Sunday, December 02, 2012

UMUULAN NA NAMAN SA DAIGDIG MO



umuulan na naman sa daigdig mo
at sa muli ang dilim at kalungkutan ay sisiksik sa sanlibutan
kung saan magsasamang maglalamay ang lahat ng mga pusong sawi,
sawing di mawawala ang alaala ng isa't isa
tulad ng pagpupuyat sa anumang lamay ng totoong bangkay
babantayan ko pa ba ang mga bangkay ng mga pusong sawi
kung sa piling ko'y naglaho nang kay' dali
ang init sa dating nagmamahalan nating mga puso
kung parang abo na sa hangin silang pumalaot
at sasabog para lamang umasa na mapulot pa ng sinumang namamalangkaya
ang dugso ng malalaking alon na siyang hadlang ng karigtang angkin
na katumbas ng sanlibong pating nag-aagawan di mapakali

pero sa huli pagkatapos ng lamay ay may libing
dito ako umaasang ibabaon sa kaibuturan ng paghihinagpis
ang mga pasakit ito ay parang sa mga sandaling 
nagsisimula nang tumila ang ulan upang ako nama'y muling mapangiti
sa sinag ng araw na siyang papawi sa naglalalim kong dibdib.

- Isang Rengga na likha nina Martin Anthony Rios at Christian Tordecillas

Thursday, November 29, 2012

Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang



ISANG ARAW NANG MAPADPAD AKO SA KAGUBATAN 
(Isang rebyu ng Dulang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang by Rody Vera, halaw sa The Magic Circle ni Gilda Cordero Fernando)



At totoo na nga talaga na napakabilis pa sa takbo ng kabayo ang deforestation sa mundo.  Sa Pilipinas pa lang, ang porsyento nito ay umaabot sa 203,905 ektarya bawat taon habang ang porsyento ng reforestation ay 9,398 ektarya lamang. Ibig sabihin, sa bawat isang punong tinatanim, 21 aypinuputol. (Halaw sa Manila Bulletin Online; 29 May 2006). Ang mga datus ay patuloy pang magsasalita na ito ay nag-uugat sa patuloy na paglago ng mga pangangailangan ngtao para mabuhay. Wala pa dito ang kanya kanyang depinisyon ng salitang pag-unlad. Ito ay kung may kakayahan sila talagang makapagsalita.

At ngayon, nakakagalak ako na mapagtanto na nabigyang ng boses ang mga punong nabanggit ng pinakabagong dulang napanood ko sa Wilfrido Ma. GuerreroTheater UP Diliman ng UP Playwrights’ Theater : Umaaraw, Umuulan, Kinakasal ang Tikbalang. Napagtanto ko na ito na pala ay ang kanilang pangalawang taon ng pagtatanghal sa naturan. Nakakakiliti man din ang titulo dahil halaw sa isang kasabihan, naisip ko rin na marahil puros ito kakatawanan lamang. At para mawaglit sa isip ko na itong dula ay ganun nga, bumasa ako ng ilan sa mga nakikita ko sa mga pahayagan. Pagkabasa ko pa lang ng ‘kalikasan’, nasa dulo agad ng isip ko ang kalinawan na ito ay isa na namang dula na may kinalaman sa pangangalaga rito.

Ang dula ay tumatalakay sa isang hindi na bagong paksa.

“Sige Oo! Iligtas ang kalikasan; Magtanim tayo ng puno; Huwag natin kalbuhin ang kagubatan; at iba pa na tinanggap ko na rin. Baka naman may ibang twist or rekado ang dula na kakaiba. Kaya pinanood ko na rin siya.

ANG KWENTO
Sa tipikal na anyo ng lipunan na alam ko na, mabilis kong nasagap ang katotohanan na mayroon talagang lebel ng tao sa mundo. Siyempre dalawa lang yan: Ang mayayaman at mahihirap. Gaya ng ibang mga kwento, mas lumalabas palagiang simpatya ng lahat sa mahihirap na kalimitan ay ang mga yaong inaapi atnakakaawa. Ang mga mayayaman naman ang mga nang-aapi – ang mga masasama. Kaya dahil doon, madali kong natutunan ang kabuhayan ng mag-inang si Aling Barang (isang labandera) at Jepoy (anak ng labandera) kasama ang galising aso na si Galis. Nakakapagtaka rin ang kawalan ng “father figure” sa dula kung saan inasahan ko na maaring maungkat rin yaon sa mga susunod na mangyayari.

Malusog na nalahad ng dula ang kuwento ng mag-ina sa paraan na nakakaaliw. Masasabi kong sugal ang eksahirasyon sa isang komedya pero nabato naman ito ng maayos ng dula. Kontemporaryo ang mga hirit ng mga bida na kalimitang halaw sa mga kasalukuyang “Pick up lines” na kumakalat sa internet. Narinig ko na rin ang iba pero nakakabaliw talaga kapag nakikita mo na siya na sinasabi ng karakter. Ang “slow motion” at “echo” na paraan ay nakakamangha rin upang ako ay mapangiti sa mga “comical moves” dahil… sige na nga parang bumabalik ako sa pagkabata. Isipin mo na lang kung ang nanay mo ay mukhang aswang at ang tatay mo (na nawawala) ay mukang kapre. Siguro matatawa ka na rin makita ang isang mukang aswang na naglalaba, at ang kanyang anak na mukang apa raw ng ice cream (sa ibang show naman ay mukang pala raw) na hindi ko naman masasabing totoo dahil okay naman ang itsura ng mga gumanap na Jepoy. Maganda ang pagkakagawa ng konteksto ng mga mangungutyang mga kapitbahay pero di ba sa gubat sila nakatira? O talagang sinasadya ng mga kapitbahay na pumasok sa may gubat para kutyain ang mag-ina? Pero nakakaaliw ang tatlong mangungutyang yun dahil ang mga mukha nila ay inilapat sa tiyan ng mga gumanap. Mapapatitig ka na rin sa pusod nila dahil parang mga bunging ipin nila yaon. Basta nakakatawa. Iisipin ko na lang na, kung si Aling Barang ay mukhang aswang, edi sila naman ay mga mukhang tiyan! Haha! Sa kabilang banda, hindi ko pa nasasabi ang kakaibang tao na nasa loob ng isang kasuotan na pang-aso bilang Galis. Isipin mo na lang may tao palang kayang umarte na aso. Isa itong dahilan kung bakit sadyang nakakaaliw ang Umaaraw.

Mahusay ang pagkakatali ng kwento mula sa kabuhayan nila ng paglalaba sa isang mayamang mapang-aping donya hanggang sa mapadpad si Jepoy at si Galis sa lugar ng mga engkanto. Hindi ko lang mawari ang kahulugan ng “pagkonsentrar” at kung ano ang kaibahan nito sa panaginip. Pero noong sinampal siya ng duwendeng si Aling Paquita nalaman ko na marahil totoo nga ito na nangyayari. Nasa loob na nga siya ng kakaibang mundo.

Napatigil ako saglit at inisip na parang may alam ako na kuwento na hawig dito –  ang Alice in Wonderland. Si Jepoya y parang si Alice na humabol sa isang aso sa halip na isang kuneho. Oo lumusot siya sa napakarami ring mga butas at nakisalamuha sa maraming mga kung sinusinong kakaibang nilalang lalo na noong makita ko si Donya Geronima nakapattern ng karakter sa Alice in Wonderland na Red Queen. Yun nga lang mabait dito si Donya Geronima. Parang nirerebyu ko ang “fairytale”na yaon sa dula habang nanonood. Ang kakaiba lamang ay inayon ito sa mga nababasa/nakukuwento na mga lamang lupa at ang konsepto na kabaligtaran sila sa mundo ng mga engkanto.

Gaya ng aking inaasahan, kokonsiyensiyahin ako ng dula upang pangalagaanang kalikasan. Hindi ko na ito nilunok kasi marami na akong nabasa tungkol dito.Pero masakit din pala na mapagsabihan lalo na kung isa itong kapre.

Marahil, napakahaba masyado ng sinasabi ng kapre sa kanyang monolog. Medyo napahikab rin ako ng kaunti at kinakailangan kong maghintay ng kahit anong mangyayari sa entablado. Pero, wala akong napansing kakaiba. Ang lahat ay nakapwesto lang at naghihintay. Medyo nawala ang sigla ko sa eksenang 'yun.

Pero napatusok sa puso ko ang paghahanap ni Jepoy sa kanyang ama at kung paano niya ipinapaalam sa kapre na kung makita niya ito sa kabilang buhay ay bigyan niya ito ng yakap sa kanya. Napaiyak ako doon. Naalaala ko kasi ang tatay ko. Namiss ko siya bigla. Mahal na mahal ko kasi yun. L

Nalungkot ako ng sobra dahil hindi niya nakita ang tatay niya. Pero kakaiba rin ang kabilisan ng pagbabago ng misyon ni Jepoy na iligtas ang kalikasan versus sa paghahanap niya sa tatay niya. Naniwala na ba agad siya na patay na ang tatay niya?

Ang confetti na nagsilbing ulan sa bandang huli ay maganda. Nanindig balahibo ko at naramdaman ang lahat ng mga nangyari. Parang flashback…Pinakinggan ko ito sa youtube at damang dama ko ang lahat ng mga salita doon. Akmang akma na maalaala mo ang lahat ng mga eksena: malungkot man o masaya. Pero gusto ko rin na idagdag sa kanta ang tungkol sa nawawala niyang ama.

Ang wakas ay naiiwang nakahanger at hindi namin alam kung ano. Siguro hindi rin namin alam kung tapos na dahil wala namang sinasabing konklusyon. Naisip ko na lang na kami ang sinasabi ni Jepoy na tutulong sa kanya. Pero paano? ‘Yan ang hindi ko alam. Aalamin ko pa. Siguro naman may mga simpleng paraan para mapangalagaan ang kalikasan. Hindi ko na eelaborate. I-search mo lang sa internet. Bibigyan ka noon ng sagot. Ang problema lang ay kung gagawin mo siya o sapat na sayo ang FYI mentality.

