Tuesday, September 18, 2012

Playlist > theoneyoulove

Annotation:
Isang kuwento na inaalay ko sa aking butihing kaibigan. Sana ay magustuhan niyo.

“Hanggang ngayon ay lagi ka pa ring on time,” sabay baba ni Johnny ng kanyang bag sa bakanteng upuan ng restawran. Lilinga linga siya na parang may hinahanap na wala naman. Pinindot ang hawak hawak na cellphone at sabay bigay ng kanyang kamay sa kausap. Hindi umimik si Anthony sabay titig sa parang ngayon lamang niyang nakitang panauhin.

“Hindi ko alam kung bakit pumayag pa ako na makipagkita sa’yo Johnny. Hindi mo rin naman sinasagot ang tanong ko sa text kung ano ang pag-uusapan natin. Sana…”

Napatigil si Anthony sa senyas ng kausap na tumahimik. Nagtaka rin siya sa sarili kung bakit niya sinunod. Marahil ganun talaga ang dapat gawin sa mga tinatratong panauhin isip niya. Pero lubos pa rin siyang nagtataka dahil wala namang idinugtong si Johnny sa kanyang mga sinabi. Basta na lamang tumahimik ang dalawa kung saan ang tanging maririnig lang ay mga ingay ng ibang mga taong nag-uusap sa restawran na yaon sa may labasan ng isang bar sa Cubao.

Lumapit ang waiter at iniabot ang menu na siya namang kinuha ng dalawa. Tumingin sila sa pwede nilang makain. Umusisa sa kani-kanilang sarili kung sino ang mauunang umorder o kahit kung sino na lang mauunang magsalita. Matagal rin ang tinginan na parang mga mapanlait sa kaloob looban. Parang mga nagtatalong mga titig na walang katapusan. Naglalakihan ang mga mata na parang umuusig sa mga nangyari na walang sinuman ang makakaalis sa kanilang mga isipan. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Anthony ang nangyayari at naisipan na magsalita. Hindi sa kausap kundi sa waiter.

“Waiter. Mayroon ba kayong sisig?”

“Mayroon po Sir ano pong klaseng sisig?”

“’Yung  BABOY. Yung niluto sa kumukulong mantika at nakapatong sa nagbabagang bakal na plato.”
Napataas ng kilay si Johnny. Lalo na nang makita niya ang mga nakakapanindig pulso na mga kalahating ngiti at simangot ni Anthony.

“Sandali lang waiter,” inis na sabi ni Johnny.

“Yes Sir?”

“Yung akin naman ay tinadtad na pritong manok na tinanggalan ng tuka para tumigil na sa kakaputak!”

“Sir by default na po na walang tuka ang fried chicken namin”

“Alam ko. Tsaka isa nga palang buko. Yung hindi pa nabubuksan.”

“Sir sigurado po kayo?”

“Sigurado ako. Pagkatapos pakidalhan na lang ako ng itak. Ako na ang bibiak sa buko na yan,” sagot ni Johnny na nanginginig na sa galit.  Hindi na rin mapakali ang waiter at wala na lang magawa kundi isulat ang kanila order. Balisa si Anthony sabay inis sa kung bakit pa siya napasubo sa ganitong pagkikita na alam naman niyang mauuwi sa gulo.

“Sir ano po ang drinks nila?,” tanong ng waiter kay Anthony.

“Mayroon ba kayong tubig?”

“Mineral water po Sir meron.”

“Yun lang akin.”

“Opo Sir.”

“Sandali. Pakilagay ang tubig sa isang malaking babasaging baso na kapag tumama sa isang buko ay madaling maging bubog at nakamamatay.”

“Pero Sir..”

“That’s all. Makakaalis ka na.”

Umalis na ang waiter na hindi alam kung ano ang gagawin. Kumuha si Anthony ng yosi. Hinalukay ang bag. Hanggang sa wala siyang makita. Tinitigan siya ni Johnny at pagkaraan ay kumuha sa bulsa ng lighter. 
Napatigil si Anthony. Pinilit pa rin halukayin ang bag kahit alam na niyang ilang ulit na niya ‘yun ginawa.

“Huwag mo na hanapin sayo ang bagay na alam mo na wala na,” sagot ni Johnny hawak hawak ang lighter na nilalapit na sa kausap.

