Sunday, August 26, 2012

Ang Lupang Hinirang at ang mga Nakibakang Tsinelas


Photo above by: Nina Cerissa Soliman. This is a picture of the dirtied feet of 5 UP students who marched in solidarity with Sumilao farmers as they rallied through Commonwealth Avenue in December 2007.






















Annotation:
Ito ang pinakaunang tula ko na nagkaroon ako ng award. Nagwagi ito ng pangatlong gantimpala sa On-the-Spot Poetry Writing Contest ng CODE-NGO Social Development Celebration 2010 "Kasali Ako sa Pagbabago!" sa TRINOMA noong 2010.
Ayan na.
Ayan na ang muli't muling pagdagan
ng mga paang lunod na sa pangako
dagan, tulak,
Padyak, hila pa roon
silang mga paang
mula sa Sumilao Bukidnon
Aapak sa mga mabitak
daraan sa mga burak
patuloy ang pagbaybay
ng mga milyun-milyung apak
patungo sa mga pinagtatanggol
sa inangking tinatamnang lupa

Mabagsik ang bawat
Taludtod ng mga sigaw
Ng pagtatanggol sa
Lupang hinirang mula pa
Sa kanilang ninunong Higaonon
Lumalagitik ang bawat pagpilantik
Sa mga guma namin ng mga
Pang sakay
Dumadagundong ang mga sigaw
Kasaliw ng mga nagbabagang
Tambol sa tarangkahan ng Malacaang.

“Lupang hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
‘Di ka pasisiil…”

At sa aming pagsali
Buong galak kaming tinanggap
Ng mga kapatid naming tsinelas
Sabay sa mga taludtod
Sa paglaban sa karapatang-pantao
Dumagan-tulak
Dumadyak-hila sa mga
Bawat balakid dala-dala
Ang paniniwalang
Ang lupang hinirang
Ay para sa ating lahat at hindi
Maaaring angkinin
Ng anumang korporasyon ng mga pinya at saging#.

Post a Comment

POST YOUR COMMENT BELOW

Bi Thumb rating