Annotation:
Dahil napabasa ako ng isang balita tungkol sa RH Bill at nahaluan na rin ng mga balitang trahedya sa mga tabloid na nabasa ko sa bangketa kaya nabuo ko ang kuwentong ito.
Dahil napabasa ako ng isang balita tungkol sa RH Bill at nahaluan na rin ng mga balitang trahedya sa mga tabloid na nabasa ko sa bangketa kaya nabuo ko ang kuwentong ito.
Linggo noon. Napakalakas ng buhos ng ulan na parang mga naglalarong mga labintador sa aming bubungang gawa sa yero. Hindi ko halos makausap ang ate dahil bukod sa kakabunganga ni inay kay itay sa labinlimang piso lamang na uwi niya mula sa maghapon niyang pangangabayo sa Luneta ay dadagdagan pa ng nakakabinging ulan nitong buwan ng Setyembre. Kaarawan ko kahapon pero parang hindi naman ‘yun mahalaga dahil wala namang pinagkaiba ang kahit anumang araw sa akin. Kailangan kong magising ng maaga at dumiretso sa bahay ni Aling Ising sa kabilang kanto para kunin ang taho na maaari ko nang itinda sa buong maghapon. Parang isang napakabigat na dumbbell yaon na kung hahanapan ko ng kapakinabangan bukod sa kita ko ay tanging nasa pagbubuo na lamang ito ng ilan kong mga muscles sa katawan. Maskulado nga, kuba naman. Nasanay na akong yumuko nang yumuko na kahit walang ginagawa, parang may kaluluwa ang dalawang balde ng taho sa aking bandang batok. Permanente na ako talagang nakayuko dahil doon. Nakayuko kahit naghihintay pa na tumila ang ulan.
Si ate naman ay umiiyak. Malay ko kung ano ang dahilan. Basta alam ko kanina pa siyang salita nang salita na hindi ko naman marinig dahil sa lakas ng ulan. Ang huling alam ko ay nag-away sila ng nobyo niyang si Nestor kahapon dahil nakita raw ni ate na may iba siyang babae. Pero kahit nag-aaway sila, si ate naman ang nagpapatawad. Tanga kasi. Iba talaga siguro ang dating ng mga kantot ng mukong sa utol kong ‘to kaya kung tumihaya sa papag sa kakaiyak eh akala mo manganganak na. Oo. Dalawang buwan na siyang buntis. Hindi pa alam ni inay at itay. Kung malalaman man nila, wala rin naman silang pakialam. Papalaglag na naman siguro ni ate ang laman ng tiyan niya. Parang mga tae lang na kailangan ilabas dahil masama sa loob sabay flush sa toilet. Lalapit lang ang ate kay nanang osang sa kabilang barangay, papainumin ng mga tanginang likido na galing ata sa apdo ng kung anong hayop ay ayos na. Ilang luha, ilang punas ng dugo, at hayon ifa-flush na sa inidoro. Success! Sigaw ng ate. Amputa parang nasasanay na. Eto namang si Nestor nabunutan na naman ng tinik sa lalamunan. Pagkarinig ng flush sisigay siya ulit. Tuloy pa ang ligaya! Tara na kayo't tumihaya! Alam ko na ang ibig sabihin noon. Ito ay ang walang katapusan niyang pagpapanhik sa bahay para kunin ang ate para sa mga susunod niya na session sa halip na magsalsal. Panlaman tiyan raw, pampahid lungkot sa kadiliman ng kabuuan ng baryo trese.
Araw araw ata may mga anim, pito, o sampung umiire sa lugar namin. Walang sinasanto kahit umuulan pa. Kahit bumaha pa hanggang tuhod. May alam pa nga ako na nanganak habang naglalaba. Tangina anluwag ata ng puke. Ang sanggol sumama na rin sa mga nilalabhang mga damit. Mabuti na lang at hindi pa nalalagyan ng zonrox ang banyera. Dinala na lang ng kapitbahay niya ang kakapanganak na sanggol. Inuwi sa bahay, nilampinan, pinaghele, at pinainum ng iilang kutsarang am mula sa sinaing. Hinaluan rin ng kaunting kape para magkalasa. Walang tigil sa kakaiyak ang bata. Amputa napaso na pala ng am. Ang nanay naman niya hayon, abala pa rin sa kakalaba. Kailangan na raw kasing matapos ang lahat ng kanyang labahin at baka magalit ang mga nagpapalabang mga boarders sa kabilang kanto. Ang asawa noon sugarol. Walang kwenta. Pero kung gabi hinahanap hanap naman ng puta. Pero wala rin naman. Uuwi ang lalaking ‘yun ng lasing at hindi na gagalawin ang hinain sa kanyang mamumula mulang pucha pie. Iyak naman ang gaga. Lalabas ng bahay at uupo sa may hagdan hawak hawak ang yosi na kinuha lang sa bulsa ng asawa. Uubo siya ng uubo. Halatang hindi siya sanay.
“Punyetang buhay to o!,” bulong niya na naririnig ko naman nang buong buo. Napakalutong, may buhay, may laman. “Boy, alam ko nandiyan ka na naman. Lumabas ka na. Tama na ang pagsasalsal.”