ANG MGA TAUHAN

Apat na beses ko na pinanood ang dula at laking pasasalamat ko dahil nasaksihan ko ang ilan sa mga maituturing kong magagaling na nagsipagganap sa kanilang karakter. Para maging maayos ang lebel ng aking pagbibigay ng komento, hayaan niyo akong bigyan sila ng puntos: 10 ang pinakamataas at 1 angpinakamababa.

GALIS
Opaline Santos = 10
Kakaiba ang pagpapakita niya ng pagiging aso. Sa tayo at galaw pa lang niya batid na batid ko na talaga na “ASO KA” “ASO SIYA” “HINDI SIYA TAO”. Perpekto ang pagwagayway niya ng kanyang pwet bilang buntot at pag-ugoy ng kanyang ulo na parang isang turuang bantay. Isa lang ang totoo: hindi ko kayang gayahin ang kanyang boses na aso. Kung mapanood mo try, subukan niyo. Mahirap talaga.

Ji-ann Lachica = 8
Masasabi kong isa siyang napakasweet na aso bilang Galis. Kung sa tao ay sweet 16 siya. Siguro dahil sa mahaba niyang eye lashes o sa boses na rin. Ang kahol naman niya ay wala namang problema pero hindi ko masasabing natural ang pakiramdam. Parang may hinahanap ako na klase ng kahol na mahina na parang nanggagaling sa loob ng lalamunan na hindi ko narinig sa kanya. Magaling ang pagsasayaw ni Ji-ann lalo na ang eksena ng pagsasayaw niya habang natutulog ang mag-ina. 

JEPOY
FITZ BITANA = 10
Naniniwala ako na hindi na kailangang i-arte pa ang pagpapatawa. At kay Fitz nagampanan niya ito ng buong husay. Mula sa pagmaniobra niya sa puppet sa simula ng dula naramdaman ko kaagad na siya si Jepoy, ang batang makulit… ay hindi… ubod ng kulit. Nakakakiliti pa lalo kung makita mo siyang takot na takot sa nanay niya. At sinasabi ko na bihira ka lang makakita ng nakakatawang tao kung matakot. Isa sa mga alam ko ay ang gumanap na Ronald Weasley sa HarryPotter.

STEPHEN VINAS = 3.5
Iba kung alam mo lamang ang mga linya pero kung bitawan mo na ito dapat lumabas na natural at didiretso sa bewang ng mga manonood para kilitiin kami. Pero hindi siya naging successful bagkus naging isang parang ordinaryong linya lang ito na binabasa bilang konteksto na kailangan niyang sabihin. Lubhang napapalakas rin ang kanyang boses na may halong enerhiya na mataas nga pero parang pilit na pinapalakas. Ang emosyon rin niya ay mataas ang lebel pero hindi niya nabigyan ng hilot. Siguro mas mainam na inarte niya ang Jepoy bilang taas at pababa na slope. Sa kabuuan, hindi ko naramdaman ang Jepoy sa kanya.

ALING BARANG
Lucky de Mesa-Olie = 8
Naaalaala ko si Pokwang noong nagsisimula pa lang siya sa kanya. Medyo hilaw pa ang pagpapatawa pero nadadaan naman sa boses niya. Nasa mata naman niya ang pagiging Barang pero parang may kulang sa kanyang pangingiliti.

Ang nagustuhan ko ay ang pagiging natural ng kanyang pagiging nanay. Hindi OA. Just a plain nanay sa mga mata pa lang niya. Swabe ang pagbibitaw niya ng mga linya na mararamdaman ko na oo mabunganga siya at pinapagalitan ang anak pero mahal na mahal niya ito.


Skyzx Labastilla = 7
Epektibo ang kanyang pagbibitaw ng mga linya sa pagpapatawa pero parang nasobrahan ang pag-absorb ko ng enerhiya galing sa kanya bilang nanay ni Jepoy. Laging nanlalaki ang mga mata niya na parang hindi na nagpapahinga. Parang Aling Barang "In Extreme" ang kanyang feel na siyang hindi ko maintindihan kung bakit. Siguro nasa utak ko lang na basta nanay, dapat nasa 'mild' na reaksyon lang. O kung magagalit man, pagtaas ng 'slope' ng pagkagalit eh bababa rin kaagad agad dahil nga mahal niya ang anak niya. 

PACQUITA
Karenina Haniel = 10
Sa una, inaamin ko. Akala ko, talagang unano siya! Ginulat niya ako na nakakatayo pala siya! Oo madali lang lumuhod, pero kung aarte ka na nakaluhod at gumalaw na parang unano, naku ibang usapan na ‘yun. Kagaling! Sa bawat lakad niya naroon ang enerhiya at galaw ng isang unano. Wala pa dito ang nakakabaliw niyang tawa na pinipilit kong gayahin nang gayahin pero hindi ko talaga kaya. Sobrang nakakaaliw siya!

DONYA GERONIMA
Jef-Henson Dee = 5
Parang hirap siya. Naawa ako sa kanya kasi parang hindi niya gusto ang damit na pinasuot sa kanya. Sa mata niya ang parang binully ng kaeskwela.Siguro di siya komportable kaya medyo matamlay na donya ang nakita ko sa kanya. Sinalba lang siya ng kagandahan ng desenyo ng damit niya. Hindi ako natawa sa kanyang mga adlib. Kung katawa tawa man, mapapangiti lang ako.

Jules dela Paz = 10
Donyang donya ang kanyang mga lakad. Matindi rin ang kapangyarihan na nakikita ko sa kanya na dapat lang dahil siya ang reyna ng engkanto. Para siyang grand winner sa isang gay beauty contest. Ang galing ng boses niya at nakakatawa kong bababaan niya ito. Ang mga hirit niya ay effortless! Ikaw na!



DESENYO NG ENTABLADO
Dahil sa ito ay dulang pambata, bukod sa paksang pangkalikasan inasahan ko rin na ang mga makukulay na mga damit at set ng entablado. At hindi nga sila nabigo na mabusog ang aming mga mata sa kakaibang set.

Metikuloso ang detalyado na napapalibutan ang entablado ng mga rattan na korteng mga ulap at nababalutan ng puting sinamay. Isang puntos sa pagpipili ng midyum na may pintok ng mga gawang kamay ng mga Pilipino. Hindi ko mawari kung gaano nila katagal ito ginawa dahil nakakamangha talaga ang kabuuang saya lalo na kung mapatungan ang mga sinamay ng ilaw na makakapaniwala sa isipan ng manonood na ito ay parte ng mundo ni Jepoy sa labas kung saan may langit, mga ulap, at bukirin na kay lawak. Malas lamang ng mga nakaupong manonood sa harap dahil hindi nila ito masyadong mapapansin. May araw na nanood ako at pinili ko talaga ang “Bleacher Side” ng ticket. Yaon ang perfect spot sa mga nais mahumaling sa mahikang nagawa ng Umaaraw. Maiinis ka nga lang sa malakas na ilaw na magiging katabi mo. Hindi ko alam kung para saan yaon pero siguro ito ay ginagamit nilang ilaw para sa ibang effects ng dula.

Magtataka rin ang lahat kung paano nalalagay sa harap ng entablado ang isang napakalaking buwan na minsan pa ay may nagliliparang paniki sa loob nito. Isang napakagandang mahika ng teatro! Wala pa dito ang naramdaman ko nang umungol si Galis na kaharap ang buwang nabanggit. Creepy....

Sa ilaw, napaglaruan nila ang UV light na nagbigay ng kakaibang malaengkantong experience sa entablado. Mapapamangha ka kung paano umilaw ang mga damit ng lahat halos ng mga karakter. At dahil diyan, nabuhat niya kami lahat at napaniwala na OO… nasa isang “mystical place” na kami at napadpad si Jepoy at Galis doon.


PANGKALAHATANG NARAMDAMAN SA DULA

Masasabi kong nanatili ang aking baon na nakatuntong pa rin sa ulo ko na ang dula ay parang “saving mother earth before bedtime”. Cliche’ ang dula sa paksang ito pero may suntok naman na kay sakit sa tagiliran.  Tama nga na hindi maipagkakaila na mas talamak na ang pamumutol ng mga puno maging ang paggawa ng iba’t ibang paraan upang mapunan ang ating mga pangangailangan o maparami ang pinagmulan ng ating kikitain. Sinusunog natin ang kagubatan upang palitan ang kumpol ng mga malalaking puno upang i-convert ito isang malaking pataniman, minahan o ‘di kaya maging isang real estate na komunidad sa isang liblib na kagubatan kung saan mura ang presyo ng lupa. Hindi naman ito bago sa lahat. Kaya nirereserba ko ang punto na ganun nga. Subalit ang suntok ng dula ang nagpasama sa pakiramdam ko bilang tao malamang habang natatandaan ko noong nagpagawa kami ng bahay sa Aklan ay pinutol namin ang mga dambuhalang punong nakaharang. Ganun na ba talaga ako kasama? Dapat ba na pigilan ko ang mga trabahador na putulin ang puno? Binabalik ko lang ang nakaraan lalo na sa tagpong nalaman ko na sa dula ay naging pagala gala ang kapre dahil sa pagputol sa tinitirhan niyang punong kamagong. Masakit sa loob na isipin ko ang mga ganoong bagay kaya umasa rin ako na marahil may mabibigay silang solusyon na mapanghahawakan ko; na konkreto sa paraan na makatotohanan sa panahon ngayon napalago na nang palago ang populasyon. Sa dulo ng dula, iniwan nila sa amin ang aksyon. Kaya umuwi kami na tangan ang mga dambulang rebulto ng responsibilidad na pangalagaan sila. Marahil paggising ko makakalimutan ko rin ang mga yaon. Mananatili na lamang silang mga inaagiw na rebulto at makukuntento na tumatak sa isip namin na may kailangan kaming gawin. Hindi nga lang namin alam kung kailan namin gagawin. O siguro hindi na lang. May pasok pa ako bukas.

