil napakasarap.Sana maulit pa! O ano masaya ka na? Pwede ka na bang umalis?”
Tinapon ko ang upos na yosi at biglang dinaklot ang mukha niSalve sabay halik sa kanya. Matitigas ang kanyang labi ngayon sa pagpupumiglaspero hindi ko binitawan; hindi ko tinantanan pero agad siyang umatras. Tinulakniya ako sabay hampas sa hawak niyang bag.
“BASTOS!”
“Hep. Galing sayo ‘yun. Sabi mo, I quote… ‘sana maulit pa’”
“At naniwala ka naman GAGO!”
“Hindi ako bastos. Hindi ako gago. Pinagbibigyan lang kita.”
“At ikaw pa ang may guts na sabihing pinagbibigyan mo ako.Kapal mo!”
“At this point alam ko na gusto mo ako.”
“Fuck you!”
“Kasi all the while, kung talagang nabastusan ka sa kakin whenI kissed you again kanina ka pa tumakbo sapulis at sabihing hinarass kita.”
“You are giving me the idea. RAPE! RAPE! RAPE!”
“Harrass lang hindi rape. Oh well, the way you dress, nobody will believe you.”
“Ano akala mo sa akin pokpok?”
“Hindi ako nagsabi niyan. Don’t downgrade yourself. Angganda mo Salve.”
“Andaming beses mo na ‘yan sa akin sinasabi. May yosi ka paba?”
“Here.”
“Salamat.”
“Mukhang napaparami na ang yosi mo.”
“Hayaan mo na lang ako. Ngayon lang ito.”
“Umiiyak ka ba?”
“Hindi tears of joy lang.”
“Kanina pa actually kitang nakitang malungkot. Kahit noongplay, I saw you crying. What’s wrong.”
“Gago. Nakakaiyak naman talaga ang katre.”
“Ang tanga ko. Kaya naman pala. So ngayon, I’m sure hindi naito dahil sa katre ano. Ano naman ang iniiyak mo?”
“I can’t believe that I am talking now and crying beside acomplete stranger.”
“I am not a stranger anymore. Kilala mo na ako.”
“Fine fine. I am just so damn fucking worthless creature!”
“No. That is not true. Tell me.”
“It is a long story.”
“I will listen.”
“Yesterday. Or should I say, almost forever hinihintay kosiyang bumalik. We see each other sa skype halos araw araw and all. I reallyloved him so much. I really missed him.”
“I see. Is this your boyfriend.”
“Not really that official.”
“So, you loved somebody na hindi mo pa sinasagot.”
“You know the 80-20 rule?”
“No no. Ano ang 80-20 rule?”
“It’s simple. Sa business it states that 80 percent of theeffects came from 20 percent of the causes.”
“What do you mean?”
“Damn it! Sisirain mo ba ang moment ko just to explain that?”
“Di ko kasi alam kung ano ang 80-20 rule na ito.”
“The guy I love has a girlfriend!”
“Oh my.”
“And I knew that ever since I met him.”
“So you are the 20 percent…”
“I fill the vacant slots of his girlfriend’s love. I feltlike a slut at times but I do not care.”
“You do not care but you are crying.”
“Shut up! We should be watching the play together when thewriter of Katre invited us. Well, actually I was the one who invited him and heagreed.”
“Then?”
“And I waited for him downstairs of Gonzaga hall. I was withAndrew.”
“So that’s why antagal niyo dumating sa taas.”
“We waited almost forever! Not until..”
“What?”
“He arrived. At grabe talaga Gard. Hindi ko alam na sinama niyaang girlfriend niya!”
“Shit. So ano ginawa mo.”
“Ang sakit sakit kasi they were holding hands and verysweet. That’s the time my phone beeps for his text. Tangina ang Globe na yan. Ireceived late text messages saying multiple sorry na nag-insist sumama anggirlfriend niya sa kanya.”
“So nagkausap kayo?”
“Pinakilala niya ang girl sa amin. Si Andrew alam niya kayatinulungan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. At alam ko na gusto niya nahindi ako mahalata ng girl. Kunyari kami raw ang magjowa.”
“Bakit di ka na lang umalis?”
“Nahihiya ako kay Christian. He invited me as his guest.Kailangan niya ng support ko.”
“Alright. Tapos ano nangyari?”
