Saturday, September 29, 2012

Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre

Annotation:
Ito ay pangalawa sa 20 kabanata ng nobela ko na pinamagatang: "Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre"















Kabanata 2. Si Inda

Sa isang bahay malayo sa kagubatan malapit sa kanayunan malayo sa Mount Sicapoo kung saan walang anumang natitirang mga malalaking puno maliban sa mga ginunting na mga hinulmang mga halaman sa bakuran, maliliit na puno ng mangga at santol, may nakatirang mag-asawang sina Inda at Nono. Wala silang anak. Kaawa-awa ang kanilang kabuhayan. Nakakalbo na ang kanilang mga pananim, nauubos na ang kanilang mga manok, at nanunuyo na ang kanilang palaisdaan. Asin na lang ang kanilang inuulam araw araw.



Isang araw, habang walang ginagawa si Inda at si Nono naman ay nasa kanilang pananim, ay nakakita siya ng isang punso sa harap ng kanilang bahay. Ngayon lamang niya ito nakita. Parang tinumpok ito na lupa o putik na tumigas. May kataasan ito na nakatirik katabi ng puno ng santol.  Wala naman kasing magawa si Inda kaya nilapitan niya ito.



Ang punso pala ay mga limang hakbang mula sa kanilang bahay. Hanggang baywang ni Inda ito. Sa paningin ni Inda, alam niya na delikado ang kanyang ginagawa na lumapit sa punso. Sabi kasi ng mga matatanda, binabahayan ito ng mga lamang-lupa. May kaharian daw doon na namumuhay. Mga maliliit daw sila. May mga kapangyarihan. Puwede raw na bigyan ka nila ng mga kakaibang sakit kapag makaaway mo sila o kung matapakan mo naman sila, puwede ka nilang patayin.


“Tabi-tabi po …”

‘Yan raw ang dapat sabihin sa harap ng punso kung mapalapit ka dito. Dapat  daw ‘yun gawin sabi ng mga matatanda kahit na malaman mo na bahay lamang ito ng mga gumagapang na anay. Kung sa bagay, wala namang mawawala kung maniwala ka. Pero para kay Inda, naniniwala siya. Paglapit ni Inda sa punso, tumigil siya sa harap nito at sinabi ang mga kataga. Matagal rin na tinitigan ni Inda ang punso. Tumigil siya ng matagal dito. Pagkatapos ay pinaikutan niya ang bawat parte ng punso dahil baka may makita siya ritong kakaiba. May katigasan na ang lupa ng punso. Kahit anong parte ng punso ay hindi nakitaan ni Inda ng kahit isang anay o langgam. Siguro tama ang mga matatanda na may nakatira roon. Hanggang may nakita siyang malaking butas sa gitna ng punso. Malaki ang butas ng punso. Naisip ni Inda na baka ito ang pintuan ng mga lamang-lupa. Marahil dito sila pumapasok papunta sa kanilang kaharian. Nagmasid-masid muna si Inda sa paligid kung may ibang tao na maaring makakita sa kanya pero wala naman siyang nakita. Sinilip niya ang loob ng punso. Madilim sa loob. Hindi niya makita ang dulo ng butas. Parang wala namang kaharian doon. Hindi nakuntento, kinatok niya ito. Wala namang lumabas. Sumigaw rin si Inda ng “tabi-tabi po” ng paulit-ulit. Wala pa ring nangyari. Bingi siguro ang mga lamang-lupa.

Matagal din na pasigaw-sigaw si Inda sa butas ng punso. Sa ikatlo niyang lubos na pagsigaw ay humangin ng malakas. Pagkatapos ay nakarinig siya ng malakas na tunog ng lupa. Biglang napatigil si Inda. Lumayo siya sa punso. Pero wala namang nangyari sa may butas. May nahulog lang pala na isang bunga ng santol mula sa puno. Nakita niya ang nahulog na santol. Parang hinog na ito. Pinulot niya ang bunga. Alam niya na matamis ito. Kakainin niya sana ang bunga pero may naisip siya na iba. Naisipan niya na talian ang tangkay ng santol at ihulog sa butas ang prutas para malaman niya kung malalim talaga ang butas sa punso. At iyon nga ang kanyang ginawa. Ginamit niya ang tali sa tabi na dating pinagtatalian ng binenta nilang kalabaw. Inihulog ng bahagya ni Inda ang nakataling santol sa butas. Malalim na yata ang iniabot ng santol hanggang nakaramdam si Inda na nakaabot na ang bunga sa dulo. Baka wala naman talagang nilalang sa loob ng punso. Pinabalik-balik niya ang pagbawi ng tali sa loob hanggang maramdaman niya na bumigat bigla ito. Nagulat si Inda. Bigla niyang inahon ang tali. Sa sobrang puwersa niya, lumabas bigla sa punso ang dulo ng tali. Wala na ang nakataling bunga ng santol. May nakatali nang kumikinang na metal sa dulo ng tali. Isa itong binilog na ginto.

Pinakita ni Inda ang ginto sa kanyang asawa. Sobra ang pagkagulat ni Nono pagkakita ng kumikinang na metal. Sinabi ni Inda na pinadalhan lang niya ng santol ang punso pagkatapos ay pinalitan na ito ng ginto. Tinuro ni Inda ang punso. Umilaw ang mga mata ni Nono. Hinawakan niya ng mabuti ang ginto. Sinabihan niya si Inda na huwag niya ipagsabi sa mga kapit-bahay ang mga nangyari. Pupunta raw muna siya sa bayan.

Naiwan si Inda sa harap ng punso. Naisip niya na baka may nakatira talaga sa loob ng punso. Kung may nakatira man doon, baka gutom na siya, kung marami man sila, baka gutom na sila.
Pinailaliman na naman ni Inda ng santol ang punso. Habang binababa na niya ang santol naisip niya na baka magsawa na sila sa mga buto nito. Bigla niyang binawi ang santol. Pumunta siya sa bahay nila at nagtali ng asin. Kumuha rin siya ng lapis at papel. Magsusulat raw siya sa mga lamang-lupa. Pero naisip niya na baka hindi siya maintindihan. Pero sige lang, guguhit  na lang siya kasama ng kanyang sulat. Bumalik si Inda sa punso.

Gumuhit si Inda ng isang punso. Pinilit niya na maging parehas ang kanyang ginuhit. Katabi ng punso, ginuhit niya ang bunga ng santol. Sumulat si Inda sa papel:

“SANTOL. SARAP.”

Sinama ni Inda ang papel sa ipapadalang asin at santol. Nilagyan rin niya ng pangalan ang lalagyan nito na “ASIN.” Nilagyan rin niya ng lapis at malinis na papel ang kanyang ipapadala. Binaba niya ang mga ito sa punso.

Gaya ng nangyari kanina, bumigat muli ang tali. Pinalitan na naman ng ginto ang kanyang pinadala sa ilalim. Ngayon mas marami at mas kumikinang na mga ginto ang kanyang natanggap. May papel na kasama ang mga ginto. Sinulatan ng mga lamang-lupa sa ilalim ang blangkong papel na kanyang pinadala. Binasa ito ni Inda:

“ASIN. SANTOL. SARAP.”

Nagulat si Inda sa kanyang nabasa. Mayroon nilalang nga sa ilalim ng punso na namimigay ng ginto. Marunong rin pala silang sumulat. Binaliktad niya ang papel. Nakakita si Inda ng guhit.

Gumuhit rin pala ang mga lamang-lupa. Makikita sa papel ang kinopya na guhit ni Inda. Inulit lamang nila ito at tinabihan ng mas malaki pang guhit. Ang punso ay kanila pang pinalaki na halos ikapuno ng papel. Ito rin ang ginawa nila sa santol. Gumuhit pa sila ng mas malaki. Halos sumakit ang ulo ni Inda sa kakaisip. Hindi niya malaman kung totoo ba ang mga nangyayaring ito; gusto pa ba nila ng santol, asin, o ayaw na. Nasarapan kaya sila talaga sa kanyang mga pinadala kanina? Bakit kinopya lamang nila ang kanyang mga sinulat?

Bumalik uli si Inda sa bahay. Dumiretso siya sa kusina. Ang kanyang problema ay kung ano ang kanyang ipapadala sa punso. Ubos na pala ang kanilang asin. Napadala niya na palang lahat sa mga lamang-lupa. Wala na rin silang bigas. Kahit tuyo wala na rin. Dapat may ibigay siya sa mga lamang-lupa na makakain nila. Baka kasi magsawa na sila sa santol. Pero ano?

Nakarinig si Inda ng tila-ok ng manok.

Binaba ni Inda ang nakataling nagpupumiglas na manok sa punso. Pinangalanan niya ito ng “MANOK.“ Kasama ng manok ang isang malinis na papel. Alam ni Inda na matatalino ang mga lamang-lupa. Pinadala ni Inda ang lahat ng ito hanggang makaabot sa pinakailalim na parte ng punso. Gaya kanina, bumigat muli ang tali. Pinalitan na naman ng mga ginto ang kanyang pinadala. Mas marami pa ito. May papel na naman na nakasulat.

“MANOK. SARAP.”

Lubos na nagulat si Inda. Mabilis lang pala matuto ang mga lamang-lupa. Nasarapan sila ng sobra. Gusto pa nila ng manok. Habang binabasa ni Inda ang sulat, dumating na si Nono. Nakasakay siya sa kalabaw. Binili raw niya ito sa bayan kapalit ng ginto. Dala ng kalabaw ay maraming mga sako ng santol at iilang malalaking lubid. Tinagong bigla ni Inda ang mga ginto na kanyang nakuha. Lumayo siya sa punso. Tinali ni Nono ang isang sako ng santol hanggang sa puno ng santol. Pinadala niya ang isang sakong santol sa ilalim. Alam niya na papalitan ito ng mga lamang-lupa ng isang sakong ginto rin. Marami pa siyang dapat papalitan kaya minabilis niya ito. Pagdating sa ilalim, gumaan ang tali. Pagkatapos biglang bumigat. Dali-daling hinatak ni Nono ito. Walang ginto. Puro putik at mga nabubulok na bunga ng santol lamang ang mga naging laman ng sako.

Nagalit si Nono. Mga madamot pala ang mga lamang-lupa. Niloloko lang nila tayo. Sa kanyang galit pumunta siya sa bahay. Kukuha raw siya ng pala. Sisirain niya ata ang punso. Walang magawa si Inda. Habang papunta si Nono sa bahay, nakita niya na may sinulat ang mga lamang-lupa sa sako. Binasa niya ito.

“MANOK MANOK MANOK MANOK MANOK MANOK”

Nagulat si Inda sa kanyang nabasa. Sumulat ng higit sa isandaang beses ang mga lamang-lupa ng MANOK. Gusto pa pala talaga ng mga lamang-lupa ang manok. Ayaw na nila ng santol. Kailangang masabihan niya si Nono. Dapat maniwala siya. Pero sa paglabas ni Nono sa bahay ay sobra pa rin talaga ang kanyang galit. May dala siyang pala. Hindi niya pinakinggan si Inda.

