Ito ang resulta ng pagkatalisod ko isang araw sa isang news clip ng isang inabusong kasambahay na nabulag sa pang-aabuso ng kanyang amo. Napagtanto ko na siya ay pinapatulog nila sa kubeta at maraming beses na pinaplantsa. Ang kasambay ay si Bonita Baran. Naway maging isa siya sa mga haligi ng mga kasambahay na lumantad ipaglaban ang kanilang karapatan
"Kailan ka pa ba mamamatay! Tangina mo!"
"Gago ka pala eh kung mamatay 'yan saan naman natin itatapon ang bangkay niyan?"
"Bukas na bukas ha Flor mag-impale ka na at wala kang kwenta!"
"Sira ka ba? Eh kung magsumbong 'yan?"
"Flor magsalita ka nga. Huwag na huwag kang magsusumbong kundi malilintikan ka sa akin!"
"Ano yan TV na isang pindot lang lilipat na ng channel? Sa oras na makalabas yan magsusumbong 'yang hinayupak na yan!"
"Teka bakit mo ba ako lagi kinokontra?"
"Hindi kita kinokontra, pinagsasabihan lang kita."
"Ang sabihin mo may malasakit ka da katulong natin na 'yan. Ano? Baka naman may gusto kang sabihin sa akin na hindi ko alam?"
"Criselda, pati ba naman katulong pinagseselosan mo?"
"Hindi ako nagseselos. Pinagsasabihan lang din kita. Akala mo hindi kita nahuli kagabi na binigyan mo ng pagkain si Flor sa kubeta?"
"Tao si Flor Criselda! Tsaka bakit mo ba siya kinukulong sa kubeta? Ano ang kasalanan niya sayo?"
"Ang sabi ko na nga ba!"
(susugod kay Flor; sasabunutan)
"Criselda! Tama na!"
"Magsama kayo ng katulong mo!"
"Nababaliw ka na ba? Tingnan mo na si Flor. Ano na ayos niya? Hindi ka ba naawa sa kanya?"
"Juanito Bautista. Nagmamakaawa ako na magsabi ka ng totoo. May pagtingin ka ba kay Flor?"
"Wala!"
"Sinungaling!"
"Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka?"
"Sampalin mo siya."
"Halika Criselda. Magpahinga na tauo. Gabi na."
"Mahal mo nga siya."
"Hindi ko siya mahal! Naaawa ako sa kanya!"
"Pero hindi mo nga siya gustong palayasin"
"Dahil gusto ko na maayos na ang lahat. Itigil mo na ang pang-aapi sa kanya. Wala siyang ginagawa sayo nv masama."
"Sampalin mo siya."
"Ayoko."
"Sampalin mo!"
(Haharap si Juanito kay Flor. Akmang sasampalin pero bigla siyang tumalikod sabay sampal kay Criselda)
"Para ka Flor."
"Flor halika na. Iuuwi na kita sa inyo."
"Walang hiya ka Juanito! Matagal niyo na pala akong niloloko!"
"Tumabi ka Criselda."
"San kayo pupunta ka? Ibabahay mo na siya?"
"Hindi Criselda. Sasamahan ko si Flor sa presinto."
"Juanito. Sandali. Baka pwede naman natin pag-usapan muna ito."
"Hindi pa ba natin ito nagpag-uusapan ito?"
"Hayaan mo na si Flor. Pauwiin mo na lang siya sa probinsiya."
"At nagbago ang ihip ng hangin."
"Flor like iha. Sasamahan kita sa ospital pagamot kita. Eto ang cellphone ko. Tawagan mo na ang nanay mo."
"Hindi ka magaling na artista Criselda. Alam ko na matagal mo na siyang kinasusuklaman!"
"Hindi mo naman ako masisisi."
"Masisisi kita sa lahat ng ginawa mo sa kanya! Aalis na kami."
"Damay ka dito Juanito. Asawa kita at idadamay kita sa lahat ng mga nangyari!"
"Gawin mo ang gusto mong gawin."
"Nakita ko kayong magkasiping ni Flor!"
"Anong kuwento yan Criselda?"
"Akala niyo ba 'di ako nagtaka nung di ka sumama sa flight natin papuntang Singapore."
"May ugent meeting ang kompanya noon Criselda ng araw na 'yun!"
"That day should have been our 4th wedding anniversary."
"Nagsorry na ako. Nagcelebrate naman tayo after you came back ah. I saw that you enjoyed."
"That is not my point."
"Ano ba ang point mo?"
"Before i left, I hired someone to install a spy camera sa masters bedroom."
"Shit!"
"Shit ka Juanito! Shit ka!"
"So now I don't have to explain anything."
"From the moment you step out of thos house I will make sure the video will be sent to all the mailboxes of our company!"
"So this is your game. You want to blackmail me."
"Its up to you. Il wait in our room and wait for the 2 of you to leave then on I will just click the sent button."
"Baliw ka"
"Ikaw ang baliw na sasama sa patay gutom na katulong na hindi naman marunong magsalita!"
"You have taken her in the first place. We could have hired somebody from the agency."
"Shit! I should have done that only if i will know na kekerengkeng yan sayo!"
"Walang kasalanan si Flor dito!"
"Ah ganun. Wala siyang kasalanan. So be it. I will wait sa room. Let me see ano ang susunod mo na gagawin."
(aalis si Criselda. Pipigilan siya ni Juanito. Lilingon pero tutuloy pa rin sa pag-alis.)
"Flor, kwan dito ka na muna ha. Kakausapin ko muna si Criselda."
(ipapasok sa kubeta si Flor; isasara; ilalock; Hahawak si Flor ng mop. Maglilinis ng kubeta. Uupo sa inidoro. Mapapadighay. Iihi. Tatayo at bubuhusan ng tubig. Magriring ang cellphone na nakapatong sa inidoro. May sasagot.)
"Criselda. Sana maniwala siya sa atin. Tangina naman tong plano mo. Hello? Bat di ka sumasagot?"
(Ibababa ni Flor ang telepono. Kukunin ang piraso ng papel sa bulsa. Magtetext.)
WAKAS