Lumabas ako sa kinatataguan kong pwesto. Panglimang beses na ito nangyayari. Panglimang beses sa buwan na ito. Nasanay na ata si Selya sa kakasaway sa akin. Sa una, tinamaan pa ako ng malaking bato sa pagtataboy sa akin pero sa pang-ilang ulit na ganito nang ganito ang mga nangyayari, nasanay na rin siya na may sumusubaybay sa kanya lalo na kung siya ay nag-iisa. Gaya ng ilang ulit na pagkakabuking sa pagkakatago, tahimik lang ako na lalabas. Magpapakita at uupo sa gawing baba ng bahay. Titingalain ko siya na parang isang napakagandang parol na may kumikislap kislap na tumatagaktak na pawis. Parang isa siyang bituin na mahirap abutin.
“Boy, pakiabot nga ng karton na ‘yan sa tabi mo,” bulalas ni Selya. Agad ko naman siyang sinunod. Kinuha ko ang sinasabi niyang karton. Hinablot niya agad ito sabay paypay ng napakalakas. Naramdaman ko ang kanyang lamig na may halong halimuyak ng kanyang umaalingasaw na alindog. Napaupo ako sa hagdan sabay ramdam nang walang kaparis na tagpong parang nakatuntong ako sa lupalop ng kaulapan sa ibabaw ng dagat pasipiko.
“Boy, ano ang iniisip mo?”
“Pasipiko.”
“Ano? Ang sabi ko ano ang iniisip mo!”
“Wala po Aling Selya.”
“Kunyari ka pa. Type mo ba ako?”
“Hindi po.”
“Wag ka ngang pakipot!”
Tinapon ni Selya ang kanyang yosi sabay hablot sa aking maliliit na palad papunta sa kanyang dibdib. Agad ko itong binawi at namula sa kahihiyan. Hindi ko batid kung ano ba talaga ang pakay ni Aling Selya sa akin pero siguro naisip ko na mali ito. Maling mali.
“Bakla ka ba?”
“Hindi po”
“O bakit mo ako tinatanggihan?”
“Papatayin ako ni Mang Kanor!”
“May takot ka rin pala. Bakit lagi mo akong sinusundan. Ano ba ang gusto mo? Libog? Kantot?”
“Wala po.”
“Wala po. Hindi po. Puro ‘yun lang ba ang gusto mong sabihin!”
Natahimik ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Siguro tama lang na tumahimik na lang. Tumitig sa kawalan. Mag-isip ng mga kasayahan. Nang una akong maligo sa napakalakas na ulan, nang una akong lumangoy sa rumaragasang baha, nang una akong nakatikim ng jutes, nang una akong nakahalik ng bebot, nang una akong…
“Virgin ka pa no?,” dagdag ni Selya sabay tawa sa parang isang asong nasa kanyang paanan. “Ramdam ko eh, alam ko sa itsura mo pa lang.”
“Gusto ko na pong umalis Aling Selya,” ang sabi ko nang mapansin ko na parang may lumalangitngit na sa loob ng kanilang bahay. Marahil gising na si Mang Kanor. Marahil kung makita siya nito papatayin siya.
“Nag-uumpisa pa lang naman tayo aalis ka na. Samahan mo na muna ako. Tawagin mo na lang akong Selya.”
“Opo Aling Selya.”
“Selya lang.”
“Sige Selya.”
“Masunurin ka naman pala eh. Ngayon ano ba ang pangalan mo?”
“Pempem po.”
“’Wag mo na akong po-po-in. Pempem. Sagwa. Parang totoy. Ano ba ‘yung totoo mong pangalan.”
“Richard.”
Tumayo bigla si Selya sabay yakap sa sarili habang nakapikit na parang may inaamong isang umiiyak na sanggol.
“Richard! Oh Richard! Syeeeet! Ang gwapo mo!”
“Talaga ho?”
“Oo naman. Basta isipin mo lang na ganun, magkakatotoo ‘yun!”
“Papaanong iisipin?”
“Ganito. Akyat ka dito dali!”
“Pero si Mang Kanor…”
“Wala. Tulog na ‘yun halika.”
Hinablot ni Selya ang braso ko at sa isang iglap ay nasa taas na ako kung saan siya ay nakayakap sa aking mga braso habang tinatakpan ang aking mga mata.
“Ngayon Richard. Gamitin mo ang iyong isip. Mag-isip ka ng mga bagay na magaganda.”
“Wala naman akong makita.”
“Tanga. Wala ka talagang makikita kapag hindi ka mag-iisip ng gusto mong makita! Ang gusto mong magkatotoo!”
“Ganun ba? Sige sige. Ayan nakakakita na ako.”
“Anong nakikita mo?”
“Ikaw Selya. Pinagluluto ka ni Mang Kanor ng agahan. Pagkatapos niyakap ka niya para magising sa higaan. Tapos sabi niya natanggap na siya sa talyer. May trabaho na siya. Tapos..”