Sa kabilang banda, bumulwak rin sa alaala ko ang mga sinambit ng isa kung kaibigan ukol sa konsepto ng mga engkanto. Ang engkanto raw ay mga nilalang na bumaliktad sa Diyos at kung anuman ang kanilang naging katauhan sa kailaliman ay isang kaparusahan sa kanilang nagawa. At dito ko masasabi na ang ilan sa mga kaibigan ko na may kaukulang kaalaman sa banal na aklat ay hindi maniniwala na yakapin ang konsepto ng pagiging pantay ng mga engkanto sa tao. Sapat na marahil sa kanila ang malaman ang hangarin ng dula na pangalagaan ang kalikasan pero ang ipagpantay ang mga engkanto/hayop/halaman sa tao ay taas kilay nilang babalangkasin kung bakit. Ilan sa mga tanong nila: Paaano mo masasabi na pantay ang tao sa pinya? Ang tao sa mananaggal? Ang tao sa ipis?  

Ngayon, halimbawa kung hangarin man ng dula na paniwalaan ako na pantay nga ako sa isang pinya, hindi sila naging epektibo. Kung mapaniwala man nila ako, siguro hindi ko na makakaya pang tusukin ang mga mata ng pinya, balatan at kainin ito ng buhay. Hindi na rin ako kakain ng escabecheng lapulapu (aalagaan ko na lang raw sila sabi ni Jepoy). 

Bilang respeto naman sa paniniwalang pangrelihiyon (na ang tao ay pinakaespesyalna gawa ng Diyos), pinalampas ko na lang ang konteksyong yaon sa isip ko at iniwan sa teatrong pinasukan ko.  Subalit paglabas naman, sa isang iglap, isang katanungan na naman ang umusbong kung totoo nga ba ang mga lamang lupa o hindi. Hindi ko rin naman yaon masagot. Wala rin naman talagang makakasagot. Malay natin totoo. Malay natin gawa gawa lang bilang panakot sa mga makukulit na mga bata noong araw para umuwi na sila ng maaga mula sa maghapong paglalaro. Pero ang nangyari, pinarating sa kabuuan ng dula na sila ay totoo, nahahawakan, nakakausap, at may damdamin. Kung sa riyalidad ang pagbabasehan ko, mas nanaisiin ko na tapusin nila ang dula kung saan si Jepoy ay nagising sa matagal na pagkakahimlay; na ang lahat ay mula lamang sa kanyang imahinasyon mula sa kwento ng mga nakakatanda. Dito mahahati ng dula ang isipan ng manonood kung ano ang pantasya; kung ano ang totoo.  #


Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang Umaaraw Umuulan Kinakasal ang Tikbalang

Sunday, November 04, 2012

Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre

Annotation:
Ito ay pang-lima sa 20 kabanata ng nobela ko na pinamagatang: "Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre"










Kabanata 5: Si Ina

Napakagaan ng pakiramdam ni Toog. Para na siyang hangin. O para na siyang parte ng hangin. Hindi niya maintindihan.  Lumulutang siya sa ere. Napakagaan niya. Alam niya na nakawala na silang lahat sa katauhan ng mga puno. Isang riyalisasyon mula kay Bantulinao.

Mula sa kanyang pagkakalutang nakita ni Toog ang sitwasyon ng kanyang binabantayan. Sa gitna ng makakapal na mga usok nakita niya ang mga nakatumbang mga puno. Nais man niyang ipagtanggol ang buong kagubatan ngunit wala na siyang magagawa. Wala na ang mga puno. Wala na lahat ang kanyang binabantayan. Hindi na rin marahil siyang pwedeng tawaging tagapagbantay. Subalit nagsilapitan pa rin ang ibang mga samakal sa kanya. Nananangis sila. Humihingi ng saklolo.  Naawa si Toog sa kanilang kalagayan.

Habang lumulutang sila papalayo, naaninag ni Toog ang kanilang pinanggalingan. Nakikita ni Toog ang nagsisimulang namumuong usok.  Walang pinagkaiba ito sa nakita niya sa bundok nila Bantulinao. Ngunit saan na nga ba sila patungo?  Patuloy na lang ba silang maging parte ng hangin?     

Hinayaan na lang nila ang hangin.  Itinaboy sila sa iba't ibang direksyon. Hanggang parang patungo sila sa halos walang hanggan.  Pinilit na lumapit ng ibang mga samakal kay Toog subalit ang hangin mismo ang lumalayo sa kanilang lahat.  Hanggang sa tumigil ang hangin.  Isang napakagandang tanawin ang kanilang nakita.  Isang napakataas na bundok. Parang bato balani na dinadala sila sa bundok na yaon. Papalapit sila ng papalapit hanggang sa makita nila ang mga puting ulap sa tuktok. Hindi alam ni Toog kung ano yaon pero ramdam niya na doon sila patungo. Pumasok sila sa nakaabang na puting usok o ulap o kung ano man ’yun ay hindi niya alam hanggang nanilaw ang buong paligid.

Pagtagal, unti unting bumalik ang liwanag hanggang sa kalayuan nakita nila ang iba't ibang kabundukan na napupunuan ng iba't ibang mga puno. Parang napasok sila sa ibang dimensiyon. Hindi maipaliwanag ni Toog kung paano ito nangyari. Nananaginip lamang ba siya? O kung panaginip ito, sana ay hindi na siya magising. Mula sa itaas para silang mga nakalutang na ulap upang mamasdan ang kagandahan ng kanilang napasok.

Isang liwanag ng lihis ng araw ang nakita niya sa buong tanawin na parang walang katapusang bukang liwayway. Naglalaro ang mga ulap sa mga iba’t ibang kulay na dulot ng liwanag. Sa ibaba makikita ang napakaberdeng tanawin. Walang anumang nakatumbang mga puno. Lahat sila ay buong giliw na nakatayo. Sa ilang mga gilid nito mahuhugis ang paghahalikan ng ilog sa karagatan na sumasalamin sa naglalarong kulay ng kalangitan. May isang maliit na lawa rin na   kakikitaan ng mga nangagliparang mga ibong hindi na gala kundi permanente ng nananahan sa kalapit na kabundukan.

Palutang-lutang lamang sila dito hanggang sa mapansin nilang sila ay pababa papasok sa isang kagubatan. Parang may bato balani na naman na dumadala sa kanila sa iisang lugar. Nakita nilang lahat na papunta sila sa isang batis. At bago pa man mamangha si Toog sa linaw at ganda nito napansin niya agad na may nilalang sa gilid nito na parang kanina pa sila hinihintay. Ang nilalang ay nagtataglay ng matinding liwanag; ng puting liwanag; sa kahit saang anggulo ay makikita ang kaputian nito. Isa nga ba itong nilalang o dulot lamang ng kanyang imahinasyon? Subalit habang papalapit na sila, ramdam niya na totoo siya. Kahugis ng katawan nito ang limang dayo na kanyang nakita sa kagubatan. Isa ba itong unggoy? Subalit parang napakaamo ng mukha niya para maging isang unggoy. Mahahaba ang kanyang itim na mapapayat na dahon marahil pero parang hindi. Bulaklak ba ito o ano?

Nagwika ito sa kanila sa isang pinakamatinis na boses na animo'y pinaghalong mga tunog na mga laguslos ng batis at pinagsamang maaamong mga ibon.

"Magandang pagdating sa paraiso. Kilala ko kayong lahat at batid ko rin na malamang hindi ninyo ako kilala. Ako si Inang Kalikasan."

Natulala si Toog. Hindi niya mawari ang ibig ipahiwatig ng kaharap maging ng kanyang mga kasama. Sino si Inang Kalikasan? Isa rin ba siyang puno? Ano ang kanyang pakay? Saan siya nagmula?  Marahil nababasa ni Inang Kalikasan ang iniisip ni Toog kaya nagwika siyang muli.

"Lagi ko kayong pinagmamasdan sa ibaba maging ang iba ninyong kasamahan. Alam ko ang inyong mga hinaing at sa lahat ng iyon patuloy na nagiging panalo ang mga tao sa paggamit sa inyo.”

 Nahihiya man si Toog ay sumagot ito kay Inang Kalilkasan.

"Inang Kalikasan ang iyong pangalan ‘di ba? ano po ang mga tao?," pagtatakang tanong ni Toog.

"Ipagpaumanhin mo ang hindi ko pagpapakilala sa kanila. Lumapit kayong lahat dito at ipapakita ko kung sino sila."

Itinuro ni Inang Kalikasan ang kalapit na napakalinaw na batis. Lumapit sila dito. Iwinagayway ni Inang Kalikasan ang kanyang mapuputing galamay na mga animo'y magagandang sanga.  Mula sa malinaw na tubig, umangat ito ang naghulma ng mga mukha. Lumabas ang tatlong nilalang na kinorte ng iwinagayway na tubig. Parang nililok ni Ina ang mga tatlong katauhang nabuo. Nagulat ang lahat sa nakita. Nagsalilta si Ina.
   
"Sila ang mga sinasabi kong tao."

Tatlong tao ang nakatayo sa harap nila. Isang maputi, isang maitim, at isang katamtaman lamang.
Nagsalitang muli si Ina.

“Iba iba ang mga tao, may maputi may maitim at may katamtaman lamang. Maging ako ay nasa ganito ring hulma"

"Ibig sabihi,” tanong ni Toog.

"Hindi ako tao Toog."
"Ano ka po?"

"Ako kayo."

"Hindi ko po kayo maintindihan."

"Sa dinami-dami ng nakarating dito, walang pinagkaiba ang inyong mga reaksyon kung sino talaga ako. Marahil patuloy kayo sa pag-iisip na ako'y isang kathang isip lamang."

"Hindi ko po talaga kayo maintindihan."

"Ang mga tubig sa batis. Ang mga berdeng dahon ng mga puno. Ang malilinis na ilog lawa at dagat. Ang mga halaman, hayop, at tao. Ako 'yun."

"Kayo po kami?"