Lumapit si Nono sa punso. Winasak niya ang matigas na lupa. Lumaki pa lalo ang butas ng punso. Halos naging balon na ito sa laki. Pagkatapos, nagtali muli si Nono ng lubid sa puno ng santol at tinalian niya ang sarili sa baywang sa kabilang dulo nito. Binitbit niya ang mga walang laman na sako. Pupunta raw siya sa ilalim. Siya na lang raw ang kukuha ng mga ginto. Wala naman daw mga lamang-lupa sa ilalim Baka raw mga Hapon noong unang panahon pa ang naglagay ng mga ginto sa ilalim. Hindi na niya pinakinggan si Inda. Sa suporta ng lubid, nagpailalim si Nono sa baba ng punso. Hanggang sa hindi na siya makita ni Inda mula sa ibabaw. Naghintay si Inda at pinakiramdaman ang lubid na nakatali sa puno ng santol. Hinahawak-hawakan niya ito. Wala pa ring pinagbago ang bigat ng lubid. Hanggang biglang gumaan ang lubid. Nagulat si Inda. Baka nakaabot na si Nono sa pinakailalim ng punso. Nakita kaya niya ang mga lamang-lupa? Nag-usap kaya sila? Baka binigyan nila si Nono ng mga ginto! Umilaw bigla ang mga mata ni Inda.

Nagkandahulog ang mga bunga ng santol. Biglang bumigat ang lubid. Sa sobrang bigat, halos mabunot na ang puno. Pinilit ni Inda na hatakin ang lubid. Sobra talagang bigat nito. Nakarinig siya ng sigaw ng kalabaw.

Sa ilalim ng punso, matagal talaga bago makaahon ang mabigat na dulo nito. Mabuti na lang at nakayanan ng kalabaw ang bigat. Hinatak ito  ng kalabaw hanggang sa lumabas ang iilang sako. Pinahinga ni Inda ang kalabaw at tumakbo malapit sa punso. Binuksan niya ang isang sako. Mga ginto! Libu-libong mga ginto! Sa wakas wala na silang magiging problema ni Nono! Mayaman na sila!

Binalik ni Inda ang lubid sa ilalim ng punso. Dapat lang na bumalik na si Nono sa ibabaw. Sobrang yaman na nila.

Naghintay si Inda sa wala. Hindi umahon si Nono. Natakot si Inda. Baka nahimatay na siya sa ilalim. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Sinilip ni Inda ang punso. Wala naman siyang makita. Wala rin siyang marinig. Hanggang sa makatapak si Inda ng isang papel. Nahulog pala ito mula sa sako ng mga ginto. Namuti ang mga mata ni Inda. Nabasa niya.

“MANOK. SARAP.”




***********************



Nagpapasa-pasa na ang kuwentong yaon sa bawat bibig ng buong nayon. Marahil sa isang simpleng pagkapanalo lamang sa lotto ang dahilan ng kanilang swerte subalit sa sobrang pagkadamot ng matanda sa balato pinagtatagpi-tagpi na nila ang buong kuwento. Si Nanay  Inda na siya ngayong si Donya Talunay Felicidad ay siyang nagmamay-ari ng halos buong lupain ng San Roque; biyuda subalit kakikitaan ng pagiging malakas ang loob sa lahat ng bagay. Simula ng mamayapa ang kanyang asawa ay hindi na siya nag-asawa pang muli. Kung ano ang kinamatay ng kanyang kabiyak ay walang nakakaalam kaya ginawan na lamang ng kung anu-anong kuwento ang pagkamatay nito. Pinagpalit raw ng Donya ang kanyang kabiyak sa isang engkanto.


Yumaman raw si Donya Felicidad dahil sa mga kayamanan mula sa isang engkanto. Ito raw ang ginamit niyang puhunan upang lumago ang kanyang pataniman ng pinya na siyang naging isa na ngayong pinakamalaking pinyahan sa buong bansa. Habang tumatagal lumalawak ang kanyang mga pataniman hanggang sa sumabak na rin siya sa pandaigdigang merkado. Marami na siyang pinataob na mga negosyo sa parehong industriya. Ang ilang negosyo naman ay nagawa niyang bilhin dahil sa mga pagkalugi ng mga nito. Paglaon naipatayo niya ang La Felicidad Corporation and Associates, isang kompanya na sumasakop sa kabuuang network ng kanyang mga negosyo. Noong mga taong 1998, napagdesisyunan niya na mag-expand sa ibang negosyo. Katulong ang kanyang mga na-hire na mga  marketing advocates napagtanto na nasa market ngayon ang pagpapatakbo ng real estate na negosyo. Naging interasado si Donya Felicidad dito. Kumuha siya ng iilang advisors at inilahad na sa kanya ang posibleng pagpapatayuan ng kanyang pinaka-unang real estate business. Isang malawak na lupain sa gawing Luzon ang kanilang pinupuntirya na malapit sa posibleng kakatayuan ng National Highway ng gobyerno. Nakita ni Felicidad ang malaking oportunidad pagkakita pa lamang sa mga presentations ng kanyang mga empleyado. Ang lupain ay may 20 ektaryang lawak na walang sinumang nananahan maliban sa mga ligaw na mga hayop at halaman. Sapagkat malayo pa ito sa sibilisasyon, mura lamang ang presyo nito na pinagbibili na ng gobyerno. Hindi na pinatapos ni Felicidad ang presentation ay inaprubahan na niya ito at pinirmahan. Batid niya na magiging isa itong matagumpay na proyekto.

Buong galak na nakinig si Felicidad sa boardroom habang nagsasalita ang pinuno ng kanilang  proyekto. Marahil sa tagpong ito hindi na makapaghintay si Felicidad na makita ang isang komunidad na naging matagumpay ng dahil sa kanya. Iniisip niya na ito ay ang komunidad para sa mga mayayaman ng lungsod. Pinapangarap niya na ang mga kabahayan na ipapatayo rito ay para sa mga pinapangarap na mga vacation houses ng mga ilan sa mga negosyante o ‘di kaya’y mga may kaya na walang makitang angkop na lugar para sa kanilang mga pangarap na town houses. Malayo ito sa sibilisasyon subalit alam niya na maaari siyang lumikha nito sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga artipisyal na laot kung saan maaaring puntahan ng mga turista. Habang pinapakita ang mga draft ng planong real estate na talagang binigyan pa ng buhay ng mahusay na pagkakaguhit ng mga kilalang artist ng bansa, napapangiti siya ng bahagya sa maaaring maging tagumpay ng proyekto. Mahigit isandaang first class na mga bahay ang maaaring itayo sa lugar na yaon hindi pa dito kabilang ang 3 major pools sa bawat dimensyon ng lokasyon. Magkakaroon din ng isang malaking parke sa gitna na ihahalintulad sa Bonificio High Street sa Taguig. Dito idaraos ang anumang pagtitipon sa komunidad. Sa bandang gilid naman ay isang zoo kung saan maaaring mamasyal  ang mga bata. Lalagyan rin ng mga paaralan ang paligid ng parke, isang para sa daycare, elementarya at sekondarya. Tiyak na ito ay magiging isang magandang komunidad.

Lunes ng umaga, itinakda ang pagpunta sa site kasama ang mga inhinyero. Ito ang matagal na pinakahihintay ng matanda. Sa wakas makikita niya ang buong lugar. Inimbitahan rin niya ang lahat ng mga kanyang business partners. Isasabay na rin kasi gaganapin ang ground breaking ceremony dito. Lumipad sila gamit ang isang helikopter mula sa kanyang opisina. Alam niya na nauna na rito ang ilan sa kanyang mga tauhan upang ihanda ang pagbisita nila. Pagkaraan ay nakarating na rin sila sa lugar. Bumulaga sa kanya ang pagkamaberde ng mga tanawin. Ang bughaw na dagat na animo’y naglalaro sa mga katabing isla ay isa ring nakakamanghang tanawin.

Itinuro ng kasama nilang engineer ang lugar na pagtatayuan nila ng real estate community. Mula sa malayo, makikita na parang isa itong kumpol ng mga malalaking puno. At habang papalapit sila dito, napagtanto niya na ito ay isang kagubatan.

Bumaba sila sa isang marka na ekis na siyang inihanda na ng mga organizer ng ground breaker ceremony. Sa ’di kalayuan makikita ang mga tolda at lamesa. Pumasok kaagad ang matanda sa toldang de-aircon. Lubhang napakainit kasi ng lugar. Mga ilang sandali na rin ay magsisimula na ang ceremony. Matagal tagal rin na namalagi siya roon hanggang mapagdesisyunan niya na lumabas na rin. Nasa gitna pala sila ng isang malaking gubat. Nagtataasan ang mga puno sa paligid at kung tanggalin sila sa sitwasyong ito, pati na rin ang masayang musika na lumalabas sa malalaking speakers, maririnig mo ang mga nag-iingay na mga kulisap at huni ng mga ibon.

Tinawag na siya ng organizer upang umupo sa unahan. Marami-rami rin ang dumalo. Nakahanda na rin ang pala sa harap. Ito marahil ay magiging parte ng ground breaking. Humina na ang  musika. Sabay hudyat ng organizer sa emcee na simulan na.

“Maganda umaga sa lahat. Narito tayo ngayon upang saksihan ang ground breaking ceremony ng isa sa mga major projects ng La Felicidad Corporation and Associates. Ito ang pagpapatayo ng pinaka-una nitong LFCA Real Estates. Narito si Donya Talunay Felicidad upang magbigay ng ilang pagbati at pagkatapos itutuloy na niya ang ground breaking ceremony,” ang buong galak sa pag-announce ng emcee. Angkop na angkop ang barakong boses nito upang makatawag ng atensiyon sa lahat. Natuwa nang tuluyan ang matanda dahil sa galing ng kanyang organizer na kumuha ng isang pinakamagandang boses sa isang sikat na FM radio. Ngumiti ito sa matanda. Umiling ng bahagya ang donya sabay kuha sa mikropono.