Lumayo si Selya sabay upo sa may hagdanan. Mamasa masa na ang kanyang mga mata sabay titig sa nagkakantutang mga aso sa kalayuan. Hanggang sa unti unti na ring tumulo ang mga gapatak na mga luha. Tumabi ako sa kanya. Pinahid ko ito at niyakap siya ng buong higpit. Yaon lang naman ang kaya kong gawin sa kanya. Marahil nakatulong rin ‘yun kahit papaano. Pagkatapos ay may narinig akong iyak ng sanggol na siya namang hudyat ni Selya na paalisin ako agad. Ganun na lang. Gaya ng dati.
“Magigising na ang asawa ko. Papatahanin ko pa ang anak ko. Sige bukas ulit ha Richard. Sa ganito pa rin oras. Hihintayin kita.”
Ganung ganun ang sinasabi ni Selya sa akin. Ganung ganun na lamang lagi at ako ay nasanay na rin. Pero sa gabing ito, wala akong magawa kundi lumagi sa bahay dahil sa tindi ng lakas ng ulan. Alam kong hinihintay na niya ako roon. Pero paano. Hindi ko ba iinitindihin ang kakaiyak ni Ate? Aawatin ko ba ang pagsasakitan ni inay at itay? Titigil ba ang ulan? Lulusungin ko ba ang baha?
At tumaas pa lalo ang tubig. Mabuti na lang at may dumaang mga rubber boat sa may amin. Agad kaming sumakay. Niyaya ko sila na dumaan sa gawing looban subalit hindi na tinuloy dahil delikado. Nagkalandslide raw kasi sa bandang yaon. Kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko na lang na hindi kami nagtungo roon at ninakawan ko na lang ng huling tingin ang kantong papasok sa bahay ni Selya upang umasa na sa huling tanaw na yaon ay makita ko siyang muli.
Lumipas ang ilang araw sa evacuation center, hinanap ko siya kahit ang kanyang asawa pero wala akong nakita. Sa isip ko, marahil sa ibang lugar sila napadpad. Ganun na nga siguro. Kaya umasa rin ako sa paniniwalang ganun. Hanggang sa humupa na rin ang baha na siya ko rin namang hudyat para puntahan ang bahay nila. Mamasa masa pa noon ang lupa. Hindi ko inanda ang putik basta ang alam ko, sa wakas ay makikita ko rin siya. Subalit walang sinumang tao sa bahay. Umasa pa ako na babalik sila mga ilang araw, linggo, buwan, o taon subalit wala talaga.
Hanggang isang araw, habang ako ay naglalakad sa gawing kantong yaon bitbit ang binebenta kong taho, natanaw kong muli ang kasiglahan ng bahay ni Selya. Binitawan ko ang lahat ng dalahin ko. Nagpunas ng pawis at dalidaling tumakbo sa bahay nila. May tao! May tao!
Agad akong umakyat. At sa loob wala naman akong nakita kundi mga sirasira at pinuputik na gamit. Marahil guniguni ko lang na may tao. Napaupo na lang ako sa may gawing hagdan. Inalala ko ang mga nakaraan. Ang mga sinabi ni Selya. Hanggang maisip ko na pumikit. Gaya ng sinabi niya. Tumayo ako at dinama ang katahimikan ng lugar. Madilim. Pero kailangan ko ngang mag-isip para makita ko ang gusto kong makita; para makita ko ang gusto kong magkatotoo. Subalit napamulat rin naman ako agad upang ibalik sa aking alalala ang lahat ng mga nangyari pagkatapos ng nangyaring baha. Yaon ay ang pagkakita ni ate ng mga bangkay ni Mang Kanor, ang sanggol, at ang minamahal kong Selda sa gumuhong bundok ng basura katabi ng kanilang bahay. Pero hindi ako naniniwala. Kahit kailan ay hindi ‘yun totoo. Walang anumang gumuhong bahay. Nandito pa rin siya. Kailangan ko lamang gawin ay pumikit upang ang lahat ng mga gusto ko ay magkatotoo. Kaya pumikit akong muli hanggang sa ilang sandali ay namuo ang ilang mga piraso ng alaala na parang mga kulay sa isang napakagandang larawang ipinintang obra ang mukha ni Selya. Kagiliw giliw pa rin ang kanyang mukha kasabay ng mga nagkikislapang mga namumuong pawis. Binuo ko ang nakakahalinang ulo niya hanggang sa magkaleeg, magkakatawan, magkahita, at magkapaa. Papagalawin ko siya hanggang sa maniwala ako na totoo nga siya na nasa harapan kong muli. Buhay na buhay. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya hanggang sa lapitan ko siya upang yakapin at halikan ng maraming maraming ulit. Napakasarap ng mga halik na yaon na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko. Hanggang tuluyan ko nang makalimutan ang aking sarili para paglaruan ang kanyang kabuuan. Si Selya na matagal ko na inaasam asam ay nasa paanan ko na at kahit kailan ay hindi na siya kailanman mawawalay sa aking mga yakap at sa aking mga bisig.
Si Selya ay magbabakasyon sa aking isipan magpakailanman.
Post a Comment
POST YOUR COMMENT BELOW