Monday, September 03, 2012

bakit ba ako nagsusulat?

Annotation:
Marami na sa akin nagtatanong nito kaya heto na ang sagot. Mahirap kasi i-explain. Basta sa ganitong paraan ko na lang ipapaliwanag.

lagi akong nagsusulat
dahil nandiyan ka kasama ko
na nag-iisip at bumabasa na
parang tagainum ng sumisirit
na malaasidong likido sa loob
ng utak ko na parang
paulit ulit na pagbibiyak
ng niyog kong kokote para
mahalo sa iba pang mga alam
mong mga salitang may kaunting
laman ng buko at putik na
maaaring gumawang milyun milyong buko shake
sa isang higanteng basong
wala namang yelowala namang tubig
pero sasamahan mo pa rin ako na lumangoy sa loob nito
sa mga bumabahang mga salitang nagawa ko mula
sa kawalanaamuyin lulunukintae man o shabu
susunod sa agostitikman ang mga letrang
mapait man o matamis
pangit o maganda
lulunok
hihinga
susulat
lulunok
hihinga
susulat
upang ako'y 'di malunod
upang ako'y mabuhay.

Post a Comment

POST YOUR COMMENT BELOW

Bi Thumb rating