“Salamat. Salamat sa lahat sa pagdalo. Ako ay nagagalak sapagkat kayo ay naging saksi sa pasimula ng aming proyekto upang magbigay ng bagong pag-asa sa mga naghahanap ng angkop na tahanan. Inuulit ko. Hindi ito basta bahay; isang tahanan. Alam ko na marami na ang nagsusulputang mga real estate links sa buong bansa, ang ilan sa kanila marahil ay  nakikita niyo sa mga paliparan, malls, o kahit sa mga grocery stores. Marahil nagtataka kayo kung bakit kailangan ko pang sumiksik sa industriyang ito; at pinili pa namin na malayo pa ito sa kabihasnan. Ito ay sa kadahilanang nakikita ko na hindi pa napupunan ng ibang real estate company ang talagang nais ng madla sa isang angkop na matitirhan. Hindi ito basta sa convenience lamang na kailangang maging malapit sa mga kapehan, opisina, o mga naglalakihang malls. Hindi ito basta sa affordability na kakikitaan ng maliit na espasyo na mapagkakamalan mong isang bahay ni dwarfina. Hindi rin ito basta sa designs o anumang kaartehan kung saan karamihan naman ay madaling masira. Again, this is not just for convenience, affordability, nor designs; it is because we build lives out of nothingness. Ano ang ibig kung sabihin dito?Sa  LFCA Real Estates we need not go near those malls, offices, or schools; we make them. As much as our great houses were crafted and designed by the top architects from Europe and Australia we made all in just one place; one world; one community. Imagine yourself living in a world paying with just one bill for all like doing your groceries without cash or credit cards just bringing your trolleys with what you need inside the world. The pleasure is endless with all that you can possibly think of. And this will be really be possible with  LFCA Real Estates. Thank you very much”

Kinamayan siya halos lahat ng  mga naroon. Sa lakas ng mga palakpak nasa isip na ng matanda na tiyak na magiging patok ang kanyang negosyo. Tiyak na marami ang maiingganyo.

Pagkatapos, hinawakan ng matanda ang pala sabay hukay. May binukas rin na champagne na ibunuhos sa hinukay ng pala. Ito na ngayon ang hudyat ng proyekto.

Bumalik na agad ang matanda sa toldang de-aircon. Dito niya kakausapin ang head engineers. Ipinakita sa kanya ang mapa ng lugar pati na rin ang mga iilang pictures ng mga lokasyon. Mga iilang papeles rin ay kanyang pinirmahan.

“Engineer Myers, as a head engineer may I  know hanggang kelan ang project?”

“5 years po Madam.”

“What? 5 years? Give me the timeline of the plan.”

Pinakita sa kanya ang timeline ng contruction. Napansin niya na 1 year dito ang pagpuputol sa mga puno.

“Engineer Myers, we can cut this short. 1 year is so long to get rid of the trees.”

“But it has been an estimate that it will take a year to clear…”

“We have now permission from DENR to clear the area and they did not indicate in what way it is.”

“Yes. But it will take a year to cut trees..”

“This will just take 6 months Engineer Myers. We will  burn the area.”



=katapusan ng kabanata 2 =

Thursday, September 27, 2012

Ang Alamat ng Kulog at Kidlat

Annotation:
Pangatlo ito sa mga LABING APAT na mga tula kong paalamat na may LABING APAT na pantig sa bawat LABING APAT na taludtod. 

Noon may isang nakalutang na lupang tipak

Nakatira kambal na si Kahining at Barlak

Upang magbantay doon sa mga berdeng pilak

Ni Bathala laban sa sinumang magkabalak

Isang araw may itim na ulap na pumalak

Pinapalayas raw silang walang kwentang anak

At lumisan sila at mga pilak nawasak

Pagbalik nila ay ang sira naging talamak

Nagalit si Bathala  kay Kahining at Barlak

At hiniwalay sa dalawang ulap na sadlak

Upang sa bawat pagdikit dagdag isang pilak

Na napakaingay at parang sumabog na trak

At sila’y masasaktan hanggang tuluyang umiyak

Upang ulan ay mahulog dumaloy sa burak.


Wednesday, September 26, 2012

Ang Alamat ng Gubat

Annotation:
Pangalawa ito sa mga LABING APAT na mga tula kong paalamat na may LABING APAT na pantig sa bawat LABING APAT na taludtod. 



Noon wala pang tinatawag na mga gubat

Lahat ng mga puno tinatago ni Satsat

Malalaki maliliit nandoon ang lahat

Parang alahas nakadikit sa kanyang balat

Isang araw may napahapon na isang pipit

Sa balat ni Satsat siya mismo doon kumapit

Pinalayas ni Satsat at sinabi’y siya’y pangit

Nagalit ang pipit sabay tingala sa langit

Sa awa ni Bathala sa pipit na umawit

Sumama sa mga pakpak ang balat ni satsat

Sa lahat ng mahapunan doon makakalat  

Mga punong dapat walang sinumang kumalap

Kaya bawat paghapon niya, ang balat ni satsat

Ay naging tinumpok na punong tawag ay gubat.




Sunday, September 23, 2012

Pagnamnam sa Sining ng Kamatayan: Isang Review ng Battalia RoyaleVersion 3.0 ng Sipat Lawin Ensemble

Annotation:
Isang review sa isang alternatibong dula na napanood ko kagabi.

Oo nakakita na ako ng patay. Subalit walang pagkakataon na nakakita ako ng namatay sa harap ko. Marahil ito ay dahil hindi ko talaga kaya o talagang may konsepto na nakakapaloob sa bawat sistema natin na ito ay nakakapangilabot. Nakakatakot na ayoko siyang maranasan. Siguro dahil sa mga misteryong nakapaloob sa konsepto ng kamatayan gaya ng kakaibang init sa pakiramdam kahit de-aircon na ang kwarto ng isang tao na kakamatay lang. Dahil raw ito sa paglisan ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan. Teka. Pipikit muna ako. Ayoko to pag-usapan. Kakapangilabot eh. Sa mga ospital naman, ang ibang namatayan, lilisan sa silid. Uupo sa labasat iiyak. Ayaw nila itong makita. Ayaw nila itong maranasan.
Subalit kagabi, hindi ko inaasahan na itutulak ako ng aking pagmamahal sa sining ng teatro upang lakasan ang aking loob na panoorin hindi lamang ang mga namamatay kundi ang pagpapatayan ng mga 40 tauhan sa harap ko. Sa dulang ito, layuninng mga tauhan na mabuhay; ang matirang pinakamalakas at pinakamatalino upangtanghaling nag-iisang kampeon. Ito ang pinakabagong dula ng  Sipat Lawin Ensemble – Ang Battalia Royale na nasa pangatlong bersyon na. Base ito sa nobela ni Koushun Takami na mas lalo pang pinasikat ng pelikula sa parehong titulo. Inaamin ko na hindi ko pakailanman nabasa ang nobela o kahit inalam kung ano ang sinasabing pelikula.  Sinadya ko talaga na hindi bubusuginang aking kamalayan kung ano ang aking susuungin ng gabing yaon. Mas nais ko kasi na pumunta ako sa dula na blanko ang isip at sila na lamang ang pupuno. Oo may mga nagsasabi rin na ito ay dula ng mga patayan at may kinakailangan napartisipasyon ng mga manonood.

Kaya hindi na ako nagbasa o nagclick sa google para hanapin angmas marami pang impormasyon dahil marahil ay walanamang halos mababasa talaga dahil hindi ito naliligaw sa mga kadalasang mgapatalastas ng mga higanteng kompanya sa teatro. Wala rin silang ads sa mgamalalaking pahayagan, radyo o telebisyon. Tanging mga malalapit na mga kaibiganko sa teatro ang nagbigay sa akin ng mungkahi bilang karagdagang karanasan kobilang playwright na panoorin ang Battalia na siya namang tinanggap ko ng bukalsa loob dahil sa interes na rin na makaalam ng mga kontemporaryong pamamaraanng paglalahad sa entablado.

Sa pagpasok sa venue, nakakamangha lamang ang pagtutulunganng mga kasapi ng ensembles bilang mga taga-asikaso sa amin, pagbubuhat ng mgalamesa, paglilipat ng kung anuanong gamit, pagpapaliwanag kung saan kamitutungo pagkabili ng tiket, taga-ayos ng props,  at nakakagulantang na pagsisigaw upang kami aypalabasin sa pagkukumpol sa may pintuan ng museong pambata. May emergency ba? May lindol? Basta eto ako at sumabay sa mabilis na pintig ng puso ko sa kaba sakung ano ang nangyari sa loob. May nasakran ba sa rehearsals? Hindi bamatutuloy ang palabas? Bakit hindi pa kami pinapapasok?

Sumigaw muli ang mama at buong takot ko pa rin na hinarap ito at pinakinggan upang namnamin kung ano na ang nangyayari. Maglalabas na ba sila ng armalite at tatadtarin kami upang gawing longganisa? Pero hindi. Unti-unti kung nahihimay na totoo nga. Hindi sa loob gaganapin ang palabas. Walang magiging entablado. Sa labas mangyayari ang lahat.

Hindi gaya ng mga karaniwang dula, walang pambansang awit na kinanta at diretso na agad sa pagbi-brief ng organizers kung ano ang mangyayari sa kabuuan ng dula. Nakita ko na lumabas si Gabe Mercado– isa sa mga hinahangaan ko na komedyante.  Pumasok agad sa isip ko ang Yakult. Pero sa kanyang mukha sa oras na yaon, hindi na siya angendorser ng Yakult na alam ko na matatawa ako. Nakakatakot siya. Siya ay anggumanap ng napakasamang  Fraser Salomon.  Binigay sa kanya ang mikropono at siya mismoang nagpaliwanag ng panuntunan. Sinabi niya ata ang panuntunan ng mga dalawa o tatlongulit hanggang sa unti unti naming nakakakabisa. Basta bawal ang makikialam athahawak sa mga artista pero sila ay may kakayahan na itulak kami kungkinakailangan. Kailangan raw naming maging alerto sa lahat ng oras.

Rated 17ang dula. Kaya kung sinuman ang magnanais na manood nito ay: “Watch at your own risk.” Nadagdagan na naman ang kaba ko. Alam niyo na kung bakit.

Nagbrief si Fraser sa amin kung ano ang aming susuungin. Itoay ang tungkol sa paano namin gustong mamatay. Nakakatakot ang tanong. Perohindi ko naman sinagot. Habang lahat kami ay nakatumpok sa labas na parang mgausisero sa isang shooting ay nagpasimula sila ng isang laro. Ang classic nakiller-killer game. Natandaan ko pa ito na nilalaro namin noong highschoolkung saan sa pamamagitan ng bunutan may isa na kikindat sa kasama para mamatay.Depende sa nakasunduan na bilang ng mga namatay, huhusga na ang pulis kung sinoang kanyang aakusahan suspect. Kung mahulaan niya ng tama, talo ang killer; kung hindinaman talo ang pulis. Sa gabing yaon ay pinatern ang larong yaon.

Pinapikit nila kami na siyang ginawa ko rin dahil masunurinakong tao. Iniisip ko baka niloloko lang nila kami o pinagtitripan. Pero hindi.Ang may magtatapik raw sa balikat namin ay senyales na ikaw ang tinatalagang “killer.”May nag-tap sa akin. Naramdaman ko ‘yun. Pinamulat na nila kami at sinabi na ang lahat ng killers ay papatay sa pamamagitan ng patago nilang paglabas ng dila nila sa mga biktima. Sahudyat ni Fraser, naglakad lakad nakami. At nagsimulang magsigalaw ang madla naparang mga zombies na naghahanap ng mga mabibiktima. Nahiya ako maglabas ngdila. Ganoon rin ata ang iba. Bahala na kako. Basta lakad lang nang lakad. Maymga nakita akong bumulagta (performance level) at mga umuungol. Nakakapangilabotkung iisipin mo na totoo ito. Pero dumadami sila. Ang gagaling ata ng mgakillers. Pero bakit parang walang dumidila sa akin? Nagtapos ang larong yaonupang sabihin sa amin na lahat kami ay mamamatay (wag naman sana). Medyo basaang sahig dahil sa ulan pero ang iba ay sumunod talaga at bumulagta; parang totoo.Nagsquat na lang ako gaya ng iba at nakinig sa susunod na iaanunsiyo. Pumilisila ng mananalo. Siya raw ang nakita nilang pinakabrutal na pinatay ng killer.Kung ano man ang ginawa ng nanalo, hindi ko na inalam. Inimagine ko na lang namagaling talaga siyang umarte. 

