Thursday, August 30, 2012

KATRE: Now Showing @ The Ateneo




Walang pinagbago
Parang ang noon at ngayon ay iisa
Walang ngayon
Tanging kahapong
Paulit-ulit
Gaya ng walang katapusang mga hampas 
Ng dagat sa kabatuhan
Mga hampas na katumbas ng mga segundo...
Mga hampas ng dagat na katumbas ng mga Linggo… 
Mga ilang buwan…
Mga hampas ng mga buwang naging ilang taon… 
Hanggang ang mga hampas ng mga dagat
Ay parang sampal na sa aking inang
Naghihintay hanggang sa kailangan na ngang 
kalimutan kung ano ang ngayon... 
Kung ano ang kasalukuyan
Ang mga hampas ng along yaon
Ay talagang parang mga sampal ng mga alaala
Na kailangan nang kalimutan para matanggal na ang sakit
Para mabunot na ang lahat ng mga tinik sa mga puso ng mga nawalay
Upang tumamlay na ang mga alon
At magpahinga na ang dagat.



Shaharazade, a young theatre group, which namesake comes from the Scherazade of Arabian Nights who must tell a story every night so sincere and moving to save her life, is presenting a festival of new plays in their latest production Drafts: Works in Process stages Katre, written by Christian Tordecillas and directed by Fitz Edward Bitana.


Katre (Bed) is a memory play of a character named Lea while waiting for her husband and son to go home. This is amidst all the here-says that her husband and son have been part of the desaparecidos or those people who are allegedly kidnapped by authorities being accused as members or part of the rebel groups commonly called as NPAs. Due to lack of basis to prove such assumptions, Lea continuous to survive living with a lot of memories which can be tailed as either her fantasies believing that her husband and son will soon come back knowing that it has been many years that they didn’t come home.


Katre will be staged from August 24, 30, 31; September 1, 2011 at the Exhibit hall, 3/F Gonzaga Hall, Ateneo De Manila University.

Sunday, August 26, 2012

Ang Lupang Hinirang at ang mga Nakibakang Tsinelas


Photo above by: Nina Cerissa Soliman. This is a picture of the dirtied feet of 5 UP students who marched in solidarity with Sumilao farmers as they rallied through Commonwealth Avenue in December 2007.






















Annotation:
Ito ang pinakaunang tula ko na nagkaroon ako ng award. Nagwagi ito ng pangatlong gantimpala sa On-the-Spot Poetry Writing Contest ng CODE-NGO Social Development Celebration 2010 "Kasali Ako sa Pagbabago!" sa TRINOMA noong 2010.
Ayan na.
Ayan na ang muli't muling pagdagan
ng mga paang lunod na sa pangako
dagan, tulak,
Padyak, hila pa roon
silang mga paang
mula sa Sumilao Bukidnon
Aapak sa mga mabitak
daraan sa mga burak
patuloy ang pagbaybay
ng mga milyun-milyung apak
patungo sa mga pinagtatanggol
sa inangking tinatamnang lupa

Mabagsik ang bawat
Taludtod ng mga sigaw
Ng pagtatanggol sa
Lupang hinirang mula pa
Sa kanilang ninunong Higaonon
Lumalagitik ang bawat pagpilantik
Sa mga guma namin ng mga
Pang sakay
Dumadagundong ang mga sigaw
Kasaliw ng mga nagbabagang
Tambol sa tarangkahan ng Malacaang.

“Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
‘Di ka pasisiil…”

At sa aming pagsali
Buong galak kaming tinanggap
Ng mga kapatid naming tsinelas
Sabay sa mga taludtod
Sa paglaban sa karapatang-pantao
Dumagan-tulak
Dumadyak-hila sa mga
Bawat balakid dala-dala
Ang paniniwalang
Ang lupang hinirang
Ay para sa ating lahat at hindi
Maaaring angkinin
Ng anumang korporasyon ng mga pinya at saging#.

DYIP

An excerpt from my play 'DYIP'. Fresh pa rin sa memory lalo na kung nakasakay ako sa jeep at nagpapasuyo lagi ng pamasahe gaya ng matrona. Can't help it but smile and remember this scene. :)


Bi Thumb rating