Isang kaibigan sa opisina ang naghikayat sa aking isulat ang buhay niya. Orihinal na titulo nito ay "A Call From US." Hindi na marahil sekreto kung sino siya basta kung sinuman ang nakabasa nito na kaopisina ko alam na nila kung sino si Ms Purple. Love you Ms Purple. :)
Lunes na naman.
Sa araw na ito isa-isang dadapo ang mga
mumunting pipit na may daladalang account portfolio. Lilipad lipad sila hawak
hawak ang iilang milyon kong mga major accounts for collection. Ang mga dalawa o tatlo sa mga
ito ay pilit na pumapasok sa aking sintido. “Umaga na! Maya maya papasok na
naman ako para magresolve ng mga accounts, mangulit sa mga indiano na bilisan ang
paggenerate ng tamang bill, o ‘di kaya magbold ng mga salitang urgent na
ilang beses na naming napag-uusapan. May mga ilan namang mga maliliit na accounts na pakalatkalat sa ilang parte ng aking kokote. Ang sabi nga nila
kahit butil lang ng buhangin ay nakakapuwing. Kaya ayun kailangan ko rin itong
pag-isipan. Sabi naman ng nga intsik ang kaunti kapag ipagsama mo lahat ay dadami
rin. Kaya (again) hindi ko dapat sila pababayaan kahit sa pagsikat ng unang
lihis ni haring araw ay tutuka tuka ang mga major, mini, super mini sa aking memorya na walang tigil habulin na makatarget sa collections.
Kailangan ko na ngang bumangon bago pa sumakit at ulo ko sa kakaisip.
Lagpas na pala nga alas-nuwebe ng umaga. Isang normal na tagpo na ako
na lamang ang hindi pa nakakain ng agahan. Ang mga anak ko ay nasa school na o
kung bakasyon naman ay nasa labas na at naglalaro. Subalit mabuti na lang at
ang nanay ay talagang uliran maging sa aking pagtanda na tabihan ako ng ilang
agahan: Pritong itlog at talong na nabili ko sa SM Supermart (kung saan pwede
ang GC). Partner nga naman ang itlog at talong bukod sa mura na ay isa na itong
ritwal na agahan ng isang tipikal na pamilyang Pilipino. Napaupo na ako sa
lamesa. Ay sa upuan pala na katabi ng lamesa. Nilatag ko ang nakataob na plato at ipinatong ang kutsara at tinidor.
Sumandok ako ng ilang sinangag gawa sa tirang kanin kagabi. Napatitig ako sa
itlog. Naisip ko na sana makatikim naman ang mga anak ko ng waffles na may
strawberry fillings, toasted gardenia bread na may nutella toppings, french toast o di kaya
kahit nachos na may mozeralla cheese on top man lang. Malamang magiging parang commercial
kami ng golden oats; isang pamilya na nakasmile bubuhatin nila ang babae nilang
anak; tatawa; bubuhatin nila ang lalaking nilang anak; tatawa; kakain ng oats;
at sabay silang ngingiti. (Patlang) Utos lang naman 'yun ni direk. Gawa gawa
lang 'yun ng script writer. Walang totoo doon. Pagkatapos ng shoot, magsisipag-uwian
rin ang lahat ng mga nagsipagganap. At kinabukasan ay mag-iisip rin sila ng mas
matino pang agahan sa piniritong itlog at talong. At dahil sa naisip ko na yaon, kinuha ko na ang talong at
itlog. Nilagay ko ito sa aking plato. Medyo malamig na. Pumunta na lang ako sa kusina upang simulang
magtimpla. Pinag-isipan ko pa ng mabuti kung magkakape pa ako o maggagatas.
Sige na nga. Gatas na lang para makatulog pa ako mamaya. Pagbalik ko sa lamesa:
“Ma nasaan si
Papa?,” tanong ng isa kong
anak na lalaki na pawisan galing sa paglalaro sa labas. Bakasyon na pala
ngayon. Napakabilis ng mga araw.
“Basang basa ka ng
pawis Pempem! Magpalit ka na dun sa kwarto dali!.”
***************
ALARM
630PM.
SNOOZE 9
mins
ALARM
639PM
SNOOZE 9
mins
ALARM
719PM
Nilabanan
ko na ang aking antok. Salamat at kinalabit ako ni Pempem sa pagkakatulog.
Routinary na ito tuwing Lunes. Matatapos ba ang buong araw na gising sila ay
hindi ko na masabayan ang mga bata. Buong araw akong nahihimlay sa aking
kwarto. Tinapik tapik ko si Pempem at kinamusta ang pag-aaral sabay sabi niya
na bakasyon na ngayon. Hindi ko na siya marinig dahil dali dali ko nang kinuha
ang tuwalya upang maligo. Sinara ko ang banyo at isinampay ang tuwalya
sa lalagyan ng shower curtain kahit wala naman kaming shower. Pinuno ko ang
timba. Umupo sa inidoro at dinama dama ang tubig. Napakalamig. Pinilit ko na
lamang na damhin ito kahit ayoko. Wala na akong oras para mag-init pa ng tubig.