Hindi mawawala ang chimes sa bawat simula ng bawat dula. Hinanap ko ito sa palabas at sapagrinig ko ng pagdagundong ng mga tambol, eto na nga yun. Ramdam ko na nasakakaibang mundo na ako. Magsisimula na ang Battalia Royale. Sumigaw ang isang mama.Nakakapangilabot. Nakakatakot ang boses niya na aakalain mo napapatay siya ng isa sa amin. Nakakamangha rin.  Napalunok ako ng laway at  niyaya ang kaibigang kasama ko paraumuwi. Tinawanan lang niya ako kaya sabi ko sa sarili ko, sige para sapagmamahal sa teatro.

Ang pagsigaw pala niya ay ang paghahati ng buong manonood sadalawa o tatlong grupo. Napapunta ako sa Group B at nasigawan ng isang ensemblemember na Group B TAKBOOOOOO! Na siya namang buong takot ko na sinunod. Angibang grupo ay napunta sa ibang lugar, hindi ko alam kung pagpapatayin silabasta bahala na. Nandito na ako. Comical ang takbo ko dahil sa bagal ng mgataong nasa harapan ko. Mabuti na lang nga at magaan lang ang bag na dala ko.Mainam rin ang suot ko na sapatos para sa takbuhan. Masaya ito.

Napunta kami sa isang gilid na parte ng museong pambata.Gaya ng sinabi sa briefing, sa labas mangyayari ang lahat. Bumungad sa amin angmga artista. Nakadamit pag-eskwela sila. Bulagta. Walang malay sa lupa. Inutasankami na manood sa paligid ng mga nakabulagtang mga artista. Napakabilis lang nglahat para makabuo ng isang espasyo bilang entablado sa labas. May nakaset rinna ilaw sa taas bukod pa sa mga may dala-dalang flashlights na mga ensembles.Lumabas ulit si Fraser at sinabi na ang mga nakabulagta ay mga mag-aaral ng ClassHope of Our Lady of Guadalupe High School, Manila. Nawalan sila ng malay dahilsa usok habang papunta sila ng field trip. Paglaon nang nagkamalay na ang lahat,medyo magulo dahil madami sila talaga at walang pagkikilanlan kung sino ito atsino siya. Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pakikinig kay Fraser. Pansininang nakalagay sa mga leeg ng mga estudyante na umiilaw. Sabi ni Fraser yan rawang magpapakita kung buhay pa sila o patay. Isip ko, parang indicator. Marahilmamaya magiging kapakipakinabang sa manonood para malaman kung buhay pa angkarakter o hindi. Pagkatapos, sinabi niya sa mga mag-aaral na magkakaroon ngisang laro kung saan iniwanan ang bawat isa sa kani-kanilang mga bag ng armaspara gamitin nila sa pagpatay hanggang sa matira na lang ang isa na mananalo. Hindi ko lubosmaisip kung ano ang gagawin ko kung isa ako sa mga estudyante sa sitwasyong yaon. Natakot ako bigla. Marahil posiblerin na mangyari. Hinawakan kong mahigpit ang bag ko.

May pumalag na estudyante. Nagmura. Nagwala. Na siya namangmahinahon sa sinabihan ni Fraser. Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril.Sa unang pagkakataon, nakakita ako ng pumuslit na dugo mula sa katawan ng isangtao. Natalsikan ang damit ko ng dugo. Napamura ako. Hanggang sa binaril pa ang isa pang mag-aaral nanagrereklamo rin. Nakakatakot! Sobrang nakakapangilabot.

Sumigaw ulit ang mama sa amin. Takbo raw ulit kami. Ah alamko na kako. Sa ibang venue na naman kami. Ngayon ko lang napagtanto ang takbong dula, na inilalahad ang lahat ng mga pangyayari sa aktwal na oras, walangentrance at exit sa entablado. Sa pagtakbo ko pa nga papunta sa kabilang venue,napatingin ako sa pinanggalingan ko. Kahit iniwan na ang mga artista ng mgamanonood at hindi na sila iniilawan ay nasa performance level pa rin sila. Parang totoong nagpatayan talaga. Angmga pinatay naman ay hindi kailanman bumangon. Hinila lang sila ng mgaorganizer na parang totoo! Parang totoong may laro! At kami ang mga invisiblebeings na nanonood sa kanila!

Nagtakbuhan ang mga mag-aaral. May iba nagtago. May ibalumaban at naglaro. Dito ko na naungkat ang mga iba-ibang personalidad ng bawatmag-aaral. Nagpapasalamat ako at hindi siya gaya ng mga Japanese Films na bastabasta na lang pumapatay, na walang usap usap, na walang pinaghuhugutan. Dito saBattalia Royale ng Sipat Lawin Ensemble, bilang isang playwright, naramdaman kokung gaano pinagtahitahi at pinagdugtong dugtong ang bawat personalidad.Nakakamangha ang mga naririnig ko na mga salita sa kanila na lahat ay may twistat hindi ko kailanman nahulaan kung ano ang mangyayari.

Nagkalapitan ang mga magkakaibigan, ang mga magbestfriendspero hindi rin ibig sabihin na talagang magkakaroon sila ng tiwala na hindinila papatayin ang isa’t isa. May mga pag-uusap ako na narinig upang tuluyankong maunawaan na sa pagkakataon na ako ay nasa kanilang kalagayan ay maari koring isipin ang aking sariling kapakanan upang pumatay kahit sino pa sa akingminamahal. Killer instinct ang tawag doon depende kung anong armas anggagamitin ko sa kanila. Hindi ko rin alam bakit naiisip ko pa rin ‘yun hanggang sangayon.

Ilan sa mga nakakatuwang armas na napanood ko na napunta kayJulius Francisco ay isang tinidor. Nagkaroon siya ng moment sa isang parte ngvenue na pinanood ng grupo namin. Hindi ko naunawaan ang sinasabi niya, kungnababaliw na siya o talagang nais lang talaga na ilagay siya sa puntong yaonpara isipin namin na nakakatawa siya dahil gamit lang niya ay isang tinidorupang itutok sa kung sinuman man ang mapadaan. At pumasok sa eksena si LakhiYoo, na bestfriend niya. Armas niya ang baril na ititutok niya kay Julius.Mahaba haba rin ang kanilang eksena na wala namang nakakagulat na tagpo kungtatanggalin natin ang parte na nagkayakan sila. Maiisip ko lang na itongdalawang ito ay nandiyan lamang para sabihin na may mga genius sa eskwelahan namaaaring magintercept ng mga signal ng mga nakalagay sa kanilang leeg. Hanggangdoon lang ang naiintindihan ko. Hindi na ako nagkaroon ng interes sa karakter nila.

Nakakatuwa naman ang grupo ng mga babae na nasa lighthousekung saan  tinawag ni Fraser na mgamiyembro ng lighthouse family na pinamumunuan ni Jessica Adriano (ang classvice president). Sila ang mga grupo na piniling itabi ang mga armas, magtago,at huwag sumali sa laro. Hindi ko alam kung hanggang saan sila magtatagal.Palaisipan rin sa akin kung sa paanong paraan sila mamatay gayong nakatagosilang lahat sa lugar na yaon.

Hindi ko rin malilimutang tagpo ang ilan sa mga Rated 17 namga eksena na sa aking palagay ay nagpadagdag ng anghang sa Battalia Royale attapang sa paglalahad ng totoo. Kahit sino naman siguro, kung alam nilangbinibilang na lang ang kanilang oras sa mundo at birhen pa rin ay mag-aasam namadevirginalized kahit sa huling pagkakataon; kahit sa hindi pa nila gaanong kilala tao.Siguro kahit ‘yung mga bagay na gusto nilang sabihin ay masasabi na rin nila.Yaon na kasi ang huli. Wala nang nakakahiya. Mamamatay ka rin naman na. Isa samga nagustuhan kong eksena ay ang mala-romeo and Juliet na pagpapakamatay ngmagkasintahang Francis Bauzon at Malaine Estillore na ginawa nila pagkataposmalaman ni Francis na nais ni Malaine na masex siya. Ang isa pa ay angpaghahalikan Cacai at Ina na kapwa babae. Nakakamangha ang karakter ni Cacaikung saan napagtatanto ko sa mga eksena niya na hindi sapat ang pisikal naarmas para ikaw ay manalo sa mga labanan; mas makapangyarihan pa rin ang salitaat ganda. Inaamin ko na binantayan ko nang husto si Cacai dahil para sa akin siyaang nangibabaw sa lahat ng mga mag-aaral. Sobra ako nahook sa kanya parasubaybayan lalo na sa mga fight scene.

Alam ko na may nasaktan sa totoong buhay sa pagpapalitan ngmga hagupit ng espada at itak kaya buong buo akong namamangha sa mga eksenangyaon. Nagkaroon ng ‘magic’ ang labanan lalo na nang sinasabay na ito ng mgatambol. Ang pinakaheart beatic ng labanang eksena sa lahat ay ang laban ni Cacai at ni VictorVicente na nagpabigay sa akin ng feel na parang nasa totoo talaga akong eksena nglabanan hindi lang ng armas kundi ng mga salita. Hindi nila ako binigyan ngpag-iisip na ang paghawak ng armas at paghagupit nito ay tatapos na sa kwento.Nilihis pa nila ako ng nilihis hanggang sa hinimay himay nila ang kani-kanilangpagkatao at kung bakit sila ganoon. Siguro kayo na ang manood sa eksena nila atdi ko na papaliwanag . Ito ang masasabi kong “the best part” of Battalia Royaleversion 3.0.

Gumawa rin ang sila ng kakaibang pakiramdam sa akin sa kungsaan makukunsiyensiya ako sa kung bakit pa ako nanonood sa mga nagpapatayan.May eksena kasi doon na pansamantalang tinigil ni Fraser ang laro para malamankung may mas marami pang hindi pabor na panoorin ang mga mag-aaral na nagpapatayan.Kung ang mayorya ay umaayaw na magpatuloy ang laro, papauwiin na raw lahatng mga bata. Kaming mga manonood naman ay nakinig at bumoto. Halos pumutok angpuso ko na pumayag na magpatuloy ang laro. Dinig na dinig kasi naman angpagmamakaawa ng mga mag-aaral sa aming itigil na. Lahat sila umiiyak. Parangtotoo! Parang totoong totoo! Nakakalungkot! Pero lahat halos kami ay pumayag kaya nagpatuloy pa anglaro.

