Sunday, September 16, 2012

BON CHON TUTA (isang monolog)

Annotation:
Ito ang audition piece ko na hindi ko makakalimutan. Iba kasi talaga kapag first time. I don't even know if I did well. Pero di ko na iniisip 'yun. Ngayon ang naiisip ko ay may mas magaling pa sa akin na pwedeng gumawa nito in the future. I have a few names in my mindlist.
Sa apat na kanto ng hawlang ito...
ISA 
DALAWA 
TATLO 
APAT; 
ako ay naglalagi. 

Nasa bahay ito dati ni master. I LOVE YOU MASTER! I LOVE YOU! SINASAMBA KITA MASTER! 


(bark bark). 


Sandali.

Nasaan ka na master? Di ba kung isisigaw ko lang yun lalapit ka agad at ibibigay ang mga malinamnam na mga tinik; mga tira tira ng mga bata; mga ulo ng bangus; mga hindi maubos na cerelac ni bunso; mga maliliit na dilis, mga balat ng hipon kung piyesta; buto ng fried chicken; mga tirang take out sa restaurant; o kahit mga pirasong mga amag na tinapay. Nasaan ka na ba master. (bark bark)

Master nagugutom na ako! Alam ko darating ka dala ang paborito kong mga paa ng fried chicken! Alam ko mamaya kakalampagin na lang niya ang hawla ko. At pagkatapos alam ko nadidilaan ko ang kamay na mag-aabot.

BONCHON... 1+1

[bark bark]

BONCHON... 2+1

[bark bark] [pause mag-iisip] [BARK]

BON CHON play dead...

Sit!

Ang saya!

(matutulala at hihintayin ang pagkain... walang darating) Master? Andaya! Sabi mo bibigyan mo ako nun kapag maging good boy lang ako. (bark bark)


 (Iikot sa hawla. Magkakamot. May maaalala) Oo nga! Siguro dahil ito sa kanina. May nakagat kasi akong bata noong isang linggo

Pilyong bata![bark bark]

Pilyong bata!

Sinipa sipa kasi niya hawla ko

Hanggang sa makawala ako

Hinabol ko siya

Master matutuwa ka alam ko! Huhulihin ko to! Sinisira niya ang hawla na bigay mo sa akin!

[bark bark bark]

Hanggang hayon.

Dumaplis ang natitirang kong ipin

Sa loob loob ng kanyang laman

[bark bark bark]


Dinilaan ko si master pero di niya ako binigyan ng pagkain. ANDAYA MO MASTER! (bark bark) Binalik niya ako sa hawla hanggang hindi na niya ako pinansin ng mga ilang araw. Master? Master ikaw na ba yan? Hindi! Hindi ikaw master ko! (Bark bark bark). Saan niyo ako dadalhin. Ano to? (Magsasakal sabay pilit kumahol)


Wala hiya kayo mga tarantado! (bark bark bark) Master nasan ka na? Bakit mo ako iniwan! (bark bark bark)

Usok? Usok! Usok!

Hindi ako makahinga. (pipilitin na tumahol kahit hindi kaya)


[Bark bark bark until fades...]

play dead BON CHON....

play dead..

Master di ba bibigyan mo ako fried chicken kapag gagawin ko ito...

play dead...

play dead...

AWOOOOOO[bark fades.. bonchon dies]




Post a Comment

POST YOUR COMMENT BELOW

Bi Thumb rating