Kailangan ko na itong gawin.
Tumayo na ako at bumuhos ng isang tabong tubig sabay sayaw
ng jazz sa performance level para hindi ko agad maramdaman ang lamig. Sa
pangatlong buhos ay agad akong nagshampoo sabay sabon na rin. Mabuti na ito
para isang buhos na. Kinapa ko ang lalagyan ng conditioner. Wala na palang
laman. Kailangan ko na naman bumili sa Watsons. May gc na kaya?
Lumabas na ako ng banyo sabay bihis. Hindi ko na inanda na
plantsahin ang jeans ko. Sinuot ko na lang mula sa nakasampay . Masikip na sa akin ang pantaloon. Subalit
pinilit ko pa rin. Madadala naman sa outfit ang jacket eh para di mahalata ang
tiyan. Naghanap ako ng damit sabay tingin sa kalendaryo. Putik. Lunes ngayon. Business
attire pala kami. Hinubad ko ang pantaloon at naghalukay ng mga business
attires ko. Purple. Tama. I need purple outfit. Iniisa isa ko ang mga damit na
nakahanger na parang mga pahina ng isang aklat hanggang sa makita ko ang isang
purple na pantaas. Kinuha ko ito at nilapag sa kama. Naghanap naman ako ng
slacks. Mga ilang sandal ay nakakita na rin ako. Maninipis ako napili ko. Tama
na ito. ‘Di na kailangan pang plantsahin. Kunting suklay, kunting ayos. Tapos.
********
801PM
Hindi na ako
kumain. Balak ko sa opisina na lang. Gaya ng dati. Bitbit ang purple na bag nagpaalam
ako sa nanay ko, kay Pempem at sa anak kung maliit. Sinenyasan ko lang ni inay
na siya na bahala sa lahat. Sa isip ko, kaya na ‘yun ni inay. Wala na akong
ibang alalahanin pa kundi ang kumita ng pera at magkaroon ng gc pambili ng
gatas. Hindi na ako nagsuklay. Wala nang panahon sa pagpapabeauty sa mga oras na
ganito na 30 mins na lang at malalate ka na. Pinara ko ang dyip na rotang MRT. Pumara
nga ang dyip na sa tingin ko ay puno. Bahala na.
“Excuse me.
Excuse me.”
Lahat ng tao
ay nakasimangot. Hindi ko alam bakit basta ang alam ko mas mabilis ang dyip na
puno na. Tiyaga na lamang ito. Kung wala kang tiyaga, wala kang sweldo. Kailangan
ng pamilya ko ang pritong itlog at talong sa araw araw. Ubos na ang conditioner
ko. Kailangan ko kumayod.
“Bayad po.
Paabot nga po.”
Mabuti na lang
at hindi sila masasamang tao na ‘di ako pag-abutan ng bayad. Siguro alam na
nila ‘yun. Kung sino ang bagong sakay nagbabayad kaagad. Ewan ko lang sa isang
lalaki na titig ng titig sa akin. Putik. napakaikli pala ng pantaas ko. Syet lumalabas ang pwet. Tinaas ko na lang siya ng tinaas.
“Para!”
There goes na
majestic Gateway building amidst na dark streets of Aurora not far away from
EDSA. Wish ko lang. Nasa MRT guadalupe pa lang ang lola niyo teh sabay labas sa
stored value na card. Hindi na ako pumila.
"Sorry for the inconvenience, for security reasons, we
are inspecting your belongings upon entering the station"
Pagdaan ng
card ko sa makina agad akong pumunta sa ladies section (parang department store
lang ano). Dumating na ang train. Humanda na akong sumakay. Tumunog ang isang
anunsiyo sa isang malaking speaker. Maririnig ito sa buong terminal.
“For
your safety, please do not step on the yellow platform edge. Para sa inyong
kapakanan huwag tumapak sa dilaw na tiles.”
Umapak kaming lahat sa dilaw na tiles. Banggaan ang mga
pasaherong papasok at palabas. Matira ang matibay. Bitbit ang aking tiyaga
sabay tingin sa orasan na 815PM pinilit ko ang aking sarili na makapasok.
Automatic na agad na ang mga nasa loob ng tren ay didiretso sa loob. Mga
matters na nag-oocupy ng space well packed like sweat looking school of fish in
a canned sardines. Naisip ko ‘yun ng maamoy ko ang hininga ng katabi ko. Hindi
ko na lamang pinansin. Nagsara na ang pinto ng tren.
Napahawak ako sa sardinas, este kay ate dahil sa bilis ng
tren. Mabuti naman at okay lang sa kanya. Nafoforecast ko na malalate ako pero
sige laban pa rin. Alam ko na mabilis ang MRT.