"Ang aking mga kamay na korteng mga sanga; ang aking mga buhok na animo'y malilinis na lupa; ang aking mga mata na animo'y kakulay ng malinis na batis lawa,  ilog at dagat, ang sinag ng aking kabuuan mula sa matingkad na araw, ang hanging lumalabas mula sa lahat ng parte, ito ang nagsasabing ako kayo.”

Kapansin-pansin ang katahimikan sa paligid kaya hindi na nag-atubili si Ina na magsalitang muli.   

“Subalit hindi niyo lang alam ang kaibahan ko ngayon sa nakaraan.”

Iwinagayway muli ni Ina ang kanyang mga kamay. Nawala na ang tatlong taong pinapaliwanag ni Ina at pinalitan ng isang napakalaking nilalang na hinulma ng tubig. Isa itong napakataas, napakamasinag, nakapakinis na nilalang.

“Ang aking mga buhok na animo'y malilinis na lupa. Ang mga mata nito ay kakulay ng mga bituin sa langit. nakakasinag ng kanyang kabuuan mula sa pinakamatingkad na araw, ang hanging lumalabas mula sa lahat ng parte, ito ay napakasariwa”

Tumabi si Inang kalikasan sa nagawang imahe. Nagmukhang bubwit si Ina. Animo'y isang higanteng ina ang katabi niya. Nagulat silang lahat.  Si Toog naman ay namangha Subalit sa loob niya, alam niya na malaki na ang kaibahan ni Ina.

"Marahil napapasin niyo ang kaibhan ko noon at ngayon. At patuloy akong nagbabago sa paglipas ng panahon."

Naisip ni Toog ang nangyari sa kanila. Pati na rin sa mga kasamahan ni Bantulinao. Si Bantulinao. Nasaan na nga ba si Bantulinao. Napatingin ang Ina kay Toog. At napagtanto kaagad ang kanyang nais itanong.

"Si Bantulinao. Pinili niyang bumalik."

"Bumalik sa..."

"Toog, dito sa paraiso, ang mga dumarating ay pinapapili ko kung nanaisin nilang bumalik o manatili dito."

"Subalit Ina, sa ganda ng paraisong ito, wala ng ibang magnanais na bumalik."

"Toog. Ang kagandahan ng paraiso ay hindi permanente. Ito ay nagbabago rin kasabay ko."

"Ibig sabihin si Bantulinao ay bumalik sa kagubatan?"

"Parang ganun na rin, Toog; pinili niyang maging tao."

"Nasaan na siya ngayon?"

"Malalaman mo rin."
   
**********

Nanatili sa isipan ni Toog si Bantulinao. Bakit ninais niya na maging tao? Ano ang kanyang hangarin? Gusto niya bang mailigtas si Ina? O nais lang niyang maramdaman ang pagiging isang tao. Naisip rin ni Toog ang mga iyon. Marahil katulad na katulad ito sa laman ng isipan ni Bantulinao. Oo. Pareho nga siguro. Tiningnan ni Toog si Ina. Katabi pa rin nito ang iwinagayway niya na dating imahen nito.

Naisip ni Toog na dapat gumawa na siya ng hakbang. Naisip niya na kung si Bantulinao ay ninais na maging tao, siya rin ay nais din niya. Napangiti si Ina.

“Kung gayon Toog. Matutupad ang iyong ninanais.”

Dumilim ang paligid.

Isa itong kadiliman na kailanman ay hindi pa nararanasan ni Toog. Pagnaka'y unti-unting nawawala ang kanyang nalalaman. Hanggang sa hindi na niya matandaan ang kanyang pinanggalingan; kahit ang  kanyang sarili.


=katapusan ng kabanata 5 =

Saturday, November 03, 2012

Maganda Pangit Masarap Kadiri


nagtakbuhan ang mga daga papunta sa umaalingasaw
nakakahalinang mga kumpol na mga pinaghaluhalong
retaso ng mga hinabing nangagpapanis na mga ulam
na pinagsasamasama ng mga malalaking langaw
at kay lulusog na ipis upang mapabulok 
mahabol ang kapakinabangan ng linamnam ng sarap
ng pabulabulang papatakpatak na sustansiya
na daga at ipis lang nakakaintindi sa loob ng supot
na nakatengga sa may malaking balde ng basura sa likod
tagong tago sa kalakihan ng walang hanggang
kasiyahan ng siyudad sa harap ng anim at higit
pang mga gusali na nakakagalak  pagmasdan 
lalo na kapag maaaninag mo ang kasiyahang
taglay ni haring araw tuwing umaga sa mga
salamin taglay ang kalinisan ng makulay na fountain, 
namumukadkad na mga bulaklak,
pakurbang anyo ng mga nakakaakit na daan,
mga batong may kakaiba at nakakamangha
sa pasilyo


















nagtakbuhan ang mga desenyo papunta sa mga pasilyo
nakakahalinang mga kumpol na mga pinaghalong 
retaso ng mga animoy hinabi na mga bulaklak
na pinagsasamasama ng mga malalaking magandang bato
at kay lulusog na mga pananim upang magkakulay at
mahabol ang kapakinabangan ng linamnam ng sarap
ng pabulabulang papatakpatak na sustansiya
na araw at fountain lang nakakaintindi sa labas
na nakabalandra sa may magarang lote sa harap
kitang kita upang takpan ang kaliitan ng walang hanggang
kalungkutan ng siyudad sa likod na anim at higit 
pang mga gusali na nakakasukang pagmasdan 
lalo na kapag maaaninag mo ang kalungkutang 
taglay ng mga daga tuwing umaga sa mga 
salamin ng karumihan ng nangingitim na pagkain,
namumukadkad naaagnas na mga patay na hayop sa
pakurbang anyo nitong umaalingasaw nakakakit sa lahat
ng mga iba pang uod na kakaiba at nakakasuka  
sa dumpsite

Tuesday, October 30, 2012

Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre

Annotation:
Ito ay pang-apat sa 20 kabanata ng nobela ko na pinamagatang: "Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre"









Ngunit ito ay panaginip lang at maaring di matupad
'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito'y nangingibang bayan






Kabanata 4: Ang Kambal ng Lupa

Umuwi si Felicidad ng gabing yaon sa kanyang tahanan sa Laoag. Hindi na siya naghapunan sapagkat busog na rin siya sa kanyang dinner meeting kasama ang mga inhinyero. Hindi yaon normal na uwi ng matanda. Medyo napahaba kasi ang kanilang diskusyon patungkol sa pagsusunog nila sa gubat ng San Roque. Hindi kasi naniniwala ang matanda sa anumang mga sabi-sabi o pamahiin kaya buong inis niya nang malamang nagpatawag ang kanyang mga inhinyero ng  mga tinatawag nilang babaylan. Ang alam niya ay niloloko lamang tayo ng mga yaon sa laki ng hinihingi nilang bayad.

Limang matatandang babae na may mahahabang buhok na hindi nila siguro kailanman nasusuklay ang naroon sa kanyang opisina isang araw. Sa una, ang akala niya ay nagso-solicit lamang sila sa anong proyekto nila sa kanilang kulto subalit noong nakita niya ang limang yaon sa kanyang boardroom ay laking gulat niya. Hindi niya alam kung anong kahibangan ang pumasok sa kukute ng kanyang mga engineer upang imbitahan ang mga yaon.

Mga babaylan; mga susi upang makapasok sa kagubatan; ang natatanging paraan ng kanilang mga tauhan upang hindi mabati; maengkanto sa pagputol sa mga puno. Sa kung anong slide man ito lumabas hindi na ito inintindi ng matanda hanggang sa magkaroon sa wakas ng open forum. Agad siyang tumayo upang barahin ang lahat ng kabuuan ng presentation sa pagtatanong sa limang gusgusing mga bisita.

”Saan kayo banda sa Mandaluyong nakatira,” nakangising tanong ng matanda. Hindi nagsalita ang lima bagkos tumingin-tingin lamang ito sa paligid ng kuwarto. Batid niyang, ngayon lamang sila napasok dito. At siguradong isang  nakakapanabik na araw para sa kanila na maupo sa malambot na upuan ng boardroom.

”Ma’am we have invited an interpreter. Do you want her to ask the same question to your babaylan guests?,” sabi ng kanyang assistant. Sumenyas na lamang ang matanda na hindi na kailangan pang itanong yaon. Umupo siyang muli mula sa pagkakatayo. Iba pala ang lengwahe ng mga baliw. Sinubukan na lamang niyang magtanong sa nagpresent: Si Engr. Myers. Siya ang pinakamagaling na engineer na kanyang nakilala at nakahawak ng halos lahat ng kanyang building projects kaya hindi  niya maintindihan kung bakit pumasok sa kanyang isipan na mag-imbita ng babaylan sa kanyang opisina. Uminon ang matanda ng kaunting kape. Huminga ng malalim at nagtanong sa kanya.

”Engr Myers, please explain to me why we need to have these babaylans...”

”Yes, you mean the spiritual warriors?”

”Yes, those spiritual warriors you call alright. Why in God’s time where advance technologies and systematic knowledge of science already exist would you consult these people to be of requirement for this project?”

”Ma’am wala naman pong mawawala sa atin. But the rest, things are for sure that we will be clearing the area in a matter of 6 months.”

”Yes I know your targets Engr Myers but for me, I need to know the sense of them being here in my office in the first place! I heard your presentation about spritual beings, engkantos, kapres, etc etc but  can you review that further that we are just wasting our financial resources just for these crazy old fools!.”

”Ma’am we never know if guardians of the forests were in fact in there. I am just protecting our workforce.”