“Salamat,” sabay kuha sa lighter. Sinindihan niya agad ito at ibinalik. “Hayaan mo babayaran ko ang ilang ga-as na pinagpabaga ng yosi ko.”

“With all pleasure, Anthony Del Rosario,” sagot ni Johnny ng buong pagmamalaki sa lighter sabay patong nito sa lamesa. “Hindi ko talaga lubos maisip na the only chance that we can talk to each other is via this little eeeny meeeny lighter.”

“So? Do you think our conversation will last?”

“Maybe. I just remember na ito ring lighter na ito ang naging dahilan ng pagkrus ng landas ninyo ni Jay.”

“Oh well, so you are now getting straight to the point. Ano, blow it out! Ano ba ang gusto mo mangyari!”

“Nothing. I just want to know you. That’s all.”

“Alam ko na alam mo na kung sino ako. ‘Wag mo akong pinapaikot Johnny.”

“Look sino ang nagpaikot kay Jay.”

“Siguro kailangan ko nang umalis. Kung iinsultuhin mo lang naman ako baka dapat sa gym na tayo naghagisan ng mga dumbbells”

Tumayo na si Anthony sabay dutdot ng hindi pa nauubos na yosi sa ashtray. Humablot ng kanyang bag sa upuan at nagsimulang lumayo sa lamesa. Walang anuano ay tumayo rin si Johnny. Hinabol si Anthony at hinawakan ang braso.

“Sandali Anthony. I’m sorry. Bumalik na tayo sa lamesa. I admit I have been so sarcastic. Let this be our last chance to talk.”

“Last chance.”

“Yes. Sige na umupo ka na ulit.”

At umupo nga si Anthony. Unti unti na ring nagkakasigla ang dating hilaw na mga titig ng dalawa. Hanggang sa mauwi na rin sa mga ngiti na mga ilang oras na rin nilang pinagdamot sa isa’t isa.

“Talagang nakakaakit naman talaga ang iyong dimples. Tama si Jay,” nakangising sabi ni Johnny.

“Salamat.”

“Cheer up Anthony! Let’s enjoy this night and have fun!”

“Last chance. Last chance rin ba to have fun ito?”

“Masyado mo talagang sineseryoso ang mga bagay bagay. Com’mon maya punta tayo sa Decades. Magbonding tayo. Kalimutan natin ang lahat ng problema. Life is there for us to feel!”

“Johnny, do you think I will buy your script?”

“Okay okay. Overacting na ako. I just want you to feel on good with me. Matagal ko na rin itong iniisip. Anthony, gabi gabi na kami nag-aaway ni Jay.”

“I don’t know why you are sharing that to me.”

“I know awkward nga. Ngayon lang kita nakita.”

“Well, if you wish na makikipagfriend ako sayo wag ka na lang umasa at baka kaaway ang makuha mo sa akin.”

“Still you are really mad at me. Am I right?”

Dumating ang waiter dala dala ang mga order. Tahimik si Anthony na tinitigan ang paglapag ng mga pagkain sa lamesa. Nagsalita ang waiter.

“Kanino ang sisig na baboy na niluto sa kumukulong mantika at nakapatong sa nagbabagang bakal na plato?”

“It is mine,” sabi ni Anthony.

“Itong tinadtad na pritong manok na tinanggalan ng tuka para tumigil na sa kakaputak. Kanino to?”

“Akin yan,” sabi ni Johnny. “Sa kanya naman ang tubig sa isang malaking babasaging baso na kapag tumama sa isang buko ay madaling maging bubog at nakamamatay,” dagdag ni Johnny.

“Sa kanya naman ‘yan buko na hindi pa nabubuksan. Tsaka yang itak, siya na raw ang bibiak sa buko, “ sagot ni Anthony.

“No sorry. Kayo na po bumukas niyan please,” sagot ni Johnny.

Tumango ang waiter sabay alis. Napatitig ang dalawa at sa isang hindi inaasahan tagpo ay humulwak ang isang tuloy tuloy na halakhakan hanggang sa sumakit ang kanilang tiyan.

“Nakakatawa naman ang mga inorder natin Anthony,” sabi ni Johnny habang inuumpisahan nang kainin ang kanyang fried chicken. Hindi rin maawat sa kakatawa si Anthony na halos mabilaukan sa pagsabay ng pag-inum ng tubig sa kakatawa.

