The soul of a brain dead person is believed to be travelling to several loops in the unknown unknown. These loops according to scholars carry a dimension that the traveller can speak for himself, for his co-traveller, and for his environment through a certain form of writing - the form that floats in the darkness in white readable ink. Let this blog be my entrance to become brain dead and experience the expressive nature of a brain dead traveller of the said loops in CYBERSPACE.
Friday, January 05, 2007
’sang palaka sa kasagingan
kinaiinisan ko ang buhay ko
dahil sa kalungkutang
dulot ng bombang ini-spray sa kasagingan
kulubot na nga ang balat ko
lalasonin pa nila ako
sampu ng mga kaibigan kong namumuhay
sa tatalun-talong kong katauhan
marahil wala na talaga akong puwang
sa lugar na dati’y paborito at ligtas kong tirhan at tambayan
ang dating kagubatan ngayo’y kinatatampukan
na ng mga kapunlaan ng mga saging
mga maiingay na halimaw na lumalason sa kinalbong damuhan
na naging puntod na nila inay at itay
at ngayon, gaya ng hula
ni Nostradamus, maaakit
rin ako sa kagandahan ng kinalbong damuhan
ang sa isip ko ay makatakas
lamang sa binumbang halamanan ngunit
sa isang talon ko lang
narinig ko ang napakalakas na sigaw ng nasabing halimaw
na ikinabingi ko at nag –
Ggggggkhhhhlk…
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment
POST YOUR COMMENT BELOW