Hindi na muling nagsalita ang matanda. Tumahimik na lamang sya. Kung sa bagay, baka nga naman may mga kakaibang engkanto doon. Duda siya sa mga babaylang ito. Pero wala rin naman siyang magagawa kaya hinayaan na lamang niyang maging parte ang limang babaeng bisita sa operasyon. Sila raw ang pinakamagaling na babaylan sa Pilipinas at naging suki ng lahat ng contruction companies sa bansa. Mahal sila maningil pero sigurado naman raw na walang masasaktang trabahador sa kahit anumang pagsisimula ang operasyon. Mas lalo na ring nainis ang matanda nang magkaroon ng karagdagang presentation ang kanyang mga inhinyero patungkol sa isang grupo ng Cable News Network o CNN na dumalaw sa lugar. Wala naman gaanong detalye silang binanggit basta nasa mga larawan ang kanilang mga gusot na mga mukha sa hinaing ng pananakit ng mga kalamnan. Hindi pa dito kasama ang duguang larawan ng kanilang main host na dulot ng isa lamang pipitsuging agila na kanila nasugapa sa kagustuhang ma-feature ang Philippine Eagle ng Pilipinas. Pinagtawanan lamang itong lahat ng matanda sa pag-iisip na hindi naman engkanto ang gumawa noon kundi isang ibon. Hindi naman raw talaga natin alam na baka sa kaso ng pananakit ng kanilang mga kalamnan, marahil ang totoong sanhi nito ay ang matinding stress sa trabaho nila. Hindi naman talaga biro ang maglakad sa kagubatan. Nagpatuloy ang open forum. Hindi na umiimik ang matanda. Bahala na. Basta dapat matuloy na ang proyekto.

Pupunta raw ang limang babaylan ilang minuto bago simulang ang pag-clear sa site. Sila na raw bahala sa lahat at wala na sila pang kailangan alalahanin kundi maghintay ng kanilang hudyat sa pagsisimulang pagsunog sa site.

Lumabas na ang matanda sa boardroom at hindi na niya kailangan pang hintayin ang kabaliwan ng kanyang engineer. Nakakatawa ang paraan nila sa pagpapaalis sa mga ispiritu, engkanto o anumang lamang-lupa na naroon raw sa site. Iikutan lang raw nila ito ng sayaw sa saliw ng tunog ng pagpilantik ng mga kawayan at dugo ng buhay na manok. Ito raw ang magsisilbing alay. Hindi na nakayanan ng matanda ang lahat sa kakaisip nito hanggang mapagtanto niya na matagal na siyang tulala sa kanyang sasakyan sa harap ng kanyang bahay. Napangiti siya sa kanyang mga naiisip. Stress na nga siya talaga. Kailangan na niyang magpahinga.

 Sa pagbaba niya sa kotse dumiretso na agad siya sa loob ng bahay. Kakaiba ito sa ibang mga araw dahil kung regular na uwian niya, binibisita pa niya ang mga tanim niyang orkidyas sa kanyang malaking hardin. Dahil siguro ito sa pagod sa pag-iisip sa mga 5 babaylan na kanyang naging bisita. Hindi pa dito kabilang ang pag-iisip niya sa mga taong nakita niya sa labasan ng building ng kanyang opisina kanina. Mga 20 o 30 katao ang nagsisigaw sa labas upang mag-aklas araw-araw kasabay sa saliw ng kantang ”kapaligiran” ni Coritha, laban sa plano  nilang pagpapatayo ng real estate sa San Roque. Hindi niya batid kung sila ba ay mga nakatira doon.  Ang alam lamang niya ay wala namang nananahan sa lugar na kanilang pagtatayuan – na legal sila ika nga ng isa niyang magaling na abogado. Plantsado na raw ang  lahat doon at wala silang ilegal na ginawa. Approved naman na ng DENR ang kabuuan ng kanilang business plans.

Nabura na sa lahat ng isipan ni Felicidad ang  lahat ng kanyang inaalaala nang maramdaman niya ang pagbati ng kanyang aso. Kinagat-kagat nito ang kanyang mga paa. Napangiti si Felicidad at kinarga ito sandali at niyakap. Nagustuhan  naman ito ang aso. Mga ilang sandali ring nilaru-laro ni Felicidad ang aso at pumasok na siya sa kanyang kwarto. Malamig na sa loob gawa ng air-con. Malamang napaandar na ito ng katulong niya kanina pa. Batid na nila ang routine ng matanda. Wala siya sa bahay ng buong araw at umuuwi ng pasado ala-siyete ng gabi. Kaya bago pa man mag-ala-siyete ay napaandar na nila ito sa kanyang kwarto.

Ngayon lamang ay hindi siya nagpaluto sa kanyang home chef. Pero sa araw araw, alam na ng chef na ang ninanais lamang niya na ulam ay mga italian dishes kabilang dito ang lasagna, pizza, at iba pang mga putaheng may mga patatas. Kung umaga mas gusto ni Felicidad ang pritong itlog at tinapay na may palamang tsokolate. Minsan ay nilalaro pa niya ang aso bago magbreakfast o kung may sapi raw siya sabi ng mga katulong ay masipag niya itong pinapaliguan. Subalit kahit kailan ay hindi niya pinapapasok ang alaga sa kuwarto. Hinahayaan na lamang niya ito sa kanyang yaya. Ang yaya na rin ang nagtiya-tiyaga na ipasyal ang aso sa labas upang kahit paano ay makapagtakbu-takbo rin ito.

Kinabukasan, pagkatapos ng breakfast ay dumiretso na si Felicidad upang maligo. Hinayaan na lamang niya ang kanyang katulong na maghugas ng pinggan. Hindi mawawala ang gatas mula sa isang malaking ref sa kanyang sariling CR kasinlaki ng isang kuwarto. Binuhos niya ang gatas sa kanyang pulang bath tub. Magbabanlaw muna siya ng kaunti sa shower at pagkatapos ay hihiga na sa maputing likido.

Napabuntong-hininga ang matanda nang mapahiga sa bath tub. Sa bawat segundong nagdaraan hindi niya lagi maiwasan ang mga nakalipas; ang mga tagpong kahit isang basong gatas ay wala silang mabili ng kanyang asawa. Pinipilit niya kalimutan ang lahat subalit eto na naman. Patuloy na naman na kumikiliti ang alaala niya kay Nono.

Bumukas ang pinto ng CR. Nagulat si Felicidad at naghandang magalit sa katulong na hindi man lang marunong kumatok. Pero hindi katulong ang pumasok. Isang malaking bunga ng santol ang bumulaga sa kanya papasok. Sinlaki ito ng tao. Sa hindi maipaliwanag na dahilan may mga kamay at paa ang pumasok na santol. Lumakad ito papalapit sa matanda.  Binuksan ng santol ang kaloob-looban niya at bumulaga ang iilang mapuputing buto nito na kawangis ng kanyang asawa.

Nagising ang matanda. Napapanaginipan na naman niya ang mga nangagkalat na kuwento patungkol sa kanyang kabiyak. Kanina pa pala siya kinakalabit ng kanyang katulong dahil sa isang tawag sa telepono. Panaginip lang pala. Dali daling kinuha niya ang kanyang bath robe sabay kuha ng wireless phone.

“Hello?”

“Donya Felicidad, si Lito po sa guard house. Pasensiya na po sa abala.”

“Bakit ano ang problema?”

“Kasi po sa gate po naten may nag-iwan ng dalawang sanggol.”



=katapusan ng kabanata 4 =

Friday, October 26, 2012

Si Ate Roxy, ang Proxy ng Tatay


Sa China nagtatrabaho ang tatay ko. Maglalabindalawang taon na siya roon na parang ka-edad ko na rin. Sa tagal na 'yun, kahit kailan ay hindi ko pa siya nakikita bukod sa mga lumang larawan niya na nakikita ko lagi sa kompyuter. Pero hindi ko alam kung ano talaga ang itsura ng tatay. Sanggol pa kasi ako noong iniwan niya kami. Kahit noong kinuha nga si nanay ni Papa Jesus noong isang taon ay hindi rin siya nakauwi. Hindi raw siya pinayagan ng kanyang amo.

Ang sabi ng Tita Noriel ko, hindi raw madali ang trabaho ng tatay. Delikado raw talaga kaya hindi siya dapat magpakita. Kailangan pa raw ng makapangyarihang teleskopyo para makita mo lang siya.

Dalawa kaming magkakapatid. Ako ang bunso. Ang panganay ko na kapatid ay sampung taon ang agwat sa akin. Siya si Ate Roxy. Ang sabi ng Tita Noriel ko, espesyal raw ang kapatid ko. Masyadong malapad ang ilong, tabingi ang mukha, iika ika kung lumakad, at baluktot ang dila. Kaya hindi talaga maiiwasan na mapansin siya ng mga tao.

Noong kinder, naging kaklase ko ang Ate Roxy. Pero hindi rin nagtagal ay pinatigil rin siya ng punongguro matapos may isang mag-aaral na nagsumbong na binato siya ng kapatid ko. Pero alam ko na ginawa niya lang 'yun dahil sa maraming beses na panunukso niya at iba pang mga bata sa kanya ng pakantang ’abno’ ng paulit ulit. Nasasaktan din ako kapag nakakarinig ako ng ganoon.

Dahil sa ate ko, pinangako ko sa sarili ko na galingan ko sa pag-aaral kung kaya nagiging first honor ako sa klase tauntaon simula grade 1 . Si nanay ang laging sumasabit ng aking medalya. Pero dahil wala na si inay, hiniling ko na sana makauwi na si itay para siya ang sumabit sa akin. Kahit kailan kasi ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na sumabit ng medalya sa akin. Sa una nagtampo ako sa kanya. Subalit pagtagal ay nakasanayan ko na rin. Masaya na akong kaharap ang isang malaking amerikana sa tukador. Ang sabi ng mga tita ko, paboritong damit ito ng tatay ko.

Minsan tinabi ko ito sa pagtulog nang sa aking pagising ay nakita kong gumalaw ang amerikana ni itay! Hinabol ko ito pero paglingon ng damit ay nalaman ko na wala itong ulo. Pero hindi pa rin ako tumigil sa paghabol hanggang may isang napakalaking teddy bear ang kumalabit sa akin. Ibinigay niya sa akin ang isang makapangyarihang teleskopyo. Dali dali ko itong isinuot at gaya ng mga sinasabi ng Tita Noriel ko, nakita ko si itay! Subalit tanging mga mata lamang niya ang aking nakikita. Napatigil si itay sa pagtakbo sabay lapit ng kanyang matang may pananabik na makita ako. Hindi na ako nagpapigil pa at sinabi ko sa kanya na sana ay umuwi na siya ng Pilipinas; na sana ay makarating siya sa aking pagtatapos.