Nag-anunsiyo na naman pagkatapos ng panghuling 45 minuto ng laro.Nabuwag na ang mga binuong mga grupo ng manonood at buong tuwa ko na malaman na hinahayaan na kaming mag-ikot sa lahat ng mga venue. “Choose our own discovery.”Agad kong hinanap si Cacai pero hindi ko siya makita dahil na rin sa lakas ng ulan. Madami na ring namatay marahil sa dami nila ay hindi na naligpit ng mga organizer. May mga nakita ako sa daan na mga bulagtang bangkay ng mga mag-aaral, duguan, may mga saksak, etc. Alam ko lahat sila ay may kanya kanyang kwento. Hindi ko lang sila naabutan. Sino ba ang pumatay sa kanila at siyempre bakit sila pinatay. Yaon ang naglaro sa isip ko. Nanatili lang silang nakahiga roon na dinadaanan daanan lang namin kahit sa nakadapa pa sila sa putikan. Again, grabe ang pakiramdam... parang totoong mga bangkay talaga.

Nakakatuwa rin malaman na may 4 pala sila na magkakaibang wakas sa mga ibang araw ng palabas na siya lamang na malalaman ng mga artista mula sa direktor sa kalagitnaan  ng dula. Hindi ko na rin ilalahad ang wakas na napanood ko.Hinahayaan ko na kayong magexplore at manood lalo na ng mga gaya ko na dati’y nakakaramdam ng takot sa kamatayan. Inaanyayahan ko kayo na manood nito hindi dahil sa gusto ko kayong mamatay sa atake sa puso kundi para sabihin sa inyo na narito sila para turuan kayo na harapin ang inyong kinatatakutan; na lahat ay may dahilan; na ang ipis ay pinapatay dahil kailangang patayin – nakakadiri pero kailangan.

Sa kabuuan, ako ay lubos na nagagalak at nabuhay ako sa panahon na pinalabas ng Sipat Lawin Ensemble ang ganitong dula. Saludo ako sa inyong dedikasyon sa malayang pamamahayag, sa tapang ng inyong pagtira sa isa sa mga sensitibong paksa ukol sa kamatayan. Mabuhay kayo!


Battalia Royale 3.0
When: September 14, 15, 16, 21, 22, and 23, 2012.
Where: Museo Pambata at 7pm.



Get Access Passes Here: http://www.facebook.com/sle.tickeroyale

Friday, September 21, 2012

Ang Alamat ng Lahat

Annotation:
Isa ito sa mga LABING APAT na mga tula kong paalamat na may LABING APAT na pantig sa bawat LABING APAT na taludtod. 


Noong unang panahon ay wala pa ang lahat

Kahit sinuman at anuman dyan na may balat

Isang liwanag lamang sa hangin nasisipat

Siya si Bathala sa kawalan sumisiwalat

Winika niyang lumiwanag at ito’y kumalat

Sa baba gitna taas hanggang langit umangat

Pati ang paghahati sa lupa at sa dagat

Araw, buwan, mga bituing kumukutitap

Dinagdag pa mga isda, ibon at kulisap

Tao, halimaw sa lupa at sa tabing dagat

Tsaka si Bathala’y nagpahinga nagagalak

Gayong noon at ngayon nagwiwika ang lahat

Tao man o hayop sa Kanya ay nagagayak

Alay ay walang katapusang pasasalamat.




Thursday, September 20, 2012

X at K

Annotation:
Isang dula na nabuo ng dalawang magkaibigang X at K
Mga Tauhan:
K: Tagakuwento
X: Tagakomento

Tagpuan:
Sa baba ng entablado. Maaring gawin na ang nilalaman ng kuwento ay makikita sa entablado.



K: Baka pwede na magsimula

X: Sige go!

K: Pagkatapos ng mahabang paghihintay ay nakapagtapos din sa wakas sa pag aaral si selda.

X: Hindi ba pwedeng magsimula tayo sa ipinanganak siya?

K: Ayoko ng linear na kuwento. Wag ka ngang magulo!

X: Sige tuloy mo na.

K: Halos ginapang na lamang siya ng kanyang mga magulang para lamang makapag tapos at maging ganap na guro

X: Sandali! bakit naman Selda pangalan niya?

K: Ano naman masama doon?

X: Parang tunog kriminal eh. Madugo. Masakit sa puso pakinggan.

K: Selda.

X: Selda!

K: Hayaan mo na kasi. Kung ano ang unang naisip ng nakaisip yun na yun.

X: Sige tuloy mo na.

K: Matagal nga lamang siyang natapos dahil pahinto hinto siya sa pag aaral. Ngunit dahil sa matalino siya napag kalooban siya ng scholarship nung nagkolehiyo na ito.

X: Sandali.

K: Ano na naman!

X: Anlabo. Sabi mo kanina nagtapos na siya. Bale highschool ba yun?

K: Binabalikan ko lang naman. Nagtapos na siya ng kolehiyo okay?

X: So pinapafeel mo lang ang struggle niya.

K: Oo!

X: Sige continue.

K: lumaki sa siyudad si Selda kasama ang mga magulang at 3 pang kapatid na maliliit.

X: Noong nagraduate ba siya ng kolehiyo hindi siya malaki na?

K: Fine!

NAMUHAY sa siyudad si Selda kasama ang mga magulang at 3 pang maliliit na kapatid

X: Triplet?

K: Bakit mo natanong?

X: Bihira lang ang may matandang Ate tsaka tatlong kapatid na maliliit. Pwera lang kung triplet ang anak ng nanay ni Selda nang malapit na siyang magmenopause.

K: Alam mo andami mong comment.

X: Sige yaan mo na. Okay may kapatid si Seldang triplet tapos?

K: Nakatira sila sa isang maliit na paupahang bahay kung saan lilingon ka lang at doon na ang kusina, kubeta at higaan

X: Teka iniwan nila ang bahay nila sa probinsiya? Nasan ang tatay nila?

K: Patay na.

X: Paano namatay?

K: Matagal na. Nabaon na sa limot.

X: Iniwan nila ang bahay nila sa probinsiya? Anong probinsiya ba 'yun?

K: Nakikitira lang sila sa kamag-anak. Iloilo ang probinsiya.

X: Nagbarko sila tama?

K: Hindi nagsubmarine. Andami mong tanong!

X: Gusto ko lang naman na malinaw ang kuwento mo.

K: Baka gusto mo ikaw na magkuwento.

X: Tuloy mo na.

K: Kaya naman lubos ang kasiyahan ni Selda at ng kanyang mga magulang nang makapagtapos ito

X: Akala ko ba patay na...

K: Kaya naman lubos ang kasiyahan ni Selda at NG KANYANG INA nang makapag tapos ito

X: kala ko minumura mo na ako eh. Sige tuloy

K: Maliit lang ang tirahan nila

X: Nasabi mo na 'yun.

K: Inaayos ko lang linya ng kuwento sa utak ko.

X: O sige tuloy mo na

K: Naging guro si selda sa isang pampublikong elementarya at ang kanyang kita ay sapat lamang upang matustusan ang pamilya

X: So Education ang tinapos na kurso ni Selda.

K: Hindi. Fisheries tinapos niya. Ano ba. Malamang education!

X: Nakapasa na ba siya sa teachers board?

K: Kailangan ko pa bang sabihin 'yun?

X: Wag na. Sige kunyari kakilala na lang niya si Mayor. Okay go.

K: At wala na halos natitira para sa kanya pero sinisikap nitong mapag aral ang mga kapatid upang matupad ang kanilang mga pangarap at umahon sa kahirapan.

X: Napakaideal.

K: isang linggo nagsimba si Selda at papauwi na ito.

X: ok.. nagsimba at papauwi na... then..

K: natapilok si selda sa bangketa at aktong matutumba nang masalo siya ng isang lalaking naglalakad lamang

X: Bola ba si Selda para masalo? O sige naiimagine ko na rin.

K: selda: ayyyyy

X: ay soap opera ito..

K: selda: salamat at nasalo mo ako kung hindi....
lalaki: ako nga pala si Rikardo

X: Hahaha! O sige na love team na ito

K: Agad humiwalay si Selda sa lalaki na nagpakilala at nagpasalamat sabay talikod at naglakad.

X: R-18 ba ang kuwentong to? Naimagine ko si Selda na nakawig longhair at virgin pa. Sige tuloy mo pa. Nakakaexcite ito

K: Asiwa si selda sa mga ganung lalaki dahil alam niyang istilo lamang nila iyon upang makipagkilala at marami pa siyang pangarap kaya ayaw niyang mag nobyo

X: Nagkatumbahan lang nobyo na naiisip nitong Selda na 'to.

K: dahil maka Diyos si Selda walang Linggo na hindi siya nagsisimba at gawa ng pagkakataon o sadya ay nakikita niya si Rikardo sa malayo at nakatingin sa kanya

X: Stalker na? Teka di mo pa nadedescribe si Rikardo.

K: Di mukang sanggano si rikardo. Mukha siyang disente at mabait at kung susuriin mong maiigi ay may itsura ito.

X: mahilig ka siguro magbasa ng tagalog pocket book.. pang ilang series na yan?

K: He! Wag ka ngangmagulo.

Kaya't di nagtagal ay tila napapansin na siya ni Selda at hinahayaan na lamang niya pag tumitingin ito sa kanya

X: Subukan mong muka ni Tado si Rikardo. Tingnan natin kung hahayaan pa ni Selda na titigan siya.

K: isang maulan na linggo, nalimutan ni selda na magdala ng payong

X: Baka naabutan lang siya ng ulan sa daan at wala siyang payong.

K: Sige na. Naubutan na siya ng ulan. Tuloy ko na kuwento.

X: Go.

K: Tapos...

X: si Rikardo may dala ng payong?

K: paglabas ng simbahan ay tinangka ni selda na sumugod sa ulan para makauwi agad subalit naghihintay pala si rikardo sa labasan at may dalang payong upang silungan siya

X: Parang bihira sa isang lalaki na magdala ng payong.

K: Iba nga si Rikardo!

X: Ah baka may naglalako. Madamo diyan tig-50 lang na payong. Madali nga lang masira. O siya tuloy mo na ang kuwento mo sa stalker na si rikardo

K: di na naging mailap itong si selda at hinayaan na lamang niya si rikardo na silungan sya naging tahimik ang dalawa habang nglalakad at binasag na lamang ang katahimikan nang may dumaang sasakyan at natalsikan sila ng tubig ulan at wala ng nagawa kundi magtawanan na lamang

X: Nakakakilig. Teka wag mo sabihing babakat ang damit ni Selda ha.

K: Gago hindi! Manyak!

X: O sige tuloy.

K: pagkatapos nun ay naglakas loob na si Rikardo na kausapin si selda
rikardo: anong pangalan mo
selda: selda bakit?
rik: wala lang kasi...
selda: alam mo dito nalang ako sa tindahan sisilong may hihintayin pa kasi akong kaibigan. salamat ha

X: Uyyyyyyyy. Nakakakilig promise...