********
BONI>SHAW>ORTIGAS>SANTOLAN>CUBAO
Hindi ko na
inanda ang ibang mga nag-aaway na pasahero sa may pintuan. Basta ang mahalaga
ay hindi ako malate. Sinilip ko ang oras: 815PM. Tamang tama. Nasa schedule na
ako. Pagbukas ng pintuan, agad agad akong lumabas. Parang mga daga kaming lahat
na nakawala sa hawla.Hindi ko alam pero parang natulak ko ang isang babae.
Bahala na. As usual pinadaan ko ang card sa makina at dali daling lumabas sa
estasyon. Sabay baba. Hindi na ko dadaan sa farmers dahil alam ko maraming
cause of delay doon mula sa mga security guard na magchecheck ng bag mo o ‘di
kaya’y mga nakaharang sa daan ng mga magjowa na feeling sala nila ang buong
mall sa bagal maglakad. Tumakbo na ako na parang nasa amazing race na hindi
naman amazing sa kalagayan ko dahil bakat na ang bra ko sa tindi ng pawis.
Marami rin akong nadaanan pero di ko na rin pinansin kong ano ang nga yaon.
Hanggang matanaw ko na ang Gateway mall.
Oh gateway
mall. My place to be. What a fascinating site. Sabay tagbo ng mabilis. Binuksan
ng lady guard ang pinto. Pumasok ako at nagutom pagkakita ng mcdo pero don’t
give up. It is only 820PM may 10 mins pa. Hindi ko na in-enjoy ang elevator.
Inakyat ko na. Total kung ifreeze mo ang time hagdan pa rin ito. Tinakbo ko ang
papuntang opisina. Sinabay ko na ang pagkuha ng badge. Hindi naman puno ang
buong silid. Siguro mga 20 katao lang naman kaming parang naghihintay kay
Father na magmisa. Walang pila. Basta tatayo lang kaharap ang nakasarang
elevator.
“IINK”
Pagkatapos makita
ni manong guard ang purple bag ko ay pumasok na ako. 825PM pa lang naman. May 5
mins pa ako. Inuna ko na ang aking sarili sa harap ng elevator. Siguro naman
maintindihan naman nila ang ginagawa ko. Nais ko sabihin sa kanila na maawa
sila. Mahabag sila sa isang inang may naghihintay na mga gutom na mga anak.
Isang inang kailangan na ng conditioner. Isang inang kailangan magtop sa collections.
Bumukas ang
elevator. Going down. Round trip. Bad trip. Sige na nga. Kaya pa ‘yan. Napansin
ko na may mga foreigner sa likod ko. Hindi ko na sila nilingon. Baka magcomment
pa sa ayos ko. Pawisang ina. Doon sila bumaba sa basement. Tumabi na ako sa
gilid kung saan may mga pindutan. Pinindot ko ang 7. Mabuti na rito para
mabilis akong bumaba. . Dumaan ang elevator sa ground floor. Nagsipasok ang
ilang mga empleyado. Mga kagaya ko rin ata na umiiwas malate. Pumindot sila
isa-isa ng kung saang floor sila bababa. Umilaw ang 1, 2,4,5, at 6. Putik.
Parang malalate nga ako. Pero alam ko advance ang relo ko. Syet. ‘Di na gumagalaw
ang relo ko. Naubos na ata ang baterya. Anong oras na ba talaga? Bumalik muli
ang elevator sa 1st floor. May isang lumabas. Walang hiya sana next elevator na
lang siya sumakay. Nandamay pa sa cause of delay. Bumalik uli ang elevator sa
2nd floor. May pumasok na dalawa. May mga hawak silang ice cream ng mcdo na
nasa apa. Masarap dilaan grabe. ‘Di pa pala ako kumakain. Napapikit na lamang
ako habang papabawas na pabawas ang mga sakay hanggang dumating na sa 7th
floor. Eto na ang panahon ng pagtutuos. Tumakbo ako. Kung pwede lang tumambling
ay ginawa ko na rin hanggang sa makarating ako sa isang PC kung saan ako
maglolog-in.
830PM.
“Tissue nga,”
ang sabi ko sa kaopisina. Mabuti na lang ay may natabi siyang tissue mula sa
pantry.
“Bad hair day?.”
“Oo nga po eh.
Sobrang siksikan sa MRT grabe.”
Nagpahangin
ako sandali at dumiretso sa locker. Hindi ko halos makayanan ang mga nangyari.
Marahil kailangan ko na baguhin ang oras ng pagtulog ko. Pag-iwan ko ng gamit,
naglakad ako ulit upang magbadge at nag-isip. Hindi naman oras ng pagtulog ko
ang issue. Dapat lang hindi ko isno-snooze ang alarm ng ilang ulit. 'Yun na nga. Next time alam ko na gagawin ko.
Kailan kaya ang sweldo? Kailangan ko na talagang makabili ng conditioner.
Post a Comment
POST YOUR COMMENT BELOW