Kaping ko noon si Maria kaya naisip ko na gawan siya ng kuwento. Naisip na sa dami nila, pwede ko pa naman talaga na lagyan ng isa pang tauhan na Maria rin ang pangalan; with a twist nga lang. Ilang ulit ko na binasa ang kuwentong ito at hanggang ngayon ay naaaliw pa rin ako. Sana kayo rin. LOL
Isang araw na parang pareho lamang sa isip ni Maria may napansin siyang kakaibang bakas ng paa sa buhangin sa dalampasigan. Laking gulat niya sa kanyang nakita sapagkat alam niya na siya lamang ang maaaring magdulot nito sa buong isla. Inusisa niya ang bakas. Hinipan hipan niya ito hanggang maisip niya na subukan na isukat ito sa kanyang sariling mga paa. Lubhang napakalaki ng bakas ng paa. Hindi ito sa kanya. May ibang tao dito! Sa wakas! May kauri akong nakatira dito!
Sinundan ni Maria ang yapak. Iniwan na lang niya sa tabing dagat ang kanyang pamingwit na gawa sa baging baging. Hindi na rin niya natalian ang kanyang ginawang balsa. Basta ang mahalaga ay mahanap niya kung sino man ang nagmamay-ari ng nasabing yapak. Sinundan niya ito hanggang sa makarating siya sa kaloob loobang ng kagubatan. Walang takot niyang sinuong ang kabuuan ng gubat hanggang sa makarating siya sa isang batis. Nawala na ang bakas. Marahil nabura na ng tubig. Marahil kinain na ng mga mabangis na hayop.
Nagmasid si Maria sa paligid at inisip niya na baka nandiyan lamang siya sa paligid. Marahil isa itong malaking Maria. Isang malaking Maria na maari siyang tulungan sa isla. Subalit walang kahit anong malaking Maria na nakita. Napaupo na lamang si Maria sa isang malaking bato. Kinatok niya ang kanyang ulo. Pumikit siya ng ilang beses upang malaman kung pinaglalaruan lamang siya ng kanyang ulirat. Pero hindi. Malinaw pa sa sikat ng araw ang bakas malapit sa kinaroroonan niya. Totoo nga na mayroon na napadpad na malaking Maria. Subalit nasaan?
Hindi na makapaghintay si Maria kaya dali dali siyang tumakbo sa isang pinakamalapit na puno ng balete. Sa taas nito ay ang kanyang bahay pero hindi niya pakay na umuwi. Pakay niya na tawagin ang kanyang kaibigan na dambuhalang unggoy na si Kingkong.
“KINGKONG!,” sigaw ni Maria. Ugali na niyang tawagin ang kaibigan niya sa oras na nais niya na may kausap. Pero si Kingkong ay iba kung magsalita na hindi rin naman maintindihan ni Maria sa umpisa. Pero paglaon na nalaman rin niya kung paano makipag-usap dito.
Kumaluskos mula sa malayo at dumagundong ang lupa. Patakbong pumunta si Kingkong sa kinaroroonan ni Maria. Sa kanyang paanan, isang dambuhalang unggoy ang lumapit. Ang paa nito ay doble sa laki ng paa ni Maria.
“U! Kingkong! Uh-uh!,” sagot ni Maria sabay katok sa puno nang papalapit na si Kingkong sa puno.
“Ah-ah-ah-uh-uh-uh!!” sagot ni Kingkong.
“Uhah-ah-ah-ah!” sagot ni Maria
“Uh! sabi ni Kingkong.
Pagkatapos noon, si Kingkong ay nalungkot at pinilit na idikit ang kanyang mukha sa malaking puno ng Balete. Sa ‘di malaman na dahilan ay tumakbo si Maria. Alam ni Kingkong na nawala na si Maria. Sumigaw si Kingkong ng mas malakas.
“Uh-Ah! Ah!- Ah! Ah! Uh! Uh! A-a-a-uh-uh-uh! Uh! a-a-a-a-ae-e-e-e-eeh! Ah! ah! eh! Ehe! Prik! Pok! Eeeek! Ei!” pasigaw na tugon ni Kingkong na kaharap pa rin ang puno na nakapikit.
Nawala na si Maria. Mag-isa na lamang si Kingkong. Balisa at ‘di na alam kung saan pupunta. Umupo na lamang siya sa gilid. Tumingala at naghanap ng makakain. Marahil ay may mga hinog pa na saging na malapit sa puno ng baleteng ito aniya.
Bahala na.
Sa pagbalik ni Kingkong sa puno hawak hawak ang napitas na saging laking gulat niya nang tumakbo bigla si Maria mula sa kanyang likod papalapit at dumikit sa puno.
“Ah-ah!,” sigaw ni Maria na tuwang tuwa.
Napatawa na lamang si Kingkong. Binigyan na lamang niya ng saging si Maria at nagpalitan na lamang ng ilan pang mga kuwento na alam nila sa buong buhay nila na nasa kagubatan.
THE END.
GLOSSARY OF TRANSLATIONS
(Unggoy Language to Tagalog)
“U-u-ah-ah! Kingkong!” —————— “BONG KINGKONG SAVE!”
“Ah-ah!” ———————————-”SAVE!”
“Ah-ah-ah-uh-uh-uh!!” ——————— “Andaya hindi umaalis”
“Uhah-ah-ah-ah!”—————————-“O ikaw naman ang taya!”
“Uh!” ——————————————–“ Sige!”
“Uh-Ah! Ah!- Ah! Ah! Uh! Uh! A-a-a-uh-uh-uh! Uh! a-a-a-a-ae-e-e-e-eeh! Ah! ah! eh! Ehe! Prik! Pok! Eeeek! Ei!” ——“Tagu-taguan maliwanag ang buwan masarap tumago sa dilim diliman. Pagbilang ng tatlo nakatago na kayo. Isa. Dalawa. Tatlo!”
Napatawa na lamang si Kingkong. Binigyan na lamang niya ng saging si Maria at nagpalitan na lamang ng ilan pang mga kuwento na alam nila sa buong buhay nila na nasa kagubatan.
THE END.
GLOSSARY OF TRANSLATIONS
(Unggoy Language to Tagalog)
“U-u-ah-ah! Kingkong!” —————— “BONG KINGKONG SAVE!”
“Ah-ah!” ———————————-”SAVE!”
“Ah-ah-ah-uh-uh-uh!!” ——————— “Andaya hindi umaalis”
“Uhah-ah-ah-ah!”—————————-“O ikaw naman ang taya!”
“Uh!” ——————————————–“ Sige!”
“Uh-Ah! Ah!- Ah! Ah! Uh! Uh! A-a-a-uh-uh-uh! Uh! a-a-a-a-ae-e-e-e-eeh! Ah! ah! eh! Ehe! Prik! Pok! Eeeek! Ei!” ——“Tagu-taguan maliwanag ang buwan masarap tumago sa dilim diliman. Pagbilang ng tatlo nakatago na kayo. Isa. Dalawa. Tatlo!”
Post a Comment
POST YOUR COMMENT BELOW