”Makakarating ako anak,” ang sabi ni itay.

”Talaga itay! Naku hindi na ako makapaghintay!” patalon sa tuwang wika ko.

”Pero anak. Kahit makakauwi ako, hindi na ako maaaring makapagsabit ng medalya mo ha.”

”Bakit po ba ’tay hindi ka pwede magsabit ng medalya sa akin?"

”Anak. Tandaan mo mahal na mahal na mahal kita. "

"Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko tay eh."

"Si Roxy, 'yung kapatid mo anak. Siya na lang ang magiging proxy ko. Sige anak. Hanggang dito na lang ha. Pangako. Darating ako diyan,”ang sabi ng tatay sabay takbong muli nang makita niya ang isang ibon na may baril ang tuka.

Simula ng araw na 'yun, kinuha ko ang aking mga nakaraang medalya at tinuruan ang Ate Roxy ko na sumabit ng medalya sa akin. Hindi niya rin kasi alam ito at mahirap talaga siya makatanda ng mga dapat gawin. Alam ko nahihirapan siya pero pinilit ko na matutunan niya. Hanggang pagkaraan ng ilang buwan ay natutunan niya rin.

At dumating na nga ang araw ng aking pagtatapos. Punungpuno ang buong entablado ng mga bisita, pati na rin ng mga nanonood sa baba. Nakinig silang lahat sa aking valedictory address.

"Our beloved principal, teachers, guests, ladies and gentlemen good afternoon. Siguro maiisip ng iba na marahil ay hindi na ako dadalo sa pagtitipong ito. Pero hindi. Naipangako ko kasi sa itay na patuloy akong magsusumikap sa pag-aaral kahit ano pa man ang mangyari. Alam ninyo kung bakit? Sapagkat napakahalaga ng edukasyon; ito ang magbubukas ng maraming mga pinto ng opurtunidad sa ating lahat. Siguro masasabi ko na sa patuloy na hangaring ito, matutuldukan na ang pagkapit ng bawat magulang sa patalim; sa mga panggigipit ng mga sindikato sa pagkapit nila sa pagiging drug mule para lamang mapiit at mawalay sa kanilang mga kaanak. Kung kaya sa araw na ito, huwag tayo magtapos lamang sa paggugunita kundi magtapos tayo sa patuloy na paglaban sa pagsusumikap sa ating pag-aaral. Ito ay simula pa lamang at ang wakas ay parang nasa dulo pa ng bahaghari pero batid ko na hindi pa huli ang lahat. Tayo ang pag-asa. Tayong mga kabataan ang inaasahan ng ating inang bayan!"

-----

Mga ilang oras bago pa man mangyari yaon; mga ilang oras bago ang aking talumpati; nasa bahay pa ako noon at naghahanda. Pero iba ang nasa isip ko; si itay. Alam ko talaga na darating siya. Nakailang dungaw na rin nga ako sa bintana nang may bumusina sa harap ng bahay namin. Isang malaking truck ang bumulaga sa amin. Pagtagal ay may binaba sa sasakyan kasabay ng mga kumpol ng mga bulaklak. Humagulgol ang mga tita ko. Isang kabaong ang pumasok sa bahay. Sa loob noon ay si itay.

--

"Roberto Del Pan, Jr, class valedictorian. Medal will be done by her sister."

Isang sabik na sabik na ate ang tumayo mula sa baba ng stage. Lumakad si Ate Roxy ng dahan dahan. At habang naglalakad siya, hawak niya ang isang malaking teddy bear na ngayon ko lamang nakita. Nagtatakang tumayo ako sa harapan katabi ng mga guro. Sa paglapit ni Ate Roxy, bigla niyang iniabot ang teleskopyo na suot ng kanyang teddy bear na agad ko namang isinuot. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si itay! Katabi namin siya! Umiiyak siya tuwa! Suot ang kanyang amerikano, binantayan niya si Ate Roxy sa pagkuha ng medal ko mula prinsipal at isinuot sa aking leeg. Nagkapalakpakan. Niyakap ko ang ate ko ng napakahigpit;mahigpit na mahigpit. Pagkatapos, bigla ko naramdaman din ang yakap ni itay; ang yakap na walang kaparis kahit ipagsama pa ang isandaang yakap ng mga tita sa mundo. Pagkatapos hinubad ko ang medal ko at isinuot sa kanya. Napangiti si Ate at buong galak na yumakap muli sa akin. Naramdaman ko ulit ang yakap ni itay. Napaluha ako. Napaluha rin siya sa tuwa sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataon.

Paglingon ko sa entablado, mga ilang sandali pagkatapos ng aking talumpati, nakita ko na umalis na si itay. Parang lumulutang na alapaap palipad sa kawalan ng pamamaalam. Marahil tinawag na siya ni inay kasama si Papa Jesus. Napangiti na lamang ako hawak hawak ang kamay ng ate. Alam ko na kung nasaan man si itay, kung kailangan ko ng kayakap o tagasabit ng aking medalya, kahit ano mang tagumpay ang tamasin ko, nariyan naman si Ate Roxy - ang proxy ng tatay.

Tuesday, October 23, 2012

ginising niya ako sa aking pagkakahimlay




ginising niya ako sa aking pagkakahimlay
kahit pa nakabaon sa puso ko ang ilang
bubog ng nakaraan sa loob looban sa bandang
gitna kakikitaan ng mga nagyeyemang mga dugo
mula sa matagal na pagdadalamhati
sa katigangan ng mga nakabalumbod na mga kalamnang
naging kuta ng mga pinagsama-samang
pundidong mga bombilya na kunyari'y
totoong nakakailaw sa loob kahit ang totoo'y
paulit ulit na nasasaktan tanggapin ang mga
sa mga isinusuksok niyang kolesterol hanggang
sa loob looban ng pinakamaliit kong mga litid
sa puso na nagtitiis ng sakit kasama ang mga
lintik na pumipilantik na memorya
ng pagdurusa sa kabiguang maangkin
ang tinatamasang glorya na kahit kailan nama'y
hindi naging sayo bagkus pinagpupumilit
na isipin na tanggapin na kunyari'y totoo
ang kasayahan sa kanyang piling kahit
sa bawat sandali ay pilit mong kinakaya
ang pagpasok ng mga papatak patak
na mga tinik papasok sa puso kong
umaasa.



ginising niya ako sa aking pagkakahimlay
hinukay ang mga semento sa paligid ng aking nitso
binali ang mga nakaharang na bakal sa baba
binasag ang kahit marmol pa na lapida
hanggang sa lumabas mula sa nahukay niyang lupa
ang nangagtatakas na mga masakit sa matang
mga maduduming mga memorya
mga alikabok ng mga panahon; ng mga tagpo
hanggang sa makita ang isang ataul
ng aking sariling nagpupumiglas na lumabas
sa nakakulong sa nakaraang gawa
sa mamahaling metal ng pagkukulong sa sarili
sinipa-sipa niya ito hanggang sa umumbok
ang mga marka na hindi ko inaasahan mula sa labas
at malaman na tinutulungan niya ako
doon siya sa labas at hinahanap ang kahit isang
hawakan upang ako ay makalabas hanggang
sa isang napakalakas niyang sipa ay nagbuksan
niya rin ito sa wakas na siyang kinabigla niya
o marahil ikinabigla ko rin sa tindi na pagkakabagsak
nito sa lupa ng paglimot sa kung ano ang dating
pinaniniwalaan kong tama; ang dating pinaniniwalaan
ko na masaya; ang dating akala ko ay aking
ikaliligaya.


ginising niya ako sa aking pagkakahimlay
pinagpag ang mga natitirang lupa sa taas
ng aking katawang halos naagnas
pero wala siyang pakialam
hinawakan niya ang aking dibdib
kinatok ang aking puso sa loob
na siyang nagpasimula ng bagong pag-aalab
pagtunaw ng mga namumuong
dugo sa loob; sa tagpong 'yun
nagising niya ang aking puso
at tumibok muli; nabuhay at nalaman
na may nais pa palang kumatok
mula sa labas kahit mahina;
basta tulungan mo lamang ang iyong sarili
na umalis sa pagkakahiga sa ataul
na nagmamarka ng pagkakulong mo
sa nakaraan sa pag-ibig na
walang katuturan


ginising niya ako sa aking pagkakahimlay
siya lang pagkaraan ng ilang taon ding
pagkakahimlay ko sa ilalim
ng puntod na ako rin naman ang gumawa
pinilit kong tumayo gamit ang naging
kalansay ko nang mga kamay at paa
tumayo ako sa kanyang harapan
sa aking bagong pinakamamahal
hawak hawak ang puso ko
na nagsimula nang tumitibok;
tumibok nang walang tigil
buong buo ko itong iniaalay
siguro hindi ngayon
marahil bukas o sa susunod pa na bukas
kung kailan man kaming dalawa
ay maalis sa napakalaking sementeryong ito
kung saan lahat ng mga nasaktan at sinaktan ay
nakahimlay.

Thursday, October 18, 2012

Pagkatapos ng Panonood ko ng Play na Katre ng Shaharazade


“Putang ina mo!”