Hanggang pagkaraan noon ay tumahimik muli. At pawang bumalik sa dating tagpo ng mga parang bagong magkakilala.  Dumating ang nakabi-ak na na buko ni Johnny at nagsimula silang magkuwentuhan hanggang sa maubos na nila ang kanilang mga inorder. Napag-usapan na rin nila ang tungkol sa theater play na gusto nila, ang Phantom of the Opera, ang King and I, at siyempre ang ilan sa mga play na kasama si Jay.

“No smoking area ba dito”

“Alam ko yang linyang ‘yan! Ginagawa lagi ako ni Jay na kaeksena nang sumalang siya sa produksyon na ‘yun,” sabi ni Johnny na ngayon ay nagsimula na ring humithit ng ilang yosi.”

“Really?”

“Tumigil ka na nga. Tapos na ang play na ‘yun eh. So ano Anthony kamusta ka na?”

“Ayos lang.”

“As if naman sasabihin mo na hindi ka ayos. Yan naman lagi ang sinasagot ng mga walang masagot.”

“Totoo ayos lang talaga ako Johnny. Ikaw kamusta?”

“Ayos lang din.”

“Edi ikaw rin walang masagot. Haha!”

“Yeah right. Seriously Anthony, are you happy with your life?”

“Anong tanong ‘yan?”

“General ba ako magtanong? Sige I will be more specific. Noong maging kayo ni Jay, ano nafeel mo?”

“Huh? Kahit kailan hindi naging kami”

“’Wag mo na ako paikutin. Alam ko na naging kayo.”

“Hindi. Why would I lie to you? Wala nga. Walang nangyari. Walang mangyayari. Walang nangyayari.”

“Tama na lokohan kasi. ‘Yung totoo.”

“’Yun na nga ang totoo.”

“Sige I will believe you. I-revise ko na lang ang tanong ko. Kamusta ka habang kasama mo si Jay?”

“Masaya.”

“Masaya in what way?”

“Talagang ganito ba ang gusto mo mangyari kaya ininvite mo ako? To know my feelings for Jay?”

“So now you admit it. You have feelings for him.”

“Kailangan pa ba ng confirmation on that? Baka gusto mo gawan pa kita ng Certificate of Confirmation duly notarized and publicly presented to the books of law?”

“I am just trying to understand everything.”

“Oh ‘yun. Kaya naman pala. You really don’t understand. Johnny this is love! Shit. Ano ba ito? Ang korny ko!”

“Go on.”

“So what do you want to know?”

“Maybe you want to tell your story?

“Shit mo. Why would I tell you? What will I get?”

“Wala.”

“So THE END. Nothing happened. It is just me falling inlove with a guy named Jay.”

“…and it happened that the same Jay is my partner.”

“WAS your partner.”

“Fine.”

“You still can’t accept it right?”

“Can't accept what?”

“That Jay fell in love with a woman.”

“SHIT!”

“Ang sakit no?”

“Tangina mo!”

“I can feel how your heart ache so much when you knew he decides to leave you and move on with a girl.”

“Tama na!”

“Masakit ba? Parang tinik siya no sa puso mo na hindi gumagaling?”

“I said stop it!”

“I will not stop! That is the same feeling I had when you forced me to leave Jay out of my way! Alam mo kung gaano kasakit na iwasan ang taong mahal mo!”

“So this is the time to reveal everything that you want to say to me from the very beginning. Go on! Sabihin mo lahat!”

“The girl Jay met in the bar, Jay’s fiancée? She is my friend. And now I tell you I planned everything  for them to like each other.”

“Gago ka!,” sabay hablot sa buko para ipukol kay Anthony. Agad namang hinablot ni Anthony ang baso.

“Sige. Ibato mo ang buko na yan! Kundi isasaksak ko ang babasaging basong ito sa kokote mong walang laman!”

“Bakit Anthony? Why have you been so selfish?”

“Yes I admit I have been. Pero isipin mo rin na this tests how Jay really loves you.”

“He loves me! I am sure about that!”

“Loves you that he left you with a girl?”

“I know he loves me Anthony. From the start he promised to stay with me forever.”

