Somalia
Mula sa tigang
Na buhanging pinapangingas
Ni haring araw,
Nangagbulagta ang
Mga murang sikmurang
Pinagdamutan ng
Tinapay at tubig.
Bakit pa nga naman
Sila maglalaro
Ng taguan o trumpo,
Eh katumbas naman
Ito ng lakas
Ng kwarentang
Mga tulo ng tubig
Mula sa mga gripo
Ng mga edukada't edukado
Ng Aprika?
Tama ngang kumurap
Na lang sila ng kumurap
Na katumbas lamang
Ng lakas ng
Isang masarap
Na pinatuyong dilis
Kaysa gumastos
Pa ng iilang lakas
Na katumbas ng
Sobra pa
Sa kwarentang
Mga tulo ng tubig
Sa pagpagpag ng mga
Nangagpiyestang mga langaw
Sa mga galis nilang
Nananatiling basa
Sa kabuuan ng
Maladisyertong Somalia.
1 comments:
Way the go,X! The more I read your blog, the more I find you as an interesting person - hmm...interesting or weird? Haha, just kidding! Looking at your poems, they're really good, I'd say. Honestly, you play along in your prose, which sometimes sound wacky, but reading between the lines, they strike a reality that we should be really looking into. Mostly the one entitled "Trapik", it sounds playful but deeply, it's tragically true. You know, people should be reading sensible literary mediums like yours, shouldn't we?
ReplyYour blog is not just like any "wala-lang-magawa-sa-internet-bill-ng-nanay-ko" blogs. And I've really had a great time reading your entries. Actually, I've learned some new things in them...like the "Sulfur, sulfur" thing (is it true that curly people are the intelligent ones? Then I should curl my hair, too! Hahaha!).
Well kidding aside, you're a good writer. You have this deep sensibility that can be seen in your writings (and in person, too). Don't stop being a writer, I find you a really good one! ^_^ Don't stop that God-given talent from flowing right out of you! Keep on writing!
Post a Comment
POST YOUR COMMENT BELOW