Malutong ang mga salitang yaon sa loob ng kinakalawang kongkukute habang kayakap ang mga ispiritu ng mga tatlo o apat na bote ng red horse sa labas ng isang bar sa Katipunan. Palapit sila nang palapit sa akin dinidikit ang mga nakakangilong mga amoy mula sa mga natirang bula ng mga huli pang mga natoma na mga bote. Pati na rin ang paghalo ng mga tipak ng sisig na naging pulutan. Nakakatuwa sa una ang kwentuhan lalo na kung alam mo na game ang lahat na magbulaslas ng mga napakabulgar nilang buhay na nakakagimbal rin sa iyong nagmamalinis na kaluluwa. Sasabay sa gulo ang ng taba ng chicharon na ipapasok mo sa iyong bituka ang mga kabastusan; mga kwentuhang pagtatalik o ‘di kaya’y mga out of this world na mga karanasan ng ilan sa mga ngayon ko lang nakausap. Si Salve; ang pinakamaputi na babae sa grupo; sa kanya lang ako nakatunganga sa pangarap na sa kanya tumama ang maya’t mayang pag-ikot ng bote para ako naman ang makapagtanong. Tatanungin ko siya kung virgin pa siya. Malamang hindi. Sa ganda ba naman niya alam ko ‘yun. Kailangan lang na marinig at manggagaling ito sa kanyang mapupula at kissable na labi.

Oo. Gaya ng ibang kasama namin, ngayon ko lang siya nakita at hindi ako makapaniwala na may ganito kagandang kabarkada si Andrew. May pahapyaw hapyaw rin siyang kinukwento sa akin noon na isasama niya ang kaopisina niyang iyon sa play pero ‘damn’ hindi ko alam na ganito pala siya kaganda; may pagkatisay ang itsura, mahaba at tuwid ang buhok at mga kamay na sa tingin ko pa lang ay mala-prinsesa ang pagkakalilok. Hindi matatawaran pa ang tindi ng dating ng kanyang tindig lalo na noong una ko siya naka- ‘hi’ at ‘hello’noong magkita kami sa labas ng Ateneo sa taas ng Gonzaga Hall. Tulala na ako noon katabi siya sa upuan ng Fine Arts Hall. Kahit noong nagsisimula na ang mga naunang play ay sa kanya pa rin ako nakatitig. Wala akong pakialam kahit mahalata pa niya. Parang wala naman siyang pakialam eh. Tuliro lang siya na hindi ko alam baka antok lang sa biyahe o kung ano. Siguro nga. Nahahalata rin niya ako; pero dinadaan ko na lang sa pagkausap ng kung anong pabulong na masasabi ko sa palabas. Napakalamig siguro ng kanyang boses kahit hindi ko pa naririnig. Lagi na lang kasi siyang nakasimangot kahit sobra pang nakakatawa ang banat ng mga tauhan sa ‘Reunion sa Bangin.’ Nakisabay pa ako ng tawa. Pero siya. Tahimik lang. Parang bato na hindi mo alam kung nakikinig ba sa play o hindi. Siguro malalim lang talaga ang kanyang sense of humor. Siguro ako lang ang makakapagpatawa sa kanya at ibibigay sa akin ng mahal na hari siya bilang aking prinsesa. At pagkatapos noon ay mawawala ang sumpa sa kanya para malaya na siyang tumawa nang tumawa. Hanggang sa bibilhin na namin ang production ng Shaharazade para sa private restaging na kami lang ang manonood; para marinig ko lang siyang tumawa nang tumawa. Palagay ko sa mga oras na ‘yun magiging masaya kaming dalawa; magkaholding hands at siya naman ay nakasandal sa akin habang unti-unti niyang dinadama ang ‘the hangingtree.’ Meant to be kaya kami? O baka may isang acacia tree na naghihintay sa aming ‘long lost love’ sa nakaraan na kailangan kong ipaglaban. Kailangan ko lang talagang pagbutihin na alamin ang lahat tungkol sa kanya. Bakit pa kasi ngayon lang ni Andrew sa akin pinakilala si Salve; ngayon pa sa play na bawal talaga ang mag-usap; o kahit mag-inum ng alak para mabigyan pa ako ng lakas natanungin kong saan siya nakatira, ano ang trabaho niya, may nanliligaw ba sa kanya, kung mahal niya ako… Grabe napakaaga naman para sabihin ko pa ‘yun. Kung hindi ngayon, kailan? ‘Wag naman sana maabot ako sa punto na maghihintay ako sa kanyang oo hanggang tumanda ako sa katre. Ayoko naman maging kagaya ng lalaking version ng matandang Lea. Siguro ito na ang panahon para sabihin ko sa kanya ang aking nararamdaman. Eto na. Sasabihin ko na talaga pero hindi ko rin naman nagawa. Nakita ko kasi na humahagulgol na siya sa kakaiyak. Grabe kakaumpisa pa lang ng katre ah. Ang sakit sakit raw ng nararamdaman niya. Ano ba ang nagawa ko? Wala pa naman akong nasasabi. Marahil hindi talaga niya ako matanggap. Wala nga talaga akong pag-asa sa kanya.

Umikot ang bote. ‘PAK SYET!’ Napakalutong na sigaw ko habang nasa kung saang dimension pa ako nakalutang. Bakit pa kasi sa akin tumama ang bote. Syet. Ano naman ang itatanong ng mga damuhong ito. Sana maging magandanaman. Sana hindi ‘yung iniisip ko. Lumagok ako ng halos kalahati ng laman ngkalapit na bote. Wala akong pakialam kung bote ko ‘yun o hindi. Humihit ng yosiat nakinig; nakiramdam kung sino ang magtatanong. Ang isip ko ngayon, mula saispiritu ng alak na natuma ko, silang lahat ay mga walang kakwenta-kwentangunggoy na nag-aagawan sa iisang napakasarap na saging. Sana lang hindi nila akobabalatan ng buhay o kung mamalasin ay kakainin ng walang kaaawa awa sakahihiyan.

“Gard! Eto ang tanong namin sayo,” bulalas ng isang ‘di kohalos makilalang kagulat gulat na kasama pala namin.

“Hindi mo pa nga sinasabi kung truth or dare tanong ka naagad!”

“O sige sige. Truth or dare?”

“Dare na Gago baka kung ano pa itanong mo sa akin!”

“Sige sige. Ano, halikan mo nga si Salve.”

“Yun lang pala eh. Go!”

“Sandali andali-dali naman ng pinapagawa mo. ‘Wag si Salve.Halikan mo na lang si Andrew.”

“Putang ina mo!”

“Pasali-sali ka dito ayaw mo naman.”

“Walang gaguham pare. Walang bastusan dito”

Tumayo na ako sabay pagtapon sa mga nakatayong bote ng alaksa kausap. Si Ernie ‘yun. Ang sabi eh kabarkada rin siya ni Andrew at hindi nanakaabot sa play kaya sumama na lang sa kanila sa bar malapit sa Katipunan. Nagkaawatan.Pero agad namang napawi nang mapansing nasisilapitan na ang mga bouncer. Ayawnaman nila na mapalabas pa sa kalagitnaan ng kasiyahan. Sa pag-upo ng lahat,hindi inaasahan na biglang lumapit si Salve sa akin at walang anuano ayhinablot ang ulo ko palapit sa kanyang pisngi sabay bigay sa akin ngnapakasarap na French kiss na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman.Tulala ang lahat lalo na si Ernie na nailuwa ang kakapasok lang na pulutan sabibig. Natigilan rin ako kahit may ilang parte ng halik na nilabanan ko angkanyang mga dila. Walang sinumang nagsalita kahit napakalakas ang pagkanta ngbanda sa background. Si Salve ay umupo pagkatapos at walang punas punas nahumithit ng yosi sabay takbo palabas ng bar. Hinabol ko siya. Ewan ko alambakit ko ‘yun ginawa. Kung hayop ako, instinct ang tawag sa paghabol ko sakanya o marahil gaya niya ay gusto ko rin makatakas at maiwasan ang anumangkomento na aking maririnig sa kanila. Hindi na ako lumingon. Ayoko na malamanpa na sa pag-alis namin ay pagtatawanan nila kami. Basta ang nasa isip ko,tangina napakasarap ng halik na iyon. Hindi ko na talaga siya papakawalan.
Napakabilis niyang tumakbo. Sa isip ko para siyangnapakagandang paruparo na hinahabol ko sa pasikutsikot na dancefloor. Hindi kotinantanan ang makulay niyang mga pakpak kahit alam ko na nararamdaman niyangsinusundan ko siya. Kahit anong lipad pa niya hindi ko hinahayaang mawala saisip ko ang ganda ng kanyang mga kulay. Alam ko sa pagtagal nito ay mapapagod dinang napakagandang paruparo para humapon sa pinakamalapit na bulaklak. Saoras  na iyon gusto kong maging bulaklak nalang para saluhin siya. Kahit ano pa yan. Handa akong harapin kung anuman angkanyang sasabihin.
At lumabas nga siya ng bar gaya ng aking inaasahan. Hinabolko siya hanggang sa makita ko siyang tumigil sa isang nakausling pader sa malayosa dilim kung saan patay-sindi ang ilaw sa kanyang malaporselanang kutis.Kumuha siya ng yosi at naghanap ng lighter sa bulsa. Wala siyang makita.Dalidali kung inilabas ang lighter ko sabay sindi nito sa kanya. Napangiti ako.Alam ko na habang ginagamit niya ang lighter ko, ito na ang chance ko namagsimula ng kahit anong topic tungkol dito.

“No smoking area ba dito. Ako nga mga si Gard.”

Hindi umimik si Salve. Tuloy tuloy pa rin ang kanyangpaghithit buga sa nakasindi ng yosi. Naisip ko marahil hindi ko maipagtatakakung ang paruparo ay hindi magsasalita. Hinayaan ko na lang na hanguin siya ngtadhana para magkaroon siya ng bibig para kausapin siya. Nagpatuloy pa rin ako.

“Weird. Okay ka lang? I think no body smokes even 10 metersfrom this place. Feeling ko hindi ako magtatagal sa lugar na ‘to.”

“Gard.”

“Oh my. The butterfly finally can talk!”

“Kung feeling mo na type kita, dahil hinalikan kita,nagkakamali ka.”

“So bakit mo ba ako hinalikan in the first place?”

“What would I get if I answer your question?”

“Perhaps you will get another kiss from me?”

“Tangina mo!”

“Ang sarap! Iba yata ang feeling kapag makarinig ka ngnapakagandang  babaeng namumura.”