“Masarap yan gawing kanta Johnny. Pero those were just mere words of lovebirds staying together before a time comes that somebody else will be more deserving to receive it.”

“Binigay ko naman ang lahat sa kanya. Bakit niya ako iniwan?”

“Dahil sa wala kang matris!”

“Fuck you!”

“I spoked to Jay once and he said that he dreamed of having his own son named after him. At that time I knew kahit maging kami man, mararanasan ko rin ang naranasan mo.”

“Akin siya Anthony. Akin siya!”

“Sige angkinin mo siya sa panaginip.”

“Sabi niya magkikita pa rin naman kami.”

“Para ano pa? May sarili na siyang pamilya Johnny. May anak na siya at ikakasal na. Hayaan mo na si Jay!”

“Ganun rin ba ang ginagawa mo?”

“Oo. Pero siyempre kahit papaano, gusto ko rin naman siyang makita.”

“Kitam. Alam ko at alam mo na halos magkapareho lang tayo ng nararamdaman.”

“Kaya mo pala ako biglang minessage sa facebook para magkita.”

“Hindi.”

“Pero bakit nga ba tayo nagkita ngayon? For what?”

“May gusto lang naman akong ibigay sayo.”

“Ano ‘yun?”

“Sandali. Kukunin ko lang sa kotse.”

Tumayo si Johnny. Hindi batid ni Anthony kung ano ang ibibigay niya. Kumuha siyang muli ng yosi sa kanyang bag. Uminom ng kaunting tubig na tamang tama naman na pagdating ni Johnny.

“Anthony. Eto. Ilang birthday mo na rin nagdaan. Noong kami pa, birthday mo noon at kasama niya akong bumili sa mall, naalala ka niya. Pinag-awayan pa namin yan pero binili pa rin niya. Matagal na gusto ni Jay na ibigay sayo ‘to pinipigilan ko lang siya. Kaya yan. Sayo na. Buksan mo na lang kapag nakaalis na ako. Sige. Alis na ako Anthony. ”

Niyakap ni Johnny si Anthony ng mahigpit at nag-iwan ng isanlibo sa lamesa.

“Treat na kita. Sige goodluck sa love life. Buburahin ko na rin ikaw sa facebook ko. Basta tumutupad ako sa pangako na last na natin ‘tong pagkikita.”

Sinundan ng tingin ni Anthony ang paalis na kausap hanggang sa marinig niya ang sasakyan nito na paalis. Agad na binuksan niya ang nakabalot na regalo sa papel na Happy Birthday. Isa itong ipod touch na nasa matigas na karton. Dali dali niya itong binuksan at sa loob ay may nakadikit dito na isang sticky note na nagsasabi na iplay niya ang isang video. Nilagay niya ang earphone sa tenga. Tinap niya ang play. Nakita niya agad ang mukha ni Jay na nasa video:

“Happy Birthday Anthony! Kakantahan pala kita. Ehem. Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday to you. ……..Huwag mo idedelete ang video na ito ha? Para sa next birthday mo iplay mo na lang ulit. I know marami akong naging kasalanan sayo tsaka kay Johnny kaya hayaan mo na lang ako na kantahan ka ng kantahan sa lahat ng taon ng iyong Birthday. Tumatanda ka na no? Hahaha! Basta kung kailangan mo ako, im just here sa ipod: sa playlist > the one you love. Teka play ko ang song natin na yun….kakantahan kita sabayan mo ako


I know you need a friend
Someone you can talk to
Who will understand what you're going through
When it comes to love
There's no easy answer
Only you can say what you're gonna do
I heard you on the phone
You took his number
Said you weren't alone, but you'd call him soon
Isn't he the guy
The guy who left you crying
Isn't the one who made you blue
When you remember those nights in his arms
You know you've gotta make up your mind

[Chorus:]

Are you gonna stay with the one who loves you
Or are you going back to the one you love
Someone's gonna cry when they learn they've lost you
Someone's gonna thank the stars above

What you gonna say when he comes over
There's no easy way to see this through
All the broken dreams
All the disappointments
Oh. What you gonna do
Your heart keeps saying it's just not fair
But still you've gotta make up your mind


HAPPY BIRTHDAY ANTHONY…..”


#WAKAS





Post a Comment

POST YOUR COMMENT BELOW

Bi Thumb rating