K: natulala si rikardo at tumakbong papunta sa tindahan si selda . napasigaw na lamang si rikardo ng "ingat ka ha selda"
may ngiti sa labi ni selda habang siya ay tumatakbo papalayo kay rikardo

X: kahit sino naman mangingiti sa ganun. Hahaha!

K: tumakbo papalayo si selda kay rikardo sa ilalim ng ulan sa pag aalangan nitong malaman ni rikardo ang kanyang tinitirahan kung hahayaan niyang ihatid siya nito sa kanilang bahay

X: ay kinakahiya ang sarili. Pero si Rikardo bilang stalker malamang alam na niya ang bahay ni Selda.

K: Hindi naman alam ni Selda 'yun.

X: Fine. Blinding the reader. Okay nice strategy. Okay go.

K: isa pa, ay pangit at masikip na iskinita ang kaniyang dinadaanan pauwi sa kanila.simula nung tagpo na iyon ay hindi na mawala si Rikardo sa isip ni Selda

X: Alam ko na ang title ng kuwento na 'to.

K: Ano?

X: Ang Hitad

K: Gago. Ayoko.

X: Sige tuloy mo pa
Ano na?

K: Sandali. Atat naman neto.

madalas ay sinasadya niyang dumaan sa simbahan upang makita lamang kung andun parin ba si Rikardo at hinihintay siya.

X: Hitad nga.

K: at sa bawat pagkakataong iyon ay hindi naman siya nabibigo.
achievement test ng mga estudyante ni Selda kaya maaga ang uwian nila.
Si Selda din naman ay nag-ayos ng mga kagamitan niya upang maghanda sa pag uwi.
pag labas niya sa gate ng eskwela natanaw niya sa malayo si Rikardo at nakatingin sa kanya.

X: Si Rikardo ata hindi busy. Baka gusto mong sabihin ang kinabubuhay niya?

K: Mamaya na kasi. Ginagawa ko pang mysterious ang karakter ni Rikardo eh. Nasan na ba ako.
Ayun. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kinawayan siya ni Rikardo.
Di namalayan ni Selda na tinatahak na niya ang daan papalapit sa kinatatayuan ni Rikardo.

X: Tinatahak talaga. Baka pwedeng lakad na lang.

K: Wag kang magulo.

X: O siya siya. Tumatahak na si Selda kay Rikardo na parang batobalani

K: Anong batobalani

X: May tahak tahak kang nalalaman batubalani di mo alam. Magnet un! Sige go tuloy mo na.

K: Nang nakalapit na ito kay Rikardo ay di niya malaman kung ano ang gagawin at sinampal niya ito at nag wika:"sinusundan mo ba ako!siguro may balak kang masama sa akin noh!"

X: Oh my! With all those people?

K: at bigla umalis si selda na gulat sa kanyang nagawa.

X: Eh si Rikardo? Ano reaksiyon niya?

K: si rikardo naman ay napangiti at napaisip na: napansin na din niya ako.

X: Perfect!

K: dumeretso si Rikardo sa isang talyer na pagawaan ng mga dikalibreng sasakyan.

X: Ayun nalaman din kinabubuhay ni Rikardo.

K: pagpasok niya ."Boss okay na po ung 3 ford ddeliver na kay mayor gawa na po."

X: sosyal naman. Ikaw na ang may talyer na Ford ang laman!

K: Rikardo: mabuti naman sge kayo na bahala. ung jaguar ok naba? and ung BMW?

X: grabe naman. dapat hindi talyer pangalan..

K: dun sa talyer na iyon inuubos ni Rikardo ang kanyang oras maliban sa pag sunod sunod kay Selda
isang gabi naglalakad si selda sa parke malapit sa simbahan nang may dalawang lalaking humarang sa kanyang daaanan

X: Wag naman gahasa. Masisira ang pantasya ng mga babasa kay Selda.

K: O siya siya.

mga lalaki: miss, san ang punta mo mag isa ka ata.
selda: bakit ba! umalis kayo dyan
mga lalaki: sama ka nalang sa amin

X: Wag sabi gahasa eh!

K: Wala pa naman ah. Maghintay ka kasi!

X: O sige go.

K: nagpumiglas si Selda ng aktong hahawakan siya ng mga lalaki. Sinuntok si selda ng isa sa mga lalaki at nawalan ito ng malay

X: At nakakawala talaga ng malay ang suntok. Sige tuloy.

K: pag gising niya ay nasa isang abandonadong building na siya at kasama ang dalawang lalaki na aktong maghuhubad at may masamang balak sa kanya.

X: Building?

K: Gusali.

X: Ayoko na!

K: Bakit?

X: Wag sabi gahasa eh. Gasgas na yun.

K: Hindi pa naman siya nagagalaw.

X: Ano ka ba? Nawala na siya ng malay hindi pa nagagalaw?

K: Sige eto na. Hindi siya nawalan ng malay pagkasuntok sa kanya. Iginapos lang siya at puwersahan na sinakay sa van papunta sa gusali. Ano satisfied?

X: Oo. Sige tuloy mo na.

K: kringggggggggggggggggggggggg....

X: Cellphone?

K: alarm clock ni selda. panaginip lang pala ito

X: Putek! Gagohan ba ito? Panaginip flick ng story is trash!

K: Are you insulting me?

X: Sabi ba yan ni Selda sa kuwento mo o sinasabi mo yan sa akin ngayon?

K: Sinasabi ko yan sayo ngayon!

X: Yes it is trash!

K: Alam mo ang yabang mo.

X: Sinasabi ko lang ang totoo. You think you are fooling the audience with that dream thing well nagkakamali ka. They dont buy that!

K: Talaga lang ha. Then what do you want me to do with Selda!

X: Change her name and make her not trapped in dream sequences!

K: At ikaw na ba ang pinakamagaling na writer to give me feedbacks?

X: Hindi ako nagsabi niyan. Dont make me assume I am great because I have nothing to say except to tell you that your story needs full revision!

K: Fine fine. Ikaw na ang magaling. Ikaw na! Hands down to the Palanca Hall of Famer!

X: I don't need any icings. Maniwala ka na kasi. I can help you.

K: Help? Help or insult.

X: I want to help you to grow. Stop reading tagalog romance pocketbooks.

K: Wala kang karapatang baguhin ang mga gusto kong gawin

X: Fine. Read them but dont let it conquer your writing style!

K: Ha? Hindi naman ah.

X: Si Rikardo. Matipuno. Presko. Makisig. Matangkad. It all fit sa mga nababasa mong mga series na yan!

K: Maybe.

X: Si Selda. Parang pang R-18 ang karakter. Baka gusto mo na gawin siyang simpleng tao lang. Hindi kagandahan pero may paninindigan.

K: O sige sige. Tell me paano mo tatapusin ang kwento?

X: Parang inuutusan mo akong kainin ang kinagatan mong fried chicken!

K: mahirap kasi ang gusto mo

X: Hindi ang gusto ko ang mahalaga. Sinasabi ko lang sayo na magsulat ka ng kuwentong may tama sa mambabasa.

K: Sabi mo kanina kinikilig ka eh. Wala pa bang tama yun?

X: Oo yun maganda un. Be consistent. Pagpatuloy mo ang pagpapakilig.

K: Sige.

X: Teka baka puro pagpapakilig ang gawin mo. Ipaglaban mo ang nasa isip mo. Gawin mo ang lahat ng mga nararapat. Kung may gusto kang baguhin sa bansa ihain mo sa lamesa! Ipakita mo! Iparamdam mo! Haluhaluin mo ang mga rekado. Draw an up and down slope of tragedy.

K: Di kita maintindihan

X: As an art form writing is like music. Sino ba magtatagal sa pakikinig sa iisang tono lang. Ibaibahin mo ang tono na magandang pakinggan. Ihalo mo ang iba pang instrumento na angkop hanggang sa maganda ang kalalabasan sa pandinig.

K: O sige.

X: So paano? Siguro hindi mo na ako kailangan dito.

K: Sandali. Ano nga pala pangalan mo?

X: Tawagin mo na lang akong Pepe.

K: Pepe? Sandali!

(maglalakad si Pepe hanggang mawala sa entablado. Maiiwan ang kanyang sumbrero. Pupulutin siya ni K. Ipapalabas ang katapusan ng kuwento ni Selda. Hanggang sa unti unting mawawala ang ilaw)

=wakas=

Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre

Annotation:
Ito ay ang una sa 20 kabanata ng nobela ko na pinamagatang: "Isang Araw sa ika-Bente Uno ng Disyembre"





Nais kung lumipad tulad ng agila

At lumutang lutang sa hangin

Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan






Kabanata 1. Ang mga Dayo

Sa isang lugar malayo sa kapatagan; malayo sa mga usok mula sa mga pabrika at sasakyan na hindi pa kailanman nararating ng tao, makikita ang isang matatawag na malawak na kaharian ng mga dambulang mga puno; may banyan, balete, salisi, dalakit, kamagong, toog, apitong, mayapis, ipil, anang,  talisay gubat at kung anu-ano pa. Mayroon ding mga punong namumunga gaya ng santol, atis, chico, guyabano, durian at marami pang iba. Isa itong nakakamanghang tanawin sa sinumang dumalaw na anumang hayop. Berdeng-berde ang paligid at walang sinumang nangungulimbat sa mga hinog na bunga ng mga namumungang puno kundi mga hayop. Ilan sa mga ito’y mga pabalik-balik na mga makukulay at mapaglarong mga ibon; malaki man o maliit.

Magaganda ang lahat ng mga bulaklak sa paligid na karamihan ay sumasalo’ ng mga natitirang hamog ng umaga. Makukulay silang lahat habang pinagpipiyestahan ng mga bubuyog na ligaw na ’di mo malaman kung saan namamahay sa lawak ng kagubatan. May makikita kang santan, ilang-ilang, sampaguita, waling-waling, gumamela, at iba pa. May makikita rin na palipat-lipat na mga paru-paro na animoy kakalabas lamang sa bahay-uod na nakasabit sa pinakamalapit na puno.Walang sinumang nanghuhuli sa mga malalaking mariposa na aali-aligid sa iba’t ibang mga bulaklak na parang nakakalat lamang sa bawat sulok ng kagubatan. Kasabay ng mga bulaklak, napakasarap langhapin ang sariwang hangin na parang pinaghalong sariwang halimuyak ng mga ito at mga katabing mga puno.

Sa mga butas ng ilan sa mga dambuhalang puno, makikita ang mga nananahan na mga pilandok, usa, tamaraw o baboy ramo. May mga namamahay din ditong mga malalaking langgam na abala sa pag-iimpok ng mga makakain. Sa itaas naman ng isa o dalawang puno ay kakikitaan ng mga nakayakap na mga binturong. Paminsan-minsan ay palipat-lipat sila sa mga puno gamit ang kanyang malakas na buntot upang maghanap ng mga prutas o maliliit na kulisap bilang pagkain. May mga kagwang naman na parang lilipad-lipad sa bawat puno. Sa ibang mga sanga naman normal lamang na makakakita ka ng ilang kalangay,  at ilang makukulay na loro at kalaw.