“Then I met you upstairs. I know you are there peropasensiya na Gard talagang wala ako sa aking sarili that time. Lalo na nung nalamanko na pinareserve kami ni Christian ng seats. We need to sit along together.Shit! Ang pangit ng pakiramdam makita ang girl na pinupunasan siya ng pawis.Katabi ko silang dalawa! I felt so much hate! Parang gusto ko na tumakas pero Ican’t”
“So kaya pala hindi ka mapakali noong kinakausap kita ngkinakausap. I’m sorry.”
“It’s okay. Pero ang sakit sakit ng nararamdaman ko Gard. Atthat time I felt I am trapped in the middle of being boiled and being frozen.”
“Mahirap nga na feeling ‘yun.”
“What more seeing her girlfriend kissing him in front of me!”
“Tahan na. Iiyak mo lang yan Salve.”
“Kaya nakakita ako ng tiyempo. Sa simula pa lang ng Katre.Iyak ako ng iyak. Iyak ako ng iyak.”
“Naiinitindihan kita. Iiyak mo lang yan. Mabuti na lang athindi nila nahalata.”
“Kasi nga may mga sumabay naman sayo. Pero ano ka ba, sahuling part naman sila umiyak at hindi sa simula.”
“Basta bahala na kako kasi hindi ko na nakakayanan ang sugatsa puso ko. Alam mo ‘yun? Parang sugat na loob na ang sakit sakit at ayawgumaling.”
“Sa last part ng katre, I’m sure naiyak ka na.”
“Oo humagulgol ako Gard. Sobrang humagulgol. “
“Pero tumigil ka rin naman di ba”
“Oo naman. Pinigilan ko lang ang sarili ko hanggang curtaincall… hanggang sa bar…”
“Fuck! They are here?”
“Yes. There are in front of me the whole time.”
“Shit nila.”
“It’s okay. Gumanti naman na ako.”
“Now I know.”
“I am sorry Gard.”
“So mali ako right.”
“Mali na?”
“Mali ako na you kissed me because you liked me.”
“I am sorry.”
“It’s okay. Do you need your help pa ba?”
“Okay lang ba sayo?”
“Okay lang. Pero alam mo, you should also learn to loveyourself. Ang ganda mo. Andami pang guys diyan.”
“I love him so much.”
“You love him pero may iba na siya.”
“Hindi naman natuturuan ang puso.”
“Pero kaya mo namang umiwas at kalimutan siya.”
“Mahal niya rin ako.”
“Mahal pero sinasaktan ka niya.”
“Nasa sitwasyon lang siya na hindi niya maiiwasan. Papabasako pa mga text niya sa akin.”
“My God pinagtatanggol mo pa siya.”
“Because I love him!”
“Why do people let themselves to be hurt?”
“Aalis naman na ang girlfriend niya sa Dubai soon.”
“So ‘yun ang pinanghahawakan mo.”
“No. I am hoping naman.”
“Hoping na kapag magbreak sila ikaw na ang susunod?”
“Ewan! Hindi naman namin ‘yun pinag-uusapan!”
“Salve wake up!”
“This is what makes me happy!”
“Happy and now you are crying badly for the hurt.”
“Hayaan mo na lang ako.”
“Hanggang kailan ka maghihintay?”
“Hanggang alam ko na mahal ko siya.”
Humihit muli kaming dalawa ng sigarilyo. Hindi kami nag-usapng ilang sandal. Tumingin ako sa malayo. Si Salve naman ay abala sa pagpupunasng tissue sa kanyang mukhang basang basa ng luha kanina. Dalawa kami ngayongbalisa. Hindi namin alam kung ano ang susunod na gagawin. Hanggang sa i-offerko ang aking braso kay Salve.
“Salve, tara na sa loob.”
Napangiti si Salve sabay kuha ng braso ko. Napakahigpit ngkanyang pagkapit sa akin. Naramdaman ko na marahil balang araw iisipin niya rinna kaya ko namang tapatan ang pagmamahal ng lalaking yun. Siguro kailangan kolang maghintay. Siguro kahit sabihin pa nila na wala ng ibang bangkang lulan siSalve na darating maghihintay pa rin ako. Siguro mamahalin ko siya kahit pa akotumanda. Si Salve lang ang aking mamahalin. Maghihintay pa rin ako at hindi titigilhanggang sabihin niya sa akin na mahal rin niya ako. Inisip ko ‘yun lahat habang naglalakad kamingdalawa papasok sa bar kasabay ng pagplay ng song na ‘Someday’ ni Nina.
Post a Comment
POST YOUR COMMENT BELOW