“Kung gusto mo lang ng kausap, ‘wag ako please. Hayaan mo nalang ako dito”

“Do you think I will just let you leave after you kissed me?”

“So? What if I kissed you?”

“Kayo talagang mga babae oo. You tend to say no when youmeant it is yes. You tend to say yes when you meant it is no.”

“I have no time for your analysis of gender differences.”

“Alam ko nagustuhan mo ang ganti ng halik ko sayo.”

“And why did you say that?”

“I just felt it.”

“You’re crazy . Brad right?”

“No. It is Gard. Gardo Valenzuela. Nice to meet you Salve….?”

“I am not a fool. I know inalam mo na kung sino ako simulapa noong makita mo ako sa Ateneo.”

“Alright. Tinanong ko na kay Andrew. You are Salve Sanchez.Nice to meet you.”

“It is NOT nice to meet you Gard!”

“Alam mo ang ganda mo kapag ang sungit mo.”

“Ayaw mo ba akong tantanan!”

“Not only if you tell me why you kissed me kanina.”

“Do you really want to know why?”

“Yes.”

“Well here it is. Nalilibugan kasi ako. Puta kasi ako.Pagkakita ko sayo kating kati ako at gusto ko matikman ang pinakagwapo nalalaki sa mundo.  Hinding hindi komakakalimutan ang halik na iyon. Hahanap hanapin ko ‘yun dahil napakasarap.Sana maulit pa! O ano masaya ka na? Pwede ka na bang umalis?”

Tinapon ko ang upos na yosi at biglang dinaklot ang mukha niSalve sabay halik sa kanya. Matitigas ang kanyang labi ngayon sa pagpupumiglaspero hindi ko binitawan; hindi ko tinantanan pero agad siyang umatras. Tinulakniya ako sabay hampas sa hawak niyang bag.

“BASTOS!”

“Hep. Galing sayo ‘yun. Sabi mo, I quote… ‘sana maulit pa’”

“At naniwala ka naman GAGO!”

“Hindi ako bastos. Hindi ako gago. Pinagbibigyan lang kita.”

“At ikaw pa ang may guts na sabihing pinagbibigyan mo ako.Kapal mo!”

“At this point alam ko na gusto mo ako.”

“Fuck you!”

“Kasi all the while, kung talagang nabastusan ka sa kakin whenI kissed you again  kanina ka pa tumakbo sapulis at sabihing hinarass kita.”

“You are giving me the idea. RAPE! RAPE! RAPE!”

“Harrass lang hindi rape. Oh well, the way you dress, nobody will believe you.”

“Ano akala mo sa akin pokpok?”

“Hindi ako nagsabi niyan. Don’t downgrade yourself. Angganda mo Salve.”

“Andaming beses mo na ‘yan sa akin sinasabi. May yosi ka paba?”

“Here.”

“Salamat.”

“Mukhang napaparami na ang yosi mo.”

“Hayaan mo na lang ako. Ngayon lang ito.”

“Umiiyak ka ba?”

“Hindi tears of joy lang.”

“Kanina pa actually kitang nakitang malungkot. Kahit noongplay, I saw you crying. What’s wrong.”

“Gago. Nakakaiyak naman talaga ang katre.”

“Ang tanga ko. Kaya naman pala. So ngayon, I’m sure hindi naito dahil sa katre ano. Ano naman ang iniiyak mo?”

“I can’t believe that I am talking now and crying beside acomplete stranger.”

“I am not a stranger anymore. Kilala mo na ako.”

“Fine fine. I am just so damn fucking worthless creature!”

“No. That is not true. Tell me.”

“It is a long story.”

“I will listen.”

“Yesterday. Or should I say, almost forever hinihintay kosiyang bumalik. We see each other sa skype halos araw araw and all. I reallyloved him so much. I really missed him.”

“I see. Is this your boyfriend.”

“Not really that official.”

“So, you loved somebody na hindi mo pa sinasagot.”

“You know the 80-20 rule?”

“No no. Ano ang 80-20 rule?”

“It’s simple. Sa business it states that 80 percent of theeffects came from 20 percent of the causes.”

“What do you mean?”

“Damn it! Sisirain mo ba ang moment ko just to explain that?”

“Di ko kasi alam kung ano ang 80-20 rule na ito.”

“The guy I love has a girlfriend!”

“Oh my.”

“And I knew that ever since I met him.”

“So you are the 20 percent…”

“I fill the vacant slots of his girlfriend’s love. I feltlike a slut at times but I do not care.”

“You do not care but you are crying.”

“Shut up! We should be watching the play together when thewriter of Katre invited us. Well, actually I was the one who invited him and heagreed.”

“Then?”

“And I waited for him downstairs of Gonzaga hall. I was withAndrew.”

“So that’s why antagal niyo dumating sa taas.”

“We waited almost forever! Not until..”

“What?”

“He arrived. At grabe talaga Gard. Hindi ko alam na sinama niyaang girlfriend niya!”

“Shit. So ano ginawa mo.”

“Ang sakit sakit kasi they were holding hands and verysweet. That’s the time my phone beeps for his text. Tangina ang Globe na yan. Ireceived late text messages saying multiple sorry na nag-insist sumama anggirlfriend niya sa kanya.”

“So nagkausap kayo?”

“Pinakilala niya ang girl sa amin. Si Andrew alam niya kayatinulungan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. At alam ko na gusto niya nahindi ako mahalata ng girl. Kunyari kami raw ang magjowa.”

“Bakit di ka na lang umalis?”

“Nahihiya ako kay Christian. He invited me as his guest.Kailangan niya ng support ko.”

“Alright. Tapos ano nangyari?”

“Then I met you upstairs. I know you are there peropasensiya na Gard talagang wala ako sa aking sarili that time. Lalo na nung nalamanko na pinareserve kami ni Christian ng seats. We need to sit along together.Shit! Ang pangit ng pakiramdam makita ang girl na pinupunasan siya ng pawis.Katabi ko silang dalawa! I felt so much hate! Parang gusto ko na tumakas pero Ican’t”

“So kaya pala hindi ka mapakali noong kinakausap kita ngkinakausap. I’m sorry.”

“It’s okay. Pero ang sakit sakit ng nararamdaman ko Gard. Atthat time I felt I am trapped in the middle of being boiled and being frozen.”

“Mahirap nga na feeling ‘yun.”

“What more seeing her girlfriend kissing him in front of me!”

“Tahan na. Iiyak mo lang yan Salve.”

“Kaya nakakita ako ng tiyempo. Sa simula pa lang ng Katre.Iyak ako ng iyak. Iyak ako ng iyak.”

“Naiinitindihan kita. Iiyak mo lang yan. Mabuti na lang athindi nila nahalata.”

“Kasi nga may mga sumabay naman sayo. Pero ano ka ba, sahuling part naman sila umiyak at hindi sa simula.”

“Basta bahala na kako kasi hindi ko na nakakayanan ang sugatsa puso ko. Alam mo ‘yun? Parang sugat na loob na ang sakit sakit at ayawgumaling.”

“Sa last part ng katre, I’m sure naiyak ka na.”

“Oo humagulgol ako Gard. Sobrang humagulgol. “

“Pero tumigil ka rin naman di ba”

“Oo naman. Pinigilan ko lang ang sarili ko hanggang curtaincall… hanggang sa bar…”

“Fuck! They are here?”

“Yes. There are in front of me the whole time.”

“Shit nila.”

“It’s okay. Gumanti naman na ako.”

“Now I know.”

“I am sorry Gard.”

“So mali ako right.”

“Mali na?”

“Mali ako na you kissed me because you liked me.”

“I am sorry.”

“It’s okay. Do you need your help pa ba?”

“Okay lang ba sayo?”

“Okay lang. Pero alam mo, you should also learn to loveyourself. Ang ganda mo. Andami pang guys diyan.”

“I love him so much.”

“You love him pero may iba na siya.”

“Hindi naman natuturuan ang puso.”

“Pero kaya mo namang umiwas at kalimutan siya.”

“Mahal niya rin ako.”

“Mahal pero sinasaktan ka niya.”

“Nasa sitwasyon lang siya na hindi niya maiiwasan. Papabasako pa mga text niya sa akin.”

“My God pinagtatanggol mo pa siya.”

“Because I love him!”

“Why do people let themselves to be hurt?”

“Aalis naman na ang girlfriend niya sa Dubai soon.”

“So ‘yun ang pinanghahawakan mo.”

“No. I am hoping naman.”

“Hoping na kapag magbreak sila ikaw na ang susunod?”

“Ewan! Hindi naman namin ‘yun pinag-uusapan!”

“Salve wake up!”

“This is what makes me happy!”

“Happy and now you are crying badly for the hurt.”

“Hayaan mo na lang ako.”

“Hanggang kailan ka maghihintay?”

“Hanggang alam ko na mahal ko siya.”

Humihit muli kaming dalawa ng sigarilyo. Hindi kami nag-usapng ilang sandal. Tumingin ako sa malayo. Si Salve naman ay abala sa pagpupunasng tissue sa kanyang mukhang basang basa ng luha kanina. Dalawa kami ngayongbalisa. Hindi namin alam kung ano ang susunod na gagawin. Hanggang sa i-offerko ang aking braso kay Salve.

“Salve, tara na sa loob.”

Napangiti si Salve sabay kuha ng braso ko. Napakahigpit ngkanyang pagkapit sa akin. Naramdaman ko na marahil balang araw iisipin niya rinna kaya ko namang tapatan ang pagmamahal ng lalaking yun. Siguro kailangan kolang maghintay. Siguro kahit sabihin pa nila na wala ng ibang bangkang lulan siSalve na darating maghihintay pa rin ako. Siguro mamahalin ko siya kahit pa akotumanda. Si Salve lang ang aking mamahalin. Maghihintay pa rin ako at hindi titigilhanggang sabihin niya sa akin na mahal rin niya ako.  Inisip ko ‘yun lahat habang naglalakad kamingdalawa papasok sa bar kasabay ng pagplay ng song na ‘Someday’ ni Nina. 


Bi Thumb rating