Sa ‘di kalayuan, makikita ang isang lumilipad na isang haring ibon; ang agila. Mahahaba ang mga pakpak nito na animoy nais angkinin ang buong gubat. Wala ding maaaninag na takot sa mga mata nito bagkus buong kagalakang paglipad sa buong kagubatan.

Dumapo ang agila sa isang puno. Makikita ang kanyang pugad na gawa sa mga inikot na mga maliliit na mga sanga. Nagpiyestahan ang mga inakay nito sa kanyang dala-dalang pagkain. Humangin ng bahagya na ikinagalaw ng buong puno subalit hindi naman napaano ang pugad.

”Napakagaling talaga manghuli ng mga unggoy ang aking mga alaga Toog. Mga ilang taon na nga ba sila nananahan dito?”

Nagising si Toog. Ang kanyang katabing punong si Apitong ay nangbabara na naman sa kanya patungkol sa isang pamilya ng agila na namumugad sa isa niyang sanga. Pumikit muli si Toog at hindi pinansin ang katabi. Nagpatuloy pa rin sa pagsasalita ito.

”Mahigit sampung taon na sila Toog. Biruin mo sampung taon na!” ang sabi ni Apitong na sinagot lamang ang sariling tanong dahil sa hindi pagpansin ng kausap. Si Apitong ay isang malakas na puno na tumagal na rin sa kagubatan ng halos 40 taon. Sa katandaan nito mapapansin ang mga ilang naghilum na mga bali-baling niyang mga sanga gawa ng mga dumaang bagyo. Hindi naman ito gaanong nasira bagkus patuloy na naging matibay sa paglipas ng panahon. Lumaki siyang may napakaraming sanga upang pagpiyestahan ng ilang mga hayop. Napatigil lamang ito nang may dumapong isang malaking agila sa kanyang sanga isang araw upang mamugad sa kanyang pinakamatibay na sanga. Simula noon, hindi na siya nagsawa sa pagiging mapagmalaki sa kanyang mga namumukadkad na mga sanga kung saan namamahay ang isang hari ng kagubatan. Sa kanyang paningin, isa itong malaking pagkukulang ng kanyang katabing si Toog. At ito ang lagi nilang pinagtatalunan.

 ”Hay naku Toog. Tahimik ka na naman.  Malamang andiyan na naman ang iyong paninibugho sa pagkakaroon ko ng napakaraming mga sanga,” malakas na sigaw ni Apitong sa katabing puno.

Nagising si Toog at iginalaw ang kanyang tuwid na katawan nang bahagya kasabay ng paparating na sariwang hangin mula sa katabing ilog. Napatingin ito sa ’di kalayuan na siyang kakikitaan ng napakagandang tanawin ng karagatan sabay talikod kay Apitong upang magsalita.

”Matagal ko na ‘yan  natanggap Apitong. Isang katotohan na ako ay mananatiling isang punong tuwid na walang kasanga-sanga. Lumipas na ang mga  ilang taon kong pagkainggit Apitong. Wala na iyon. Masaya na ako na walang anumang balakid sa aking pamumuhay”

“Hindi mo batid ang saya ng dulot ng mga kiliti ng isang malaking pugad na may malilikot na mga inakay,” dagdag ni Apitong.

“Tama na!”

“...o ‘di kaya ay ang paglalaro ng mga mag-asawang agila na palipat-lipat sa aking matitibay na mga sanga...”

“Tama na Apitong!”

“...ang paglalaro ng mga maliliit kong mga dahon sa mga dampi ng hangin mula sa karagatan...”

“MAGTIGIL KA!”

“Akala ko ba ay nawala na ang iyong inggit Toog? Mapapansin yata ang iyong pagkabalisa sa aking mga winika. Kung makakarinig man ang mga agilang ito sa ating pinagtatalunan at magmakaawa ka na sila’y manahan sa walang kasanga-sanga mong puno malamang ito ang panahong ninanais na nilang magpatiwakal.”

“Hindi ko kailanman ‘yun nanaisin. Ang magpaawa ay isa sa mga gawaing kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan. Alam mo naman ang kapangyarihan natin Apitong. Maari ko silang palayasin sa isang iglap lamang.”

”Isang ihip na nakamamatay. Isang ihip na makakapagbigay ng anumang sakit sa sinumang dayo sa kagubatan.”

”Kung gayun, maari bang lubayan mo na ako sa iyong pagpapakitang-gilas sa lahat ng iyong  kakayahan!”

May mga lumipad na iilang ibon sa ’di kalayuan. Mapapansin na nag-iiba ang init ng pagtatalo ng dalawang puno. Subalit hindi pa rin maawat si Apitong.

”Ang mga agilang ito sa aking sanga ay hindi na dayo sa kagubatan. Sampung taon na silang nananahan sa aking mga sanga Toog kaya wala ng silbi ang iyong kapangyarihan.”

”Wala rin naman masama kung subukan ko Apitong.”

”Subalit...”

Humangin ng malakas na ikinatakot na rin ni Apitong. Isang hanging napakalakas mula sa mga dahon ni Toog ang nagsilabasan. Natigilan ang mga agila subalit saglit lamang ito at nagpatuloy sa pagpapakain sa mga inakay. Walang anumang nangyari sa kanila. Mangiyak-ngiyak si Apitong sa pagtawa sa pagkasawi ni Toog sa kanyang nais gawin sa pamilya ng agila.

”Haha! Toog, Toog, Toog. Ang sabi ko nga sayo, sampung taon na silang nananahan sa aking mga malalakas na mga sanga... mga malulusog at napakaraming mga sanga...”

Tumahimik na lamang si Toog. Batid niya na ito lamang ang magiging paraan upang tumigil si Apitong. Subalit hindi pa rin. Patuloy pa rin si Apitong sa pagsasalita ng kung anu-ano. Kinuwento rin niya ang dali-daling pagkabali ng kanyang mga sanga at tumubong muli mga ilang linggo lamang; pati na rin ang tungkol sa isang kalapating kumikiliti sa kanya sa bawat umaga na nakakawala ng bagot. O ‘di kaya ang pagpapakita niya ng isang bahay-uod na nakadikit sa isang dahon sa kanyang kasingit singitan. Pinilit na lamang ni Toog na huwag intindihin ang lahat ng kanyang mga sinasabi. Basta ang alam ni Toog mapapagod din ‘yun sa kakadaldal.

Ang  puno ni Toog ay tuwid at walang kasanga-sanga kung kaya’t sa buong buhay niya sa kagubatan ay wala siyang naramdaman na sinumang humapon sa kanya na anumang ibon. Malamang may ibang panaka-nakang mga kagwang na humahapon paminsan-minsan subalit agad-agad naman itong lilipat sa ibang puno. Marahil dahil ito sa lubhang pagkanipis ng kanyang sanga na makikita lamang sa pinakatuktok ng kanyang puno. Ika nga ni Apitong ito ay ang mga sangang parang tinik sa liit na palagi niyang pinagtatawanan kung paminsan-minsan ay may naliligaw na mga iilang pipit. Hindi rin akmang tirhan ng mga pilandok ang paanan ni Toog dahil sa kaunting lilim na maidudulot nito kung kaya’t mas minamabuti nilang manahan sa ibang mga puno na may malalawak na lilim.

Si Toog ay isa sa mga nilalang na namamahay sa iba't ibang dambuhalang puno ng kagubatan. Hindi siya hayop hindi siya tao. Mga libo na ring taon siyang namamalagi sa kagubatang yaon at wala naman siyang naaalala sa simula ng kanyang pagpasok sa punong kanyang ginawa ng tahanan o kahit sa anuman niyang maisip na paraan kung paano siya napadpad doon. Ang alam nila, silang lahat ay naging parte na rin ng puno na kanilang tinitirhan. Sila ang puno o marahil sabihin na rin natin na ang puno ay sila.

Si Toog ang tinaguriang bantay sa buong kagubatan ng San Roque. Tinuring ito ng lahat dahil sa angking kataasan nito. Tanaw ni Toog ang lahat maging ang kagubatan sa kabilang isla. Pati na rin ang paparating na bagyo. Kapag may kumpol na ulap sa ’di kalayuan ay agad niya sinasabi sa lahat upang makapaghanda.  Makikita ni Toog ang buong San Roque.

Sa ilalim ng matinding sikat ng araw nakarinig si Toog ng mga kaluskos sa ilalim. Tiningnan niya kung ano ito nang mapansing may kakaibang nilalang na lumalapit sa puno ni Apitong. Ginising ni Toog si Apitong.

”Apitong...”

”Bakit ano na naman Toog.”

“Tingnan mo may paparating...”

Nagising nang  tuluyan si Apitong. Nakita nila ang tatlo na mga nilalang na palapit sa puno ni Apitong. Hawig sila sa mga iilang unggoy na pagkain ng mga agila subalit makukulay ang kanilang mga balat at tuwid kung lumakad sa lupa. Kakaiba ang kanilang mga kasangkapang mga dala. May isang may tangan na lubhang makulay na baging. Ang isa nama’y may tangan na animo’y itim na parihabang bato na nakapatong sa kanyang balikat.

“Toog, mga dayo!”

“Oo nga. Subalit ano ang kanilang pakay?”

”Toog nakikiliti ako! Ang isang unggoy ay umaakyat na sa akin.”

Batid ni Toog ang nais ng mga dayo. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Pumikit siya upang ilabas ang hangin sa kanyang makapangyarihang mga dahon. Tiyak na hindi na makakahinga ang mga dayong ’yan pag-alis nila sa puno. Tiyak na hindi na sila babalik pang muli.

”Toog sandali lang makinig ka. Kakaiba ang mga huni ng mga dayong unggoy!”

Napatigil si Toog at nakinig sa kanilang mga huni. Ang isang unggoy na may hawak na parihabang bato ay tumutok sa isa pang unggoy na nasa ilalim. Patuloy pa rin sa pag-akyat ang pangatlong unggoy. Malapit na itong marating ang unang sanga ni Apitong. Ang wika ng pangalawang unggoy na tuwid na nakatayo sa likod ng unang unggoy na may hawak na parihabang bato:

”This is Patricia Gyenthrow reporting  live visiting the Philippine Eagle in its natural habitat. Our comrade George Harold is currently on the climb in this lone tree that we track down from a group of monkeys they fed in the mountainside that we are successful enough to find a marvelous giant nest made by these magnificient eagle in the wild. This is considered as the largest eagle in the world measuring about one meter in height, has a 76-centimeter highly arched, powerful bill and I said earlier is feeding on  monkeys – the reason why it is called the monkey-eating eagle. George any developments there?,” kakaibang huni ng pangalawang unggoy. Dilaw ang ulo nito at napakaputi ng balat na parang binabad sa batis ng iilang ulit. Ang katawan nito ay may hubog na malayung-malayo sa mga pangkaraniwang mga unggoy. Patuloy ito sa pagsusubaybay sa nakaakyat na pangatlong unggoy.

“Paticia I am now about 30 meters from the ground of this Apitong tree and from here you can see the eagle’s nest at the top. In a little while we can be able to have a close encounter of the big nest…,” sabi ng nakaakyat na na unggoy. Sa isang ‘di maipaliwanag na dahilan humangin ng malakas mula sa malayo. Ang amang agila ay bumalik pala sa kanyang pugad. Wala itong anumang dalang unggoy bagkus isang takot sa panganib na dala ng mga ingay ng kanyang kabiyak at mga inakay. Lumipad ito sa baba ng pugad at hinampas nito ang unggoy na papaakyat. Napakapit ito sa kalapit na sanga. Umagos ang dugo sa kanyang ulo. Tumatak sa panuka ng agila ang dugo. Batid na ito ay walang pinagkaiba sa mga unggoy na kanyang hinuhuli.

”George are you alright? Oh my God. It was a sight of the eagle that it flew past George. Oh my God George you have to go down now! ,“ pasigaw ng pangalawang unggoy sa ibaba ng puno. Lubhang natakot ito at hindi alam ang gagawin.

“The eagle bitch just hit me! Are you still rolling? Cut the words that I just said! Oh God. It seemed that she is trying to defend his nest. She’s flying and slowly scratching me all over”

”George get down..NOW! “

“Alright. I will but I can’t move my arms and…”

“He’s falling! Stop filming this up and help him!”

Humangin ng napakalakas. Unti-unting dumausdus pababa ang pangatlong unggoy na parang naghihingalo. Hindi na ito makahinga. Duguan ito gawa ng ilang gasgas mula sa mga paa ng galit na galit na agila. Dali daling nagsitakbo ang tatlo patungo sa kanilang pinanggalingan hanggang sa hindi na sila matanaw ng dalawang puno.

Bukod sa pagtatanggol ng amang agila sa kanyang pugad, namangha si Apitong sa nagawa ni Toog. Hindi rin maiwasan ni Toog ang masiyahan sa pagdepensa niya sa katabi. Pinasalamatan siya ni Apitong at nangakong kailanman ay hindi na niya ito tutuksuhin.

 Napatitig si Toog sa ina at amang agila na nananahan sa sanga ni Apitong. Malayo ang tingin ng mga ito. May halong takot at pagkabalisa.

Kakaiba na ito.

***********************

Lumipas ang mga ilang araw, buwan at taon hanggang nakalimutan na ng tuluyan ni Toog at Apitong ang mga naganap subalit hindi sa mga agila. Pansin ni Toog na ang pangyayaring yaon ay nagsilbing peklat sa mag-anak. Ang amang agila ay ang higit na nababalisa. Dahil dito, paminsan minsan na lamang ang paghahanap ng amang agila ng pagkain sa gubat hindi gaya ng dati. Bihira na rin ang pag-uuwi niya ng mga malalaking unggoy sa kanyang pamilya. Kalimitan ay mga dayong uod o iba pang mga kulisap lamang ang kanyang tangan-tangan mula sa malayong paglalakbay. Subalit hinahanap-hanap pa rin ng lahat ang lasa ng karne ng unggoy kaya’t malalakas na ingay palagi ang dinudulot ng mga inakay sa pagdating ng amang agila kung iba ang tangan na pasalubong.

Laging nasa malayo na rin ang tingin ng inang agila simula noong dumating ang mga dayo. Marahil nasa kanyang pag-iisip pa rin na maaaring bumalik ang mga yaon at kunin ang kanyang mga pinakamamahal. Nararamdaman rin ito ng amang agila na sa bawat paglipad niya mula sa pugad batid niya na maaaring bumalik ang mga dayo at walang magtatanggol sa kanila. Kaya sa ganitong mga pagkakataon minamadali niya ang paghahanap ng makakain. May mga sitwasyon na hindi niya maimadali ang paghahanap nito kaya kalimitan ay umuuwi siya ng walang anumang dala. Marahil nangagtatago na ang mga unggoy. Marahil kinuha na rin sila ng mga dayo. Ang lahat ng ito ay gumugulo sa kanyang isipan.

Malalaki na ang mga inakay  kaya matindi na rin ang pangangailangan ng mga iyon na kumain ng mas marami. Isa itong matinding pagsubok sa mag-asawa sapagkat tag-hirap talaga makahuli ng mga unggoy. Napasilip si Toog sa itsura ng mga inakay. Malalaki na pala ito. Marahil handa na silang matutong lumipad at magkaroon ng sariling pamilya.

Isang araw, nakarinig si Toog ng napakalakas na alolong. Narinig rin ito ng iba pang mga puno. Buong tindig na sinilip ni Toog ang buong nasasakupan. Ligtas naman ang lahat. Ang dagat at katabing batis ay buong galak na pumapalakpak sa kalinisan. Ang mga puno ay nanatiling nakatirik. Maliban sa isang munting usok sa kabilang bundok. Malayo ito sa dagat. Malayo rin ito sa kanyang kagubatan.

Humangin.  Lumakas ito ng lumakas hanggang mapansin ni Toog na ito'y umiikot sa kanilang kinatatayuan.  Nagsalilta si Toog.

"Magpakita ka!," naisip ni Toog ang mga dayo. Maaaring bumalik sila. Maaaring gumanti sila sa kanilang  nagawa. Si Apitong ay takot na takot sa lahat ng mga puno subalit karamihan naman sa kanila ay nagtitiwala kay Toog na magiging ligtas ang lahat at walang anumang panganib.

Unti-unting tumigil ang paglagaslas ng hangin. Nanahimik ang buong kagubatan.

"MAGPAKITA KA SABI! Sino ka upang dumaan sa aming kagubatan?"

Sa huling salita ni Toog, lumabas sa likod ng sa isang matabang puno ang isang berdeng nilalang. Mapusyaw ito na may nanghihinang kulay na berde. Korteng naaagnas na puno ang kabuuan subalit nakalutang na hindi mawari ang buong katawan. Nagsalita ito. Humangin sa buong paligid ng kagubatan.

"Ipagpaumanhin niyo po at binulabog namin ang inyong kagubatan. Wala lamang po kaming ibang madaraanan."

May panginginig ang  boses nito. Mapapansing may takot ito sa bantay ng kagubatan. Malamang alam nito kung sino si Toog.

"Teka. Namin? NAMIN?,” wika  ni Toog na ’di alam ang gagawin sa nakitang panibagong mga dayo. Hindi niya mawari kung anong klaseng hayop sila. Parang pinaghalong hayop at puno. Hindi niya maipaliwanag ang lahat.

"Ganun nga po...," wika ng dayo na nginig na nginig.

"LUMABAS KAYONG LAHAT!"

Mula sa mga katabing mga puno naglabasan ang mga kasama ng dayong nagsalita. Lahat sila ay mga mapusyaw at may kulay na berdeng matamlay.  Lahat sila'y takot na takot na animo'y nawalan na ng pag-asa. Lahat sila'y unti-unting lumapit sa kinaroroonan ng kausap ni Toog.

" Batid ko na ikaw si Toog ang nakatalagang tagapagbantay ng parte ng kagubatang ito. Ako po si Bantulinao.  Ako po ang pinuno ng isang kagubatan sa kabilang bundok katabi ng iyong kaharian.”

”Pinuno? Wala akong kilalang ibang  pinuno ng kagubatan lalo na sa ganyang anyo!”

Pinilit ni Bantulinao na maging pormal. Pinagpatuloy niya ang pagsasalita.

”Mahirap na itong intindihin pa at ipaliwanag subalit kailangan ninyo itong malaman. Isang delubyo ang dumating sa aking kagubatan. Napakatinding delubyo! Sinalanta nito ang buo naming lahi. Mainit. Sobrang init. Ikinatunaw ito ng aming mga katawan. Ikinahina ito ng aming mga kalooban."

Hindi makapaniwala si Toog sa winika ni Bantulinao. Tumindig si Toog. Nakikita pa rin niya ang namumuong usok sa katabing kabundukan malayo sa karagatang tanaw na tanaw niya. Hinayaan na lamang niyang magsalita si Bantulinao.

"Nawalan kaming lahat ng  mga dahon at mga kasangahan. Tinangay nila lahat ng aming daang taong kinatitirikan. Inuulat ko sa inyo ito upang magsilbing babala sapagkat...”

”MAGTIGIL KA! Walang sinumang magbibigay ng  takot sa aming kagubatan. Ang takot ay tanda ng kahinaan. Hindi ko hahayaang daplisan mo ng anumang walang kahulugan ang mga bagay-bagay ang buo naming kagubatan!”

”Hindi po namin kayo mapipilit.”

"Kung gayon ano ang inyong iba pang ninanais na mangyari?”

"Nais po naming makadaan sa inyong lupain. Ibig naming makapaghanap ng panibagong pag-asa sa mga natitirang buto sa kabilang kabundukan. Marahil maaari kaming magsimula sumanib sa unang pagbutlak ng mga binhi.”

"Hindi na naman kita maintindihan.”

"Tagapagbantay na Toog. Hindi ko po mawari kung bakit hindi ninyo nalalaman ang ating pinagmulan.”

“Ano ang iyong ibig sabihin?”

“Maraming taon na tayong naninirahan sa sanlibutan nang unang ilatag ni Ina ang mga iilang binhi sa pamamagitan ng pitong malalaking agila. Unti-unting ibinagsak ng pitong mga agila ang bawat butil hanggang maging berde ang buong mundo subalit hindi pa ito naging sapat. Mula sa hangin ay humiling siya kay Bathala ng iilan pang mga buhay upang magbigay-gabay sa mga uusbong sa bawat butil na ito. Nang matapat sa sinag ng araw ang unang butil sumanib dito ang iilan sa mga buhay na hiniling ni Ina. Ito ang mga samakal na nagsimula nang nanahan sa iilang mga puno ng kagubatan.”

“At paano ko naman masisigurado na totoo ang iyong mga winika,” ang sabi ni Toog na hindi inanda ang pagkarinig ng salitang samakal. Inisip na lamang niya na mali lang ang kanyang pagkarinig o talagang wala lang halaga para malaman pa kung ano ang ibig sabihin noon.

“Hindi pa ba sapat ang aming katauhan upang magsilbing ebidensiya?”

Lumipad si Bantulinao at umikut-ikot kay Toog. Patuloy ito sa paglalahad.

”Hindi ko rin mapaniwalaan ang lahat ng winika ng aming mga ninuno sa simula. Kanina lang napagtanto ko na may katotohanan ang lahat ng mga kuwento.”

”Kailangan niyo nang lumisan. Hindi ko hahayaan bigyan niyo ng takot ang aking sinasakupan!”

”Toog, darating din ang araw at mapagtatanto mo rin ang ganito.”

”Maari na kayong lumisan.”

”Toog, Tayo ay mga samakal.”


=katapusan ng kabanata 1 =

